07/03/2025
"ANG BUHAY NG MGA 30's😩"
Ang buhay sa 30s ay parang lubak-lubak na daan may halong saya, pressure, at realizations. Dito mo marerealize ang tunay na kahulugan ng "adulting."
Career & Stability – Mas may direksyon ka na sa trabaho, pero minsan may tanong pa rin kung ito ba talaga ang gusto mo habambuhay. Yung iba, nagle-level up yung iba, nagre-reset.
Finances & Responsibilities – Mas conscious ka na sa pera hindi lang pang-luho, kundi pang-ipon, bills, at investment. Real talk, mas ramdam mo na ang halaga ng emergency fund.
Relationships & Family – Yung mga tropa mo, di na madalas lumabas. May kanya-kanya nang buhay may mga pamilya na, busy sa trabaho, o lumipat ng lugar. Pero solid pa rin ang tunay na kaibigan.
Life Perspective – Medyo pressure pero hindi na puro "grind" ang iniisip mo, kundi paano mabuhay nang mas maayos at masaya. Napapaisip ka rin kung ano talaga ang kahulugan ng success para sa’yo.
Masaya sa 30s, pero mabigat ang hambalos ng reyalidad Ang mahalaga, natututo kang balansehin ang lahat peace of mind at realization sa buhay. Ikaw? Kamusta 30's mo?