02/11/2025
₱389 M DOLOMITE BEACH, SANA GINAMIT NA LANG DAW SA FLOOD CONTROL
Pinaimbestigahan ni Bicol Saro Rep. Terry Ridon ang kontrobersyal na ₱389 milyong Manila Bay Dolomite Beach Project, na ayon sa ulat ay dapat ginamit na lang raw sa mga proyekto laban sa baha.
Giit ni Ridon, hindi nakatulong ang Dolomite Beach sa pag-ayos ng daloy ng tubig sa Maynila—bagkus, naharangan pa umano ang ilang drainage outflow, dahilan para mas lumala raw ang pagbaha.