14/02/2025
Buti pa ito alam ang totoo.
ENRILE: WALANG KASONG KRIMINAL LABAN KAY VP SARA DUTERTE, NGUNIT MAY BABALA SA MGA NAGTATANKANG SAMANTALAHIN ANG SITWASYON
Pinawi ni Chief Presidential Legal Counsel Juan Ponce Enrile ang mga haka-haka tungkol sa posibleng kasong kriminal laban kay Bise-Presidente Sara Duterte matapos ang kanyang kontrobersyal na pahayag na nag-utos siyang p*tayin sina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First Lady Liza Araneta-Marcos, at House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay map*tay.
Sa isang pahayag, binigyang-diin ni Enrile na bagama’t mabigat ang naging pahayag ng Bise-Presidente, hindi ito sapat upang magsampa ng kaso. “Although no criminal charge could be made at this time against Sara for her aforesaid statement because it is conditional, care must be taken by both sides to prevent evil third parties to take advantage of it for their personal benefits, whatever these are,” paliwanag ni Enrile.
Matatandaan na sa isang press conference noong Nobyembre 23, 2024, tuwirang sinabi ni Duterte sa Tagalog: “Pag pin*tay ako, p*tayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez. No joke. No joke.” Ayon kay Enrile, bagama’t maaaring ipaliwanag ito bilang isang “conditional threat,” hindi ito awtomatikong nangangahulugan ng isang kasong kriminal.
Ipinaliwanag pa ni Enrile ang mga legal na implikasyon ng pahayag ni Duterte, gamit ang prinsipyong Latin na “Actus non facit reum nisi mens sit rea” o “A guilty act is not criminal unless there is a guilty mind.” Aniya, may dalawang pangunahing elemento sa anumang krimen: ang guilty act at ang guilty mind. “In the aforesaid statement of Sara, the guilty act is the command—‘p*tayin mo si BBM, si Liza Araneta, at si Martin Romualdez.’ And the guilty mind is to avenge Sara’s k*lling, should it happen,” paliwanag niya.
Dahil dito, binigyang-diin ni Enrile na kung sakaling may tangkang pagp*tay kay Duterte, awtomatikong mapapasama sa listahan ng mga suspek sina Marcos, Araneta, at Romualdez, kahit na sila ay inosente. “If an attempt against Sara’s life should happen, but did not succeed, BBM, Liza, and Martin would be the immediate and direct suspects, even though they are innocent, which would further widen the political disruption between the two sides,” babala ni Enrile.
Dagdag pa niya, may panganib na gamitin ng mga masasamang elemento ang isyung ito upang lalong palalain ang hidwaan sa pulitika. “Evil and vicious third parties could merrily take advantage of the situation and weaken, if not destroy, the two sides of the political divide. Even some ambitious members of each political group could take advantage of it to strengthen and promote their personal interest, whatever that is,” aniya.
Sa kabila ng lahat, iginiit ni Enrile na parehong dapat mag-ingat ang kampo ni Duterte at Marcos upang hindi maipit sa anumang posibleng panloloko o panggugulo mula sa mga taong may sariling agenda.
Patuloy na nagbabaga ang tensyon sa pagitan ng dalawang kampo, na lalong pinaiinit ng isyung ito.
Via/ampilipino