28/10/2025
NAPAKADALING MAG CHEAT,
kapag hindi ka pa nahuhuli. Pero kapag nahuli ka na, doon ka na magsisimulang humingi ng tawad, sinasabing aksidente lang iyon at di sinasadya. Sigurado ka ba?
Bakit pa hintayin na magawa na ang pinsala bago makaramdam ng pagsisisi? Bakit pa hintayin na masira ang tiwala bago mapagtanto ang halaga ng pagmamahal ng isang tao?
Ang katapatan ay sinusubok kapag walang nakatingin, kapag walang kailanman makakaalam. It’s easy to break hearts pero ang pag-aayos nito ay nangangailangan ng tapang. Kailangan ng katapatan. At minsan, pagkatapos ng pagtataksil, kahit pag-ibig ay hindi sapat upang ibalik ang tiwalang nawala.
Isipin mo ang puso ng taong iyong sinaktan, nagtatanong sa kanilang halaga, nagtataka kung bakit hindi sila sapat. Isipin mo ang mga luha na minsan ayaw nilang ipakita, ang mga ngiting pilit nilang ipapakita para lamang itago ang kanilang sakit.
Kaya, kung natutukso kang ipagkanulo ang isang taong nagtitiwala sa iyo, mag-isip ka nang maraming beses. Isipin mo ang lahat ng mga gabing naghintay sila para sa iyo, ang mga pagkakataong naniwala sila sa iyo nang walang pag-aalinlangan.
Kapag nasira mo na ang tiwalang iyon, wala nang pagbalik sa dati. Piliin ang katapatan kaysa tukso, katotohanan kaysa kasinungalinga.
Because one day,when you truly realize the value of what you lost, you may find it’s too late to say SORRY.
Wala ng halaga ang SORRY mo kapag nasaktan mo na ang damdamin ng isang tao..