
13/07/2025
Isang araw na naman ng linggo…
Tahimik ang paligid, dahan-dahang umiikot ang oras.
Ito ang panahon para huminga, mag-isip, at magnilay.
Kamusta ang puso mo?
May mga bagay ka bang pinipilit pero hindi na para sa’yo?
O baka naman may pagpapala kang hindi napapansin dahil abala ka sa paghahabol?
Ngayong Linggo, subukan mong tumigil sandali.
Pakinggan mo ang sarili mo.
Patawarin ang sarili, pasalamatan ang buhay, at ipagdasal ang kinabukasan.
Dahil minsan, sa katahimikan ng araw ng Linggo, doon natin naririnig ang pinakamalinaw na sagot. 🙏🕊️