24/05/2026
Maraming Taon din ang paghihintay mo.
Maraming Taon din ang paghahanap mo.
Maraming Taon din na halos mawalan ka na ng pag asa.
Akala mo hindi ka na makakahanap ng magandang trabaho at magandang kabuhayan.
Sa madaming panahon na puro pagsubok sa iyong kakayahan at madami pagkakamaling desisyon na nagawa.
Maaari mong sabihin nakakahiya at halos wala ka nang halos pagkakataon na makabawi pa.
Maraming pagkakataon din na nawalan ka na nang gana na lumaban sa buhay.
Dahil kahit anung gawin mo ay halos akala mo galit sa iyo ang pagkakataon at ang mga tao sa paligid mo ay wala nang tiwala sa iyo.
Halos ayaw mo nang gumalaw at ayaw mo nang mag isip.
Bahala na.
Wala ka nang magagawa pa.
Gulong gulo ang isip mo hindi ka na mapalagay.
Nakalimutan mo nanjan ang Diyos.
Alam niya lahat ng pinagdaanan mong mga pagsubok.
Kaya isang araw binigay niya ang pag asa sa iyo.
Hindi para mawala lahat ang problema mo,
Kundi ay para gabayan ka niya
Patungo kung saan ka nararapat.
Kung Saan hindi ang mga pangarap mo ang matutupad,
Kundi ang mga pangako niya para sa iyo.
Kaya huwag kang mawalan ng pag asa LAHAT ng bagay na pinaghirapan mo ay may katapat na gantimpala nararapat para sa iyo.
Walang masamang tao o mabuting tao sa harap ng Diyos.
LAHAT sa kanya ay pantay pantay na kanyang tinubos at babalikan sa tamang panahon.