16/08/2025
KASO NG PAMAMA*RIL, NAITALA SA MGA PAARALAN SA NUEVA ECIJA, LANAO DEL SUR AT COTABATO! PAANO MASISIG**O ANG KALIGTASAN NG MGA ESTUDYANTE AT G**O?
โMabait at malambing na bata โyung anak ko.
Masipag ding mag-aral at matalino sabi ng mga teacher niya.
Lagi niya akong sinasabihan ng, โI love you, Mama.โ
โYun ang hindi niya nawawala sa gawa niya.
Nuโng araw na โyun, may iba na sa pakiramdam ko.
Hindi ako makatulog magdamag.
Kinabukasan, may nag-chat sa akin sa Messenger.
NabariI daw โyung anak ko.
Ang kasunod na message, patay na raw.
Hindi ako makapaniwala.
Iyak ako nang iyak!
Sobrang sakit.
Hindi ko man lang siya napagtanggol.โ
-Elvie, nanay ng binaril na estudyante sa Nueva Ecija
โHigh school pa lang, sabi niya gusto niyang magturo.
Gusto niya mag-Filipino major, kasi nagsusulat siya ng mga tula, mga nobela.
Nuโng araw na โyun, pumunta sa akin โyung bunso naming kapatid.
Sabi niya, si kuya, binariI daw!
Nanginginig โyung katawan ko.
Natakot ako.
Minsan lang kami magkita ng kapatid ko.
Tapos โyung pagkikita namin, patay na siya.
Sabi ng inspector sa akin, โyung pagkabagsak daw ng suspek sa subject niya ang rason kung bakit binaril ang kuya ko.
Mahirap tanggapin.
Ipaglalaban namin hanggang sa makuha niya โyung sapat at tamang hustisya para sa kanya.โ
-Cherry Rose, kapatid ng teacher na binaril sa Lanao del Sur
Courtesy of