Muslim's Journal

Muslim's Journal Please SHARE any of my Islamic posts❤️❤️❤️...
Let's collect and save SADAQAH JARIYAH for our AKHIRAH🤲🤲🤲🤲☝️

Calamities are part of life’s tests:“And We will surely test you with something of fear and hunger and a loss of wealth ...
19/09/2025

Calamities are part of life’s tests:

“And We will surely test you with something of fear and hunger and a loss of wealth and lives and fruits, but give good tidings to the patient.”
— Surah Al-Baqarah 2:155

SILA NA DINATNAN NG MAGAAN NA PAGSUBOK SILA YAON ANG MAY PINAKA MAHINANG PANANAMPALATAYA❗❗❗👉Sila na nakakaranas ng matin...
19/09/2025

SILA NA DINATNAN NG MAGAAN NA PAGSUBOK SILA YAON ANG MAY PINAKA MAHINANG PANANAMPALATAYA❗❗❗

👉Sila na nakakaranas ng matinding pagsubok dito sa mundo ay siyang makakatanggap ng pinakamalaking gantimpala sa Huling araw🌹

Ayon sa mga iskolar:
"Ang sinumang dinatnan ng matinding pagsubok ay sila yaong pinaka mataas ang pananampalataya tulad ng mga Propeta, ang sumunod sa nga Propeta at yaong mga taong gumagawa ng kabutihan at ibp..).

Sila na nakakalasap ng magaan na pagsubok, sila yaon ang pinaka mahina ang pananampalataya. Ayon sa Hadith na nabanggit sa itaas❗

Kapag minahal ni Allah ang Kanyang alipin ay padadaanin iti sa matinding pagsubok

👉Sinabi ng Mahal na Propeta: "Katunayan! Kapag minahal ni Allah ang Kanyang alipin ay padadaanin Niya ito sa pagsubok"

Pasalamat tayo dahil ang pagsubok ay sa makamundong bagay at hindi sa kanyang relihiyon.

Naiulat mula sa isang kuwento ng Salaf (sinaunang mananampalataya;
Nadaanan ng isang lalaki ang isang lalaking maysakit bulag, may ketongin at ang buong katawan ay puno ng sakit na kanyang binibigkas ang:

الحمد الله الذي عافاني من بلاء أُبتلى به أكثر الخلق”

Ang kahulugan ay:
“Ang lahat ng papuri ay kay Allah lamang dahil ako ay Kanyang inilayo at inalagaan mula sa mga pagsubok na tinatamasa ng maraming mga tao”

Sinabi ng lalaki:
“lahat na yata ng pagsubok ay nasa sa iyo”.

Sinabi ng maysakit:
“Inalaagaan pa rin ako ng Tagapaglikha (Allah) sa mas matindi pa rito na pagsubok, ito ay ang pagtakwil o pagtalikod sa Kanyang relihiyon”

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
حديث: "إن الله إذا أحب عبدًا ابتلاه"

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

ISINUMPA NI ALLAH ANG NAGPAPABAWAS NG KILAY O NAGPAPANINIS NITO❗❗❗👉Lahat ng pagbabago o pagsasaayos sa eyebrows (kilay) ...
18/09/2025

ISINUMPA NI ALLAH ANG NAGPAPABAWAS NG KILAY O NAGPAPANINIS NITO❗❗❗

👉Lahat ng pagbabago o pagsasaayos sa eyebrows (kilay) tulad ng: pagpapanipis, pagpapakapal, pagbabawas, pagpapahugis, pagpapalit ng ibang kilay o kulay at pagtatanim o pagdugtong nito ay ipinagbawal.

👉 Sinabi ng mahal na Propeta: "Isinumpa ni Allâh ang nagpapabawas ng kilay at ang tagapagbawas nito" Inulat nila Imam Bukhari at Muslim

Note: Nakakapagtataka lang sa mga Sister, matapos nila itong bawasan ay kukurtihan muli upang kumapal😅✌

👉 Hinggil naman sa pagbabago sa ating katawan tulad pagretoke ay ipinagbawal alinsunod sa Sinabi ni Allah na kung saan sinabi ni Shaitan (Satanas) bilang pagliligaw sa mga tao: "....At uutosan (ililigaw) ko sila (mga tao), upang baguhin ang anumang nilikha ni Allah". Qur’an 4:119

👉IPINAHINTULOT lamang ang pagbabago sa katawan kung ito ay may pinsala, kapansanan, depekto o nakakasagabal sa katawan❗❗❗

👉Iniulat ni Arfajah Bin As-ad (kalugdan siya ni Allah), Natabas ang kanyang ilong sa panahon ng labanan at kanya itong pinalitan ng isang artificial mula sa silver ngunit ito ay nagnana "lumalabas na hindi kanais nais na amoy" mula sa kanyang ilong, kaya pinag-utusan siya ng Propeta (sumakanya ang biyaya at pagpapala) na palitan ito ng ginto”
Iniulat nila Imam Ahmad, Abo Dawood at Tirmidhi at ito ay authentic na Hadith ayon kay Albani

👉Tinanong ang Permanent Committee ng Saudi Arabia hinggil sa pagpapaopera ng isang ginang sa kanyang mukha at dibdib at ang kanyang ilong ay hindi pangkaraniwan ang laki at malapad, nais niya itong liitan at kung hindi ito maisagawa ay makakaramdam siya ng matinding pambu-bully mula sa ibang tao dahil narin sa kapansanan.

Kanilang sinagot: "Kung ganito ang kalagayan ayon sa nabanggit at malaki ang tsansa na magtatagumpay ang nasabing operasyon at walang pinsalang matatamo,
Ang nasabing operasyon ay ipinahintulot upang makamit ang anumang nakakabuti,
Ngunit ang maliban sa nabanggit na dahilan, ito ay ipinagbabawal" MAJMOO FATAWA 25:59

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "لعن الله النامصة والمتنمصة" رواه البخاري ومسلم

-عنْ عَرْفَجَةَ بْنِ أَسْعَدَ أَنَّهُ أُصِيبَ أَنْفُهُ يَوْمَ الْكُلاَب فِي الْجَاهِلِيَّةِ وَاتَّخَذَ أَنْفاً مِنْ وَرِقٍ، فَأَنْتَنَ عَلَيْهِ، فَأَمَرَهُ النبي - صلى الله عليه وسلم - أَنْ يَتَّخِذَ أَنْفاً مِنْ ذَهَبٍ. رواه أحمد وأبو داود ، والترمذي، وصححه الألباني

Ctto: ✍️ Sheik Zulameen Sarento Puti

DAPAT ANG ABAYA NG BABAE AY NATATAKPAN PATI ANG PAA (ito ang Sunnah)🌹🌹🌹👉 Sinabi ni Umm Salama (asawa ng Propeta) sa maha...
18/09/2025

DAPAT ANG ABAYA NG BABAE AY NATATAKPAN PATI ANG PAA (ito ang Sunnah)🌹🌹🌹

👉 Sinabi ni Umm Salama (asawa ng Propeta) sa mahal na Propeta: "Ako ay isang babaeng may mahabang dulo ng damit at ito ay aking naidadaan sa mga maruruming lugar.

Ang tugon ng Propeta: Nililinis ng bawat dulo nito ang anumang nadumihan"

👉Sa ibang ulat ng Hadith: "Ang lupa ay nililinis nito ang dumi na kumakapit sa bawat isa"

NOTE: Ang pag-uutos ng pagpahaba ng dulo ng damit sa paa ay natatangi lamang sa mga babae🌹

👉👉Sa mga kalalakihan, obligadong hindi lalagpas sa bukong bukong ang haba nito

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Hindi titingnan ni Allah ang humihila ng kanyang damit (sumubra sa bukong-bukong ang haba) dahil sa pagmamataas."

👉Sa iba pang ulat: "Ang lalagpas sa bukung-bukong na kasuutan ay sa Impiyerno." Isinalaysay ni Bukhari

NOTE: Ang dalawang huling Hadith ay natatangi ang sa mga lalaki

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
• -حديث: "نْ أُمِّ سَلَمَةَ زَوْج النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَتْ:" إِنِّي امْرَأَةٌ أُطِيلُ ذَيْلِي، وَأَمْشِي فِي الْمَكَانِ الْقَذِرِ» فَقَالَتْ أُمُّ سَلَمَةَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يُطَهِّرُهُ مَا بَعْدَهُ»." وصحَّحه الألباني في مشكاة المصابيح
و في الرواية:
"الأَرْضُ يُطَهِّرُ بَعْضُهَا بَعْضًا
أخرجه ابن ماجه ٥٣٢
-حديث: "لا ينظُرُ اللهُ إلى من جَرَّ ثوبَه خُيَلاءَ." رواه البخاري ومسلم.
"-حديث: "ما أسفَلَ من الكعبينِ من الإزارِ ففي النَّارِ." رواه البخاري.

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

゚viralシfypシ゚viralシalシ

DAPAT ANG ABAYA NG BABAE AY NATATAKPAN PATI ANG PAA (ito ang Sunnah)🌹🌹🌹👉 Sinabi ni Umm Salama (asawa ng Propeta) sa maha...
18/09/2025

DAPAT ANG ABAYA NG BABAE AY NATATAKPAN PATI ANG PAA (ito ang Sunnah)🌹🌹🌹

👉 Sinabi ni Umm Salama (asawa ng Propeta) sa mahal na Propeta: "Ako ay isang babaeng may mahabang dulo ng damit at ito ay aking naidadaan sa mga maruruming lugar.

Ang tugon ng Propeta: Nililinis ng bawat dulo nito ang anumang nadumihan"

👉Sa ibang ulat ng Hadith: "Ang lupa ay nililinis nito ang dumi na kumakapit sa bawat isa"

NOTE: Ang pag-uutos ng pagpahaba ng dulo ng damit sa paa ay natatangi lamang sa mga babae🌹

👉👉Sa mga kalalakihan, obligadong hindi lalagpas sa bukong bukong ang haba nito

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Hindi titingnan ni Allah ang humihila ng kanyang damit (sumubra sa bukong-bukong ang haba) dahil sa pagmamataas."

👉Sa iba pang ulat: "Ang lalagpas sa bukung-bukong na kasuutan ay sa Impiyerno." Isinalaysay ni Bukhari

NOTE: Ang dalawang huling Hadith ay natatangi ang sa mga lalaki

PINAGKUHANAN SA USAPIN:
• -حديث: "نْ أُمِّ سَلَمَةَ زَوْج النَّبِيِّ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ فَقَالَتْ:" إِنِّي امْرَأَةٌ أُطِيلُ ذَيْلِي، وَأَمْشِي فِي الْمَكَانِ الْقَذِرِ» فَقَالَتْ أُمُّ سَلَمَةَ: قَالَ رَسُولُ اللهِ صَلَّى اللهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ: «يُطَهِّرُهُ مَا بَعْدَهُ»." وصحَّحه الألباني في مشكاة المصابيح
و في الرواية:
"الأَرْضُ يُطَهِّرُ بَعْضُهَا بَعْضًا
أخرجه ابن ماجه ٥٣٢
-حديث: "لا ينظُرُ اللهُ إلى من جَرَّ ثوبَه خُيَلاءَ." رواه البخاري ومسلم.
"-حديث: "ما أسفَلَ من الكعبينِ من الإزارِ ففي النَّارِ." رواه البخاري.

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

゚viralシfypシ゚viralシalシ

NASA KALAGAYAN NG SALAH O RIBAT HABANG NAGHIHINTAY NG PANIBAGONG SALAH SA LUGAR NA IYONG PINAGDARASALAN❗❗❗👉 Alam mo ba n...
14/09/2025

NASA KALAGAYAN NG SALAH O RIBAT HABANG NAGHIHINTAY NG PANIBAGONG SALAH SA LUGAR NA IYONG PINAGDARASALAN❗❗❗

👉 Alam mo ba na ikaw ay nasa kalagayan ng Salah (pagdarasal) habang naghihintay ng panibagong Salah?!

👉Sinabi ng Mahal na Propeta (sumakanya ang kapayapaan): "Ipapanalangin ng mga Anghel ang isa sa inyo habang hindi siya lumalabas sa kanyang pinagdasalan o habang dipa nasisira ang kanyang Wudu, kanilang sasabihin (mga Anghel): "O Allah Patawarin Mo po siya, O Allah! Kahabagan Mo po siya" Inulat nila Imam Albukhari at Muslim

👉Sinabi ng Propeta: "Ang paghinhintay ng Salah pagkatapos ng Salah. Yan ay kabilang sa RIBAT (pakikibaka sa landas ni Allah at inulit ito ng tatlong beses" Inulat ni Imam Muslim

Paalaala:

♦️ Kung wala karin namang importanting ginagawa ay ugaliing maghintay ng Salah pagkatapos ng Salah sa loob ng Masjid o sa lugar ng iyong pinagdarasalan sa iyong tahanan (sa mga kababaihan) upang makamit ang nasabing gantimpala.

♦️ Bawasan ang pakikipag usap sa makamundong bagay sa loob ng masjid maliban kung kinakailangan.

Pinagkuhanan sa usapin:

حديث: "المَلائِكَةُ تُصَلِّي علَى أحَدِكُمْ ما دامَ في مُصَلّاهُ، ما لَمْ يُحْدِثْ: اللَّهُمَّ اغْفِرْ له، اللَّهُمَّ ارْحَمْهُ، لا يَزالُ أحَدُكُمْ في صَلاةٍ ما دامَتِ الصَّلاةُ تَحْبِسُهُ، لا يَمْنَعُهُ أنْ يَنْقَلِبَ إلى أهْلِهِ إلَّا الصَّلاةُ" البخاري
-حديث: "وَانْتِظَارُ الصَّلاةِ بعْد الصَّلاةِ، فَذلِكُمُ الرِّباطُ، فَذلكُمُ الرِّباطُ" رواه مسلم.

Ctto: ✍️Sheik Zulameen Sarento Puti

゚viralシfypシ゚viralシalシ

IRAN (Shi,a) HINDI BUMUTO PARA MAGKAROON NG STATE (kalayaan) ANG PALESTINIAN❗❗❗👉👉 Nasaan na ang mga nagbulag-bulagan na ...
13/09/2025

IRAN (Shi,a) HINDI BUMUTO PARA MAGKAROON NG STATE (kalayaan) ANG PALESTINIAN❗❗❗

👉👉 Nasaan na ang mga nagbulag-bulagan na nag-iidolo sa kanila mula sa mga mangmang, Shi,a rin na tulad nila, Ikhwani, Orientalist, iilang mga Ashaira, Soofi, Sorrori at iba pa?!❗❗❗

👉👉 Nasa larawan ang
naganap na butuhan ng UNITED NATIONS na paboran ng pagkaroon ng two-state solution for Palestine and Israel❗❗❗

👉 Pinangunahan ng SAUDI ARABIA ang nasabing resolusyon upang makamit ng mga Palestino ang kalayaan👍👍👍

Ngunit, Ang mapalinlang na mga Shi,a Ira'n (tray'dor) ay sila mismo ang hindi pumabor at hindi bumuto na magkaroon ng kalayaan ang mga Palestino❗

👉 Alalahanin naisulat sa kasaysayan na ang mga Shi,a ay kabilang sa nilimbag ng Yahu'di upang wasakin o makipagsabwatan sa mga kalaban upang sirain ang Islam ❗

Simula ng ito ay maitatag, wala ng ginawa kundi wasakin, i-masaker, patayin ang mga Muslim hanggang sa kasalukuyan, hindi yan maitatago dahil nasa kasaysayan❗❗❗

Kukuha tayo ng tatlong halimbawa na malagim na genocide (hindi lang masaccre) na ginawa ng mga Shi,a sa Kamusliman.

1- Ayon sa kasaysayan hindi bababa ang namatay na Muslim sa pagbagsak ng Abbasid Empire dahil sa pakipagsabwatan ni Ibn Alqami na isang Shi,a na nagpapasok ng mga Monggolian sa Baghdad na sanhi ng pagkapaslang ng mahigit isang milyon na Muslim kabilang na ang Khalifa❗

2- Naitatag Ang Safawid Empire (IRA,N sa kasalukyan ngayon na dating bansang Sunni) ng mga Shi,a na hindi bababa ng milyong napaslang na mga Muslim (hindi ito nakikita ng mga bulag)❌❌❌

3- Gayundin naitatag ang Fatimid Empire (ng mga Shi,a) na kumitil ng buhay ng daang libong mga Muslim. Sila rin ang nagpapasok sa mga Crusaders sa Palestine na kumitil ng 140 libo na tao at sila ay tumagal ng 90 years

Ang mga Shi,a ang naglapasok sa mga Christian Crusaders noon at mga Shi,a rin ang unang kumilala ng bansang Isra,el sa Palestine kaya nagkaroon ng bansa ang Israel❗

DAGDAG KAALAMAN:

Mas matagal pa pala ang pananakop ng Crusaders sa Palestine (90 years) kaysa sa mga Hudyo ngayon (75 years palang)❗

Bilang panghuli, Pinaslang ni Qurmuti (isang Shi,a) ang hindi bababa sa tatlumpong libo na nagsasagawa ng Hajj at itinapon sa baloon ng Zamzam ang mga bangkay at tinanggal ang Hajaral Aswad sa Makkah at dinala ito sa kaharian niya sa loob ng mahigit 20 years.

Note: Sa kasalukuyan ay hindi baba sa 20 milion ang napaslang ng mga Shi,a sa IRAQ, SYRIA, LEBANON At YEMEN❗

Kaya huwag kayong aasa na kampihan ng Shi,a ang mga Palestino kundi sila pa ang maging instrumento sa pagbasak nito❗❗❗

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

゚viralシfypシ゚viralシalシ

ANG MASAMANG PANAGINIP AY MULA KAY SHAITAN❗❗❗👉 Si Shaitan ay laging nag-uudyok sa tao ng masama at minsan idadaan ito sa...
11/09/2025

ANG MASAMANG PANAGINIP AY MULA KAY SHAITAN❗❗❗

👉 Si Shaitan ay laging nag-uudyok sa tao ng masama at minsan idadaan ito sa masamang panaginip tulad ng pagkapinsala sa sarili, mahal sa buhay o pagkaroon ng matinding takot, pag-isip ng masama sa kapwa etc.. kaya marapat na huwag itong sabihin o ikuwento sa sinuman❗

Huwag din itong pagtuunan ng pansin (kalimutan) at lalu't Huwag bigyan ng kahulugan dahil ito ay isang uri ng pagtatanim ni Shaitan sa iyong puso ng kalungkutan, pangamba (takot) at paglalaro❗

👉 Ang dapat gawin pagkagising ay magpakupkup kay Allah laban sa masamang panaginip (sabihin ang Auzo Billah), kailanman ay hindi siya mapipinsala nito.

DALEEL:

👉Dumating ang isang lalaki sa Propeta na kanyang sinabi: "O Sugo ni Allah! Nakita ko sa aking panaginip na ako ay pinalo ng napakalakas (pinutol) at nakaramdam ako ng pagkahilo sa sakit sa tindi ng palo.

Sinabi ng Propeta: "Huwag mong ikuwento ang paglalaro sa iyo ni Shaitan sa iyong panaginip " Inulat ni Imam Muslim

👉 Sa ibang salaysay na Hadith: "Aking nakita na ang aking ulo ay pinutol at ito ay gumulong gulong at ito ay aking sinusundan at nagkaroon ako ng kalungkutan"

👉 Sa ibang Hadith: "Ang masamang panaginip ay mula lay Shaitan"

Ang hangarin niya ay upang takutin ang tao o taniman ng pagkabalisa / kalungkutan❗

PAALAALA:

♦️ Kaya, Misis huwag magpaniwala sa iyong masamang panaginip minsan ito ay dulot lang ng iyong ensecurities😅✌❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "جَاءَ أَعْرَابِيٌّ إلى النبيِّ صَلَّى اللَّهُ عليه وَسَلَّمَ فَقالَ: يا رَسولَ اللهِ، رَأَيْتُ في المَنَامِ كَأنَّ رَأْسِي ضُرِبَ فَتَدَحْرَجَ فَاشْتَدَدْتُ علَى أَثَرِهِ، فَقالَ رَسولُ اللهِ صَلَّى اللَّهُ عليه وَسَلَّمَ لِلأَعْرَابِيِّ: لا تُحَدِّثِ النَّاسَ بتَلَعُّبِ الشَّيْطَانِ بكَ في مَنَامِكَ" مسلم

Ctto: ✍️Sheik Zulameen Sarento Puti

WALA NI ISANG HADITH NA AUTHENTIC NA KINAMUHIAN ANG MATABA O ITO AY ISANG PARUSA❗❗❗👉 Ang Ulat mula kay Umar na kanyang s...
10/09/2025

WALA NI ISANG HADITH NA AUTHENTIC NA KINAMUHIAN ANG MATABA O ITO AY ISANG PARUSA❗❗❗

👉 Ang Ulat mula kay Umar na kanyang sinabi na ang mataba ay parusa ay hindi po Authentic❌

👉Gayundin ang Hadith na ang laging busog dito sa mundo ay sila ang makakaramdam matagal na pagkagutom sa huling araw ay mahinang Hadith❗

NOTE: Walang pagbabawal at hindi Makruh na tayo ay magpakabusog sa pagkain as long as walang pagmamalabis rito (halos di kana makahinga sa kabusugan)✌😅

👉Daleel:
Nang imbitahan ni Abu Talha ang Propeta kasama ang mga Sahaba sa isang kainan lahat nila ay lumabas na busog. Inulat ni Imam Albukhari

Dahil dito walang pagbabawal na mabusog hangga't walang pagmamalabis✌👍

Ang tanging hindi kanais-nais ay ang pagmamalabis rito na siyang tinutukoy sa ibang Hadith na ang pagkain ng isa ay mainam para sa dalawa etc..

Hindi po masama at hindi rin parusa ang mataba❗❗❗

PAALAALA: May iilang mga tao na kaunti lang lamang lumamon ngunit ambilis tumaba dahil sa nature na ng kanilang katawan at mayroon iilan na kahit gaano karami ang kakainin ay hindi tumataba❗

Kahit payat kapa kung makalamon ay wagas ay kabilang ito sa pagmamalabis na hindi kanais-nais✌🌹❗

NOTE: 👉👉 Mainam nga lamang ang hindi chubby dahil madali makahanap ng susuutuin at hindi masisira ang fit ng pagkagawa ng damit at iwas sa maintenance✌✌😅

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

فقد أخرج هذا الأثرَ الأنصاريُّ في جزئه (رقم ٤٢) قال: ثنا الأشعث عن الحسن البصري أن عمر رأى رجلاً عظيم البطن فقال: "ما هذا؟" قال: بركة من الله. فقال: "بل عذاب".
وهذا إسناد ضعيف؛ فإن الحسن ولد قبل استشهاد عمر رضي الله عنه بسنتين فقط.

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

SUNNAH MAGDASAL NG SALATUL KHUSOOF BUKAS NG GABI❗❗❗👉 Bukas ng alas dyes ng gabi ay magkakaroon ng LUNAR ECLIPSE "Insha A...
06/09/2025

SUNNAH MAGDASAL NG SALATUL KHUSOOF BUKAS NG GABI❗❗❗

👉 Bukas ng alas dyes ng gabi ay magkakaroon ng LUNAR ECLIPSE "Insha Allah"❗

Kabilang sa SUNNAH "mainam na gawin" sa panahon ng Eclipse ay PAGDASAL NG SALATUL KHUSOOF❗

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: "Kapag ito ay inyong nakita (eclipse) ay pangambahan ito at magmadaling magsagawa ng DHIKR (paggunita kay Allah), panalangin at humingi ng kapatawaran" Inulat ni Imam Albukhari.

-Ang pagsagawa ng SALATUL KHOSOOF ay SUNNAH MAUKKADA (isang mainam na SUNNAH)❗

-Maaari itong isagawa sa Masjid ng (Jamaa) at ipinahintulot din isagawa sa loob ng tahanan indibidwal (lalaki at babae ay maaaring magsagawa nito).

-Ang Salah na ito ay binubuo ng dalawang Rakaat na walang Adhan at Iqamah.

Sa isang Rakaat (isang tayo) ay may dalawang ulit na pagbabasa ng Fatiha at Soora at dalawang ulit ang pagsagawa ng Ruku (pagyuko) at dalawa ring pagsagawa ng Sujiud.

-Pagkatapos ng unang Rakaat ay muling Tumayo at isagawa sa pangalawang tayo na katulad ng ginawa sa unang tayo.

Pagkatapos ng Salah ay isasagawa ng Imam ang isang Khutbah at magsagawa ng Dua.

Kung ang pagdasal ay indibidwal ay hindi na magsagawa ng Khutbah

👉👉SIMPLING PAMAMARAAN NG PAGSAGAWA NITO:

a-magsagawa ng Niyyat (isapuso o isaisip ang gawaing Salah at walang Niyyat na bibigkasin)

b-Bigkasin ang Takbir “Allahu Akbar”

c- Basahin ang Fatihah nang malakas o katamtaman kung ikaw lang mag-isa gayundin sa mga kababaihan

d- Mainam na bumasa ng mahabang Soorah

e- Magsagawa ng pagyuko “Ruku” (mainam na patagalin ito)

f-Muli ay bumangon mula sa pagsagawa ng Ruku

g- Basahin muli ang Fatihah at dugtungan ng panibagong Soorah na mas maiksi kumpara sa unang binasa

h-Magsagawa ng pagyuko “Ruku”

i- Muli ay bumangon mula sa pagsagawa pagyuko “Ruku”

j- Magsagawa ng dalawang Sujiud sa tuwing mag Sujiod ay pahabain ito.

k- Muling tumayo at isagawa ang Pangalawang Rak’ah tulad ng isinagawa sa una, Subalit ito ay mas maiksi ang pagsasagawa kumpara sa unang tayo

l-Pagkatapos magsujiod sa Huling Sujiod ay umupo at mag-tashahhod at magsagawa ng Tasleem “Salam”.

Ang kabuuwan sa isang Rakaat ay:
2x Fatiha, 2x Soorah, 2x Ruku, 2x Sujiod

Ang kabuuwan ng dalawang Rakaat o buong Salah ay:
4x Fatiha, 4x Soorah, 4x Ruku and 4x Sujiod

-Kapag ikaw ay huling dumating sa Masjid at may nakaligtaan kang Rakaat, ay kumpletuhin lamang ito ng panibagong Rakaat pagkatapos magsalam ng Imam.

-Ang pagdasal ng Salatul Khusof ay walang pinipiling panahon, kahit pa sa panahon na ipinagbawal ang pagsasagawa ng Salah ay maaari itong isagawa.

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

حديث: "فإذا رَأَيْتُمْ شيئًا مِن ذلكَ، فافْزَعُوا إلى ذِكْرِهِ ودُعائِهِ واسْتِغْفارِهِ" صحيح البخاري

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

゚viralシfypシ゚viralシalシ

ISANG KABUTIHAN LANG NA KALAMANGAN AY MAAARING IKAPASOK MO SA PARAISO❗❗❗👉Sa araw ng paghuhukom, may mga taong nagpantay ...
05/09/2025

ISANG KABUTIHAN LANG NA KALAMANGAN AY MAAARING IKAPASOK MO SA PARAISO❗❗❗

👉Sa araw ng paghuhukom, may mga taong nagpantay ang kanilang mabuting gawa sa kanilang masamang gawa.
Ang mga taong ito ay nakabinbin sa pagitan ng Paraiso at Impiyerno (hindi nila alam ang kahihinatnan, Sila ba ay mananahanan sa Paraiso o Impiyerno?

👉Sinabi ni ibn Mas'oud: "Lilitisin ang mga tao sa huling araw. Sinuman ang mabuti nitong gawa ay lumamang ng kahit isa kaysa sa masama nitong gawa, siya ay makakapasuk sa Paraiso.
Sino naman ang masama nitong gawa ay lumamang ng kahit isa kaysa mabuti nitong gawa ay makakapasok sa Impiyerno.

Sinuman ang magpantay ang mabuti at ang masamang gawa ay kabilang siya sa A'RAF (nakabinbin)❗

👉 Sinabi ni Alhafiz Alhakami: "Ang mga taong nalagay sa A'RAF (nakabinbin), sila ay nasa pagitan ng Paraiso at Impiyerno na hindi alam gaano sila tatagal (maliban sa kagustuhan ni Allah), muli sila ay pahintulutang pumasok sa Paraiso🤲

IMAGINE❗Isang kalamangan lamang na mabuting gawa ay maging dahilan ng iyong pagpasok sa Paraiso✌

Huwag maliitin ang isang mabuting gawa na kahit sa tingin mo ay simpling bagay lamang at huwag din maliitin ang masamang gawa dahil maaaring dahilan din ng pagpasok sa impiyerno

👉 Sinabi ng Mahal na Propeta: “Ang iyong pagtanggal sa nakakapinsala sa daanan ay isang SADAQA” Inulat ni Imam Albukhari

👉 May isang lalaki ang nagtatamasa ng kaligayahan sa Paraiso (Jannah) dahil lamang sa pagtanggal ng isang sanga na nakakapinsala sa daanan ng mga tao❗❗❗

PINAGKUHANAN SA USAPIN:

-عن ابن مسعود ـ رضي الله عنه ـ قال: يحاسب الناس يوم القيامة، فمن كانت حسناته أكثر من سيئاته بواحدة دخل الجنة، ومن كانت سيئاته أكثر من حسناته بواحدة دخل النار، ومن استوت حسناته وسيئاته كان من أصحاب الأعراف.

وقال الحافظ الحكمي في معارج القبول عن أصحاب الأعراف: يوقفون بين الجنة والنار ما شاء الله أن يوقفوا، ثم يؤذن لهم في دخول الجنة.

Ctto: ✍ Sheik Zulameen Sarento Puti

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Muslim's Journal posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share