16/09/2025
'OO, MAHAL MO PARTNER MO, PERO WITHOUT BOUNDARIES, THEREβS ALWAYS A POSSIBILITY NA MA-ATTRACT KA SA IBA.'
Kapag in a relationship ka na, you really have to set boundaries, kasi kahit anong ingat mo, kung wala kang boundaries, ma-fa-fall ka pa rin sa ibang tao. Oo, mahal mo partner mo, pero without boundaries, thereβs always a possibility na ma-attract ka sa iba. Kaya lagi mong paalalahanin ang sarili mo: stop being too close sa hindi mo partner. Huwag na huwag mag-co-confide sa hindi mo partner, at ang mga problema nyo bilang mag-partner, sa inyo lang dapat yan, gets mo?
Kasi minsan, doon nagsisimula ang temptation. Yung simple kwentuhan, late night chats, hanggang sa nagiging daily routine. Hindi mo namamalayan, emotionally invested ka na pala.
Tandaan, hindi lang physical cheating ang masakit. Minsan mas mabigat pa ang emotional cheating kasi yung trust na nawala, mahirap nang buuin ulit. Dapat conscious ka sa mga actions mo para hindi mo masaktan ang taong mahal ka.
Normal na may taong humahanga sayo kahit taken ka na, pero ikaw pa rin ang may choice. Pipiliin mo bang protektahan ang relationship nyo o i-risk ito para lang sa kilig na sandali? Kung mahal mo talaga partner mo, pipiliin mong iwasan ang sitwasyong pwedeng makasira sa inyo.
Importante rin na open kayo sa isa't isa. Kung may taong nagpaparamdam sayo at hindi ka komportable, sabihin mo agad sa partner mo. Honesty at communication ang susi para walang duda o selos na pwedeng sumira sa relasyon nyo.
At syempre, alagaan mo rin ang sarili mo. Boundaries are also a form of self-respect. Kapag marunong kang maglagay ng linya, hindi lang relationship nyo ang protektado, pati ang peace of mind mo π€π
γ