04/12/2025
Magkakaiba ang karanasan ng bawat isa katulad na lamang sa mga nakapag asawa ng Pakistani at tumira sa bansang Pakistan. Mabuti na lamang hindi ako mapang husga kundi puro negative lahat ang iisipin ko kung ibabased ko lamang sa mga napapanood ko noong mga Pinay na kapwa pakistani wife.
Hindi ko sinasabing mali sila dahil shinashare lamang nila ang kanilang mga karanasan sa buhay, pero hindi tama ang mag discourage at manghusga na lahat ay ganun na ang magiging kapalaran.
Katulad ng experienced ko;
*Sabi nila mahigpit ang mga Pakistani at hindi ka makakalabas ng bahay*
- which is madami ding maluluwag at kung istrikto man ay nasa lugar, sakin walang nagbabawal lumabas pero mas gusto ko mismo na may kasama.
*Gagawin ka nilang katulong at ikaw mag aalaga sa mga byenan mo*
- so far mas ako pa ang pinagluluto ni hindi nga ako inuutusan at super active ang byenan ko, madalas tanghali narin ako gumising.
*Papakialaman nila lahat sayo pati pananamit at pag aayos mo*
- as you can see hindi din naman totoo po, basta maayos, nababagay at komportable, kahit naka make up at gown ka pa sa loob ng bahay ay keribels.
*Mabait lang sa una ang Pakistani na asawa*
- Alhamdullilah hanggang ngayon wala naman nagbago kay Hubby, hindi siya artista at hindi marunong magpanggap.
So far mula ng tumira ako sa Pakistan madami akong nalaman na Pinay na masaya at maalwan ang pamumuhay sa piling ng kanilang Pakistani family pero mga tahimik lamang sa social media.
Kaya magkakaiba po ang karanasan ng bawat isa, iwasan ding mag kompara dahil iba si Pedro kay Juan, iba si Ian Veneracion kay Derek Ramsay ay hala! π€