27/07/2025
Kapag tinuturuan ko si Rehaan, ang sagot nya lagi "di ko alam."
Tuwing umuuwi si Rehaan galing school, binubuklat ko agad ang mga notebooks nya at lagi kong tinatanong kung ano yung pinag aralan nila.
Ako: Rehaan, may exam daw kayo sabi sa reminder notebook. Alam mo ba tong lesson na to?
Rehaan: di ko alam mommy.
Ako: sabay buklat ng notebooks.(nakita ko 5/5, 10/10 tapos may very good pang nakasulat).
Ako ulit: panong di mo alam!? Eh puro tama naman sagot mo dito?! Siguro nangongopya ka lang sa kaklase mo noh!?
Rehaan: paano ako mangongopya mommy eh wala nga akong katabi! Mag isa lang ako don sa upuan.
Ako: (di ako naniwala, dahil tong Rehaan na to, minsan sinasagad talaga yung pasensya ko.)
Kinabukasan, tamang tama sinuspend ung klase nila. So, sumama ako kay Imran sa pagsundo. Sabi ko kakausapin ko yung teacher nila.
Ako: good morning po mam. May concern lang po ako sa anak ko. Nakikita ko po kasi sa notebooks nya, mga quizzes tsaka seatwork madalas po perfect pero pag tinanong ko sasabihin nya "di ko alam". Baka kako nangongopya sya.
Teacher: ha? Sabi nya un? Di nya alam?
Ako: opo mam. Kaya naisip ko baka nangongopya.
Teacher: ay mommy, impossible po yun. Kasi tinanggalan ko sya ng katabi. Medyo may pagkadaldal po kasi si Rehaan pag may katabi.
Ako: ay mam ganun po ba. Thank you po, gusto ko lang po masigurado na tama sinabi ni Rehaan saken.
Realization:
Bilang isang magulang, minsan talaga susubukin ang pasensya at tiwala mo. Ayokong mag doubt sa mga sinasabi ng mga anak ko, pero kailangan ko din malaman kung nagsasabi sila ng totoo. Mahirap magpalaki ng anak ng palabiro.
Ganda ng keychain sa picture di ba? Aba ichekawt na yan! Kesa ipamigay lang ni Rehaan sa MGA ASAWA nya.