14/12/2025
“We only have one shot”
Alam mo yung feeling na parang ang bilis ng araw, yung kakagising mo lang tpos December na ulit and somewhere along the way yung mga mahal natin sa buhay hindi na natin nabibigyan ng oras, kasi totoo eh life moves fast. Sabi nga ni Pastor Peter Tan-Chi “we only have one shot” isang pagkakataon lang at mabilis mawala, naalala mo ba yung maliliit pa yung mga anak mo dati hawak hawak mo pa yung mga kamay niya habang tumatawid kayo pero ngayon mas matangkad na siya sayo ikaw na yung tinutulungan niya, naalala mo ba yung madalas kayong magkwentuhan o magkulitan ng mga kapatid mo, ngayon busy na kayo pare pareho o kaya yung parents mo na dating sinusundo ka sa school ngayon sila na yung nanghihingi ng atensyon mo, ganito kabilis ang buhay, ganito kadali mawala ang mga sandali kapag hindi tayo intensiyonal. Madami satin ang daily routine gigising pasok sa work, uuwe, magphophone, matutulog, repeat. Walang masama dun pero minsan kasi we live accidentally bahala na, kung ano nalang ang mangyayari yun na yun pero sabi ni Pastor Peter “good results seldom happen by chance” “they are a by product of intentionality” “rules without relationship? rebellion” “discipline without relationship? resentment” “teaching values without relationship? rejection” kaya wag tayong magulat kung minsan parang lumalayo yung mga mahal natin marahil kulang lang talaga sa relationship, sa oras, sa intentionality, hindi mo kailangan ng grand gesture, hindi mo kailangan maging perfect parent, perfect partner or perfect friend minsan sapat na yung tanong na “kamusta ka” sapat na yung dalawang minuto na binaba mo yung phone mo, sapat na yung isag simpleng yakap one small moment that will be become meaningful or memorable. So here’s a reminder be intentional sa relasyon, sa pamilya, sa mga taong mahal mo at pati sa pangarap mo life is too short to live randomly too precious para hayaan lang dumaan kaya simulan mo na ngayon send that message, give that hug, make the call show up be present kasi totoo to “we only have one shot” make it count!
゚viralシ