18/09/2026
Napakasakit basahin ng ganitong balita. 😢 Isang 2-year-old na bata ang nawala matapos umanong makaranas ng pananakit. Hindi man natin alam ang buong detalye habang nagpapatuloy ang imbestigasyon, isang bagay ang malinaw: ang mga bata ay walang kalaban-laban at nararapat lamang na sila ay protektahan.
Sa mga magulang na may maliliit na anak, sana kung maaari, unahin muna natin ang mga anak at ang kanilang kapakanan. Hindi masama ang magkaroon ng sariling buhay at relasyon, pero sa panahong napakaliit pa ng mga bata, napakahalaga ng maingat na pagpili kung sino ang pinagkakatiwalaang kasama at nag-aalaga sa kanila.
Iba na ang panahon ngayon. Hindi sapat na basta may kasama o katuwang sa bahay—kilalanin, obserbahan at siguraduhing ligtas ang taong inilalapit natin sa ating mga anak.
Walang kapalit ang seguridad ng isang bata. Kung may makikitang kakaibang pasa, takot, pagbabago ng kilos, o anumang senyales na maaaring may nananakit sa bata, huwag balewalain. Kumilos at humingi agad ng tulong.
Sa batang biktima, sana'y makamit ng pamilya ang hustisya at kapanatagan. 🕊️
Protektahan natin ang mga bata. Sila ang pinaka-walang kalaban-laban sa atin. ❤️