16/06/2026
JUST IN
'SENATE BLUE RIBBON HEARING' NINA MARCOLETA, DEFENSOR, KINANSELA NG EVENTS PLACE OWNER
Inanunsyo ng pamunuan ng Doublegem EDSA na hindi na matutuloy ang umano’y Senate Blue Ribbon hearing sa isang establisimiyento sa Mandaluyong City ngayong Martes, Hunyo 16 na naunang inihayag nina Sen. Rodante Marcoleta at dating congressman Mike Defensor.
Wala pang ibinigay na karagdagang detalye ang management ng Doublegem EDSA Garden Events sa kung ano ang dahilan sa pagkansela ng naturang okasyon.
Dumistansiya rin ang management ng events place sa grupo nina Marcoleta at Defensor habang iginigiit na napili lamang ang kanilang lugar para sa gagawing 'pagdinig.'
Samantala, tikom din ang tanggapan ni Cayetano na kung itutuloy pa ang kanilang isasagawang “pagdinig” sa flood control scam kung saan dadalo diumano ang 18 nagpakilalang mga dating security personnel ni Co at 21 bagong testigo.
CTTO