Absolutely Awsome

  • Home
  • Absolutely Awsome

Absolutely Awsome For business and promotion send us message.

06/09/2025

MALAGIM NA SELFIE

Patay ang isang babae matapos mahulog mula sa isang tore malapit sa St. Petersburg sa Russia.

Kakatapos lang mag bungee jumping ng babae nang bumalik siya sa tuktok ng tore nang walang suot na safety harness.

Kumukuha siya ng litrato nang madulas mula sa platform.

06/09/2025

The Philippine Contractors Accreditation Board (PCAB) has revoked the contractor's licenses of nine construction companies owned and controlled by Sarah Discaya, a key figure in hot water amid the ongoing probe into anomalous flood control projects.

06/09/2025

10% VAT PROPOSED

Ipinanukala ni Batangas 1st District Rep. Leandro Legarda Leviste na maibaba angi tinatakdang value-added tax (VAT) sa 10% mula sa kasalukuyang 12%.

"Reducing the VAT is more efficient than collecting taxes and redistributing the proceeds, as this avoids leakages and saves on administrative costs," paliwanag ng kongresista sa inihain niyang House Bill No. 4302.

Sabi pa ni Leviste, maraming paraan para ma-offset ang mawawalang kita sa pagbaba ng VAT tulad ng pagbabawas sa gastos ng gobyerno o pagpapataw ng bagong tax para sa mayayamang Pilipino.

06/09/2025

SUSPENSYON SA MGA BIDDING

Sinuspende ni Department of Public Works and Highways (DPWH) Sec. Vince Dizon sa loob ng dalawang linggo ang lahat ng bidding para sa locally-funded projects ng ahensya.

Ito raw ay para magbigay-daan sa mga hakbang para harangin ang anumang ghost at substandard flood control projects.

06/09/2025

UTANG NG PILIPINAS, LUMALA PA

Inihayag ni Senate Committee on Finance Chairperson Win Gatchalian na mas lalong lumobo ang utang ng Pilipinas mula taong 2023 dahil sa “externalities” tulad ng giyera sa Ukraine at geopolitical issues.

Aniya, mas mabilis pang lumaki ang utang ng Pilipinas kaysa paglago ng Gross Domestic Product (GDP).

“Based on our analysis, our debt stock grew faster higher than our GDP growth — we are not outgrowing them,” saad ng Senador sa pagdinig sa 2026 national budget ng Development Budget Coordination Committee (DBCC) nitong Martes, September 2.

06/09/2025

Ano ang mensahe mo para kina Ma’am at Sir? 👩‍🏫 🧑

06/09/2025

SEMIS SPOT SECURED

Pasok na ang Filipina tennis star na si Alex Eala sa semifinals ng 2025 Guadalajara Open matapos i-sweep si Nicole Fossa Huergo ng Italy, 7-6 (7-2), 6-2 sa Mexico ngayong Biyernes, September 5.

Bago ito, kinumpleto niya ang come-from-behind win kontra kay Varvara Lepchenko ng United States (US), 6-7 (3-7), 7-6 (7-3), 6-3. Na-delay ang kanilang quarterfinal match dahil sa ulan.

Sunod na makakaharap ni Eala si Kayla Day ng US para sa tsansang makapaglaro sa kanyang ikalawang WTA Finals sa Sabado, September 6.

06/09/2025
06/09/2025

Senator Ronald “Bato” dela Rosa has filed a measure seeking to restore the death penalty in the country for the crime of plunder.

Under Senate Bill No. 1343 filed on September 3, Dela Rosa is proposing to revive Republic Act No. 8177 which designates death by lethal injection as the method of carrying out capital punishment.

Dela Rosa, the lead implementer of the Duterte administration’s bloody war on drugs, cited the recent investigations into the anomalous flood control projects in his explanatory note for the bill, emphasizing that individuals found guilty of plunder should face the capital punishment.

06/09/2025

HOUSE VS. CORRUPTION

Iginiit ni House Speaker Martin Romualdez na dapat imbestigahan ang mga alegasyon ng katiwalian sa pamahalaan kasunod ng mga panawagan ng business community at civil society groups.

Sa isang pahayag, sinabi din niya na hindi hahayaan ng House of Representatives na manaig ang korupsyon.

Nakatutok ang publiko sa mga imbestigasyon hinggil sa maanomalyang flood control projects na pinaghahatian umano ng mga contractor, ilang mambabatas, at mga opisyal ng gobyerno ang pondo.

Simula 2022, si Romualdez, pinsan ni Pres. Bongbong Marcos, ang nagsilbing lider ng mababang kapulungan na isa sa mga nangangasiwa sa budget deliberations.

06/09/2025

DEPUTY OMBUDSMAN SA EDUCATION, SOCIAL SERVICES SECTOR

Naniniwala si Akbayan Rep. Chel Diokno na dapat tutukan ang korupsyon sa Department of Education (DepEd) at social services dahil ito ang mga sektor na direktang nakatutulong sa mga Pilipino.

Sinabi niya ito sa panayam sa “Ted Failon at DJ Chacha” ng True FM kaugnay ng panukalang pondo ng DepEd para sa 2026 na nagkakahalaga ng P900 bilyon – ang pinakamalaking proposed budget sa kasaysayan ng ahensya.

Ipinanukala ni Diokno ang pagbuo ng deputy ombudsman para sa edukasyon at social services na tututok sa katiwalian at mga anomalya.

06/09/2025

MENSAHE SA NATIONAL TEACHERS’ MONTH

Pinuri ni dating Department of Education (DepEd) secretary at Vice Pres. Sara Duterte ang dedikasyon ng mga g**o sa kanilang tungkulin sa kabila ng mga problema sa sistema ng edukasyon sa bansa.

"Salamat sa lahat ng naglilingkod sa sektor ng edukasyon sa Pilipinas at sa buong mundo nang may pag-asa, empatiya, at dedikasyon para sa tagumpay ng kabataang Pilipino," saad niya.

Address


Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Absolutely Awsome posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Absolutely Awsome:

  • Want your business to be the top-listed Media Company?

Share