03/11/2025
Kaway kaway muna sa mga siomai lovers dyan!
Team steamed o team fried ka ba? 😋
Kami, solid "team steamed siomai" talaga!
Gusto lang namin i-share itong homemade siomai na bigay ng churchmate namin na grabe, lasang homemade in the best way possible! Hindi OA, hindi dry, hindi rin bitin.
Alam mo ‘yung tipong hindi mo kailangang i-compare sa restaurant version kasi may sariling charm? Ito yun. Hindi oily, hindi dry, sakto lang ang lasa and parang ginawa ng may halong pagmamahal at tiyaga.
Tapos yung chilli garlic with oil nila? Grabe, Dabest!🔥
Hindi lang pampalasa, kundi parang signature na gusto mong ihalo sa kanin at gawing ulam 😂
Nakakatuwa kasi minsan, sa mga ganitong simpleng pagkain mo marerealize na,
hindi kailangan maging fancy para maging masarap. Minsan, yung simpleng homemade lang talaga ang kailangan para maging special. 💛
Kaya thank you sa masarap na siomai na hindi lang pampabusog, kundi pampasaya rin ng araw namin!
Kung gusto niyo rin matikman yung sinasabi naming "homemade goodness", pwede kayo umorder! 😉