Dr. Willie & Lizza Ong BEST Health TIPS

Dr. Willie & Lizza Ong BEST Health TIPS Internist, Cardiologist, Master in Public Health
17M Followers

17/08/2023

𝐍𝐚𝐩𝐚𝐤𝐚𝐠𝐚𝐧𝐝𝐚!! 𝐎𝐧𝐥𝐲 𝐏𝐇𝐏 𝟏/𝐝𝐚𝐲 𝐠𝐨𝐨𝐝𝐛𝐲𝐞 𝐭𝐨 𝐝𝐞𝐫𝐦𝐚𝐭𝐨𝐥𝐨𝐠𝐢𝐜𝐚𝐥 𝐝𝐢𝐬𝐞𝐚𝐬𝐞𝐬 𝐬𝐮𝐜𝐡 𝐚𝐬 𝐢𝐭𝐜𝐡𝐢𝐧𝐠, 𝐬𝐜𝐚𝐛𝐢𝐞𝐬, 𝐝𝐞𝐫𝐦𝐚𝐭𝐢𝐭𝐢𝐬, 𝐩𝐬𝐨𝐫𝐢𝐚𝐬𝐢𝐬,... 𝐀𝐧𝐠 𝐩𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐫𝐚𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐬𝐢𝐧𝐚𝐥𝐢𝐤𝐬𝐢𝐤 𝐚𝐭 𝐥𝐢𝐬𝐞𝐧𝐬𝐲𝐚𝐝𝐨 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐚𝐰𝐚𝐫𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐥𝐮𝐬𝐮𝐠𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐚𝐬 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐧𝐠 𝐥𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨.
Payo mula kay 𝐃𝐫 𝐖𝐢𝐥𝐥𝐢𝐞 𝐎𝐧𝐠 & 𝐋𝐢𝐳𝐚 𝐎𝐧𝐠
𝐋𝐚𝐡𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐬𝐚𝐤𝐢𝐭 𝐬𝐚 𝐛𝐚𝐥𝐚𝐭 𝐭𝐮𝐥𝐚𝐝 𝐧𝐠 𝐭𝐢𝐧𝐞𝐚 𝐯𝐞𝐫𝐬𝐢𝐜𝐨𝐥𝐨𝐫, 𝐩𝐬𝐨𝐫𝐢𝐚𝐬𝐢𝐬, 𝐩𝐚𝐧𝐚-𝐩𝐚𝐧𝐚𝐡𝐨𝐧𝐠 𝐚𝐥𝐥𝐞𝐫𝐠𝐲, ... 𝐚𝐲 𝐧𝐚𝐥𝐮𝐥𝐮𝐧𝐚𝐬𝐚𝐧 𝐧𝐠 𝐜𝐫𝐞𝐚𝐦 𝐧𝐚 𝐢𝐭𝐨.
=> Anti-bacterial Cream: https://www.healthcare01.click/antibacterialcream
Paano gamitin ay napaka-simple lamang ilapat sa balat dalawang beses sa isang araw. Epektibo pagkatapos ng 3 araw ng paggamit
Ang produkto ay sinaliksik ng Kagawaran ng Kalusugan ng Pilipinas at nakuha mula sa mga natural na sangkap. Sinubok at ligtas sa lahat ng uri ng balat. Naglalaman din ito ng kaunting Ketoconazole na may malakas na aktibidad na antifungal. Pagkatapos ng 3 araw ng paggamit, ang makating fungus sa balat ay gumaling at nabawasan nang buo. Pagkatapos ng 5 araw ng paggamit, ang buong makati na balat ay ganap na gumaling, ang batang balat ay gumaling at ang sakit ay napigilang maulit.
Ang mga epekto ng adbokasiya ng droga ay binubuo ng 3 yugto:
Stage 1: Linisin at protektahan ang nasirang balat.
Stage 2: Pamamaga, pagbabagong-buhay ng skin cell
Stage 3: Palakihin ang resistensya ng katawan, limitahan ang pag-ulit ng sakit.
Dahil sa pagiging epektibo ng produkto naibigay ko ito sa aking mga pasyente at nakatanggap ng maraming positibong feedback.
Maraming mga pekeng produkto sa merkado ngayon. Upang matiyak ang pagbili ng mga de-kalidad na produkto, tiyakin ang kalusugan at kahusayan ng paggamit para sa iyo at sa iyong mga mahal sa buhay. Inirerekumenda namin ang pag-order mula sa opisyal na website: https://www.healthcare01.click/antibacterialcream
Tandaan: Magpadala ng COD at Libreng pagpapadala sa buong bansa

Magpapayat ng Tamang ParaanPayo ni Doc Willie Ong1. Sa mga nanay, sa palengke pa lamang piliin ang mga karne na konti la...
17/08/2023

Magpapayat ng Tamang Paraan
Payo ni Doc Willie Ong
1. Sa mga nanay, sa palengke pa lamang piliin ang mga karne na konti lang ang taba. Ihiwalay ang taba sa laman bago pa ito iluto.
2. Mas healthy ang pag-ihaw at pag-steam ng pagkain kaysa sa laging pag-prito sa mantika. Puwede mag-ihaw ng karne o mag-steam ng mga gulay tulad ng talong, okra at talbos. Kung gusto ng healthy na sawsawan sa gulay, subukan ang s**a, na nakapapayat pa.
3. Sa paggamit naman ng mantika, konti lang ang ilagay. Tandaan natin na may calories ang mantika at puwede itong magpataas ng inyong kolesterol.
4. Sa pagtimpla ng pagkain, hinay-hinay lang sa paglagay ng asin. Ang asin ang kalaban ng mga may altapresyon at may sakit sa puso. Kapag sobra ka sa asin puwede kang mag-high blood at magmamanas pa ang inyong paa.
5. Kapag naghahanda ng pagkain, bumili nitong maliit na plato. Ito iyung 9 inches na plato at huwag bumili ng 12 inches. Kailangan masanay ang ating pag-iisip na konti lang ang iyong isasandok na pagkain.
6. At kung ano ang inilagay mo sa plato, iyon lang ang kainin. Bawal ang dukut-dukot o second serving. Mga nanay, huwag piloting ubusin ang tirang pagkain. Tataba kayo niyan.
7. Bago mag-umpisa kumain, puwede ka munang uminom ng 1 basong tubig para mabusog ka ng kaunti. Puwede ding uminom ng clear soup. Kapag umiinom tayo ng mga likido, medyo nakukumbimsi natin ang ating utak na nabubusog na tayo.
8. Magbawas sa pagkain ng kanin. Kung dati at 2 cups ng kanin ang kinakain, gawin na lang 1 cup rice.
9. Huling payo. Dahan-dahanin lang ang pagpapapayat. Huwag gutumin ang sarili. Kumain ng pakonti-konti sa buong araw, tulad ng mansanas, saging o pandesal, para laging may lamang ang inyong tiyan. Good luck po.

Buto, Osteoporosis at FracturePayo ni Dr. Willie OngAlam ninyo ba na…1. Ang sanggol ay may 300 buto sa katawan. Paglaki ...
17/08/2023

Buto, Osteoporosis at Fracture
Payo ni Dr. Willie Ong
Alam ninyo ba na…
1. Ang sanggol ay may 300 buto sa katawan. Paglaki niya ay magiging 206 na lang ang mga buto. Ito ay dahil karamihan ng ating buto ay magdidikit na.
2. Mayroon tayong 14 na buto sa mukha, 8 buto sa wrist, at 23 buto sa paa.
3. Pagdating ng edad 20, halos kumpleto na ang bone mass o tigas ng ating buto. Dahil dito ay dapat tayong uminon ng gatas at kumain ng pagkaing mayaman sa calcium habang bata pa.
4. Isa sa 3 kababaihan ay may osteoporosis. Ngunit 1 lang sa 5 kalalakihan ang may osteoporosis.
5. Kapag kulang ang calcium sa kinakain natin, kumukuha ang katawan ng calcium mula sa buto. Kaya hihina ang ating buto at magdudulot ng osteoporosis.
6. Ang isang sanggol ay kumukuha ng calcium mula sa gatas ng ina. Kaya dapat kumain ng maraming calcium ang mga nanay.
Pag-alaga ng buto:
1. Bawat taon, may 1.6 milyong hip fractures sa buong mundo.
2. Para alagaan ang ating tuhod, umiwas sa mga tinatawag na high-impact exercises, tulad ng basketball, badminton, jogging at football. Mas hindi stressful sa tuhod ang swimming, walking at Taichi.
3. Kapag napilay, tandaan ang kodigong RICE. R – Rest, I – Ice, C – Compression, E – Elevation. Rest – Huwag igagalaw at lagyan ng splint or sling. Ice Compression - Lagyan ng yelo sa loob ng 20 minuto. Elevate – Itaas ang nasaktang parte ng katawan.
4. Mahirap maibalik sa dating lakas ang isang nasirang tuhod. Ingatan ito.
Believe it or not:
1. Ang pinakamatangkad na tao ay si Robert Pershing Wadlow, isang Americano na may 8 feet at 11 inches ang tangkad.
2. Ang pinakamaliit na tao ay si Gul Mohammed ng India na 22 inches lamang ang tangkad.
3. Ang pinakamahabang buto sa katawan natin ay ang buto sa hita. Ang buto ng hita ay nagbibigay ng 28% ng ating taas.
4. Ang pinakamabigat na tao sa buong mundo ay si Jon Minnoch na umabot sa timbang na 1,399 pounds.
5. Ang pinakamalakas na masel sa katawan ay ang masel ng panga, ang masseter, na ginagamit sa pag-nguya. Kaya mga kaibigan, mag-ingat na huwag ilagay ang daliri sa bibig ni baby. Baka makagat kayo ng masseter, ang pinakamalakas na masel.

Mag-ingat sa Mababang PotassiumPayo ni Doc Willie OngIsa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potassium. Masama...
17/08/2023

Mag-ingat sa Mababang Potassium
Payo ni Doc Willie Ong
Isa sa pinakamahalagang mineral sa katawan ay ang potassium. Masama ito kapag labis at masama din ito kapag kulang. Kailangan natin ang postassium para sa normal na pagtibok ng puso at paggamit ng mga masel sa katawan.
Marami na akong nakitang pasyente na nadisgrasya dahil lamang sa mababang potassium. Ang tawag ng doktor dito ay hypokalemia.
Ano ang dahilan ng mabababang potassium?
Ang pangkaraniwang pinanggagalingan ng mababang potassium ay ang labis na pagpapawis, pagtatae at pagsus**a. Dahil dito, lumalabas ang potassium sa katawan sa pamamagitan ng ating pawis at dumi. Minsan naman ay may diprensiya ang bato (o kidneys) kaya lumalabas din ang potassium sa ihi.
Kung kayo ay mahilig uminom ng mga pampadumi, pampapaihi o pampapayat, puwedeng bumaba ang iyong potassium. Kung mahilig kayo sa colon cleansing, puwede din bumaba ang potassium. Ang sobrang pag-e-ehersisyo at pagpapawis ay puwedeng makababa din ng potassium.
Ano ang sintomas?
Ang sintomas ng mababang potassium ay ang panghihina ng mga paa, pinupulikat at abnormal na tibok ng puso. Nag-uumpisa ang panghihina sa may paa at umaakyat ito ng dahan-dahan hanggang sa ma-paralisa na ang buong katawan. Napakadelikado nitong sakit at puwedeng ikamatay agad.
Paano ginagamot ang mababang potassium?
Kapag malala na ang lagay ng pasyente ay kailangan nang dalhin sa ospital para mabigyan ng potassium sa dugo. Ngunit kung nag-uumpisa pa lamang ang panghihina ay puwede muna kumain ng mga pagkaing mataas sa potassium tulad ng saging, patatas, kamatis, orange at broccoli.
Ang mga pagkaing ito rin ang magandang paraan para makaiwas sa pagbaba ng potassium. Ang Gatorade ay may potassium din. May tableta din na binibigay ang mga doktor, ang potassium tablets (brand name Kalium) na mabilis magpataas ng potassium.
Para makaiwas sa sakit na ito, ugaliing kumain ng 2 saging sa bawat araw. Tandaan: Two bananas a day can keep the doctor away.
Kumonsulta sa doktor kung kayo ay nanghihina. Ipapasuri ng doktor ang iyong Potassium level (isang blood test) para malaman kung mababa nga ang iyong potassium. Kung kayo ay may sakit sa bato o may kidney failure, magtanong muna sa doktor bago kumain ng pagkaing mataas sa potassium. Good luck po.

17/08/2023
Menstrual Cramps: Masakit Pag-ReglaPayo ni Doc Willie OngKung ikaw ay babae malamang na ikaw ay makararanas ng menstrual...
17/08/2023

Menstrual Cramps: Masakit Pag-Regla
Payo ni Doc Willie Ong
Kung ikaw ay babae malamang na ikaw ay makararanas ng menstrual cramps o pananakit ng puson. Sa medikal na tawag ay dysmenorrhea.
Ang nakababagot, nakagagambala at sobrang pananakit ng puson ay nabubuo sa ibabang bahagi ng tiyan at gayun din sa likod at hita. Ang iba naman ay nakararanas pa ng pagduduwal, pagsus**a, pagtatae, pagpapawis at pagkahilo.
Marami sa kababaihan ay nakararanas ng menstrual cramps bago dumating o habang mayroong regla.
Ayon sa mga eksperto, ang pananakit ay dahil sa paghilab ng matris (uterus) na nagpapahiwatig na ang daluyan ng dugo ay naiipit. May kondisyon din tulad ng endometriosis at uterine fibroids na nagdudulot ng sakit sa puson.
Ang menstrual cramps ay nababawasan habang nagkaka-edad at nawawala pagkatapos manganak.
Tips para makaramdam ng ginhawa at maiwasan ang menstrual cramps:
1. Lagyan ng hot compress - Subukan magbabad sa bath tub ng may maligamgam na tubig o mag-apply ng hot compress (mainit na twalya) sa iyong ibabang bahagi ng tiyan.
2. Mag-ehersisyo - Nakatutulong ito na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.
3. Pain relievers na panandalian lang – Pwede ang paracetamol, ibuprofen o naproxen kapag nagsimula na makaramdam ng cramps. Kung hindi naman ganoon kasakit, ay huwag na lang uminom ng pain relievers.
4. Dietary supplement - Ayon sa ilang pag-aaral na ang Vitamin E, thiamin, at omega-3 supplement ay maaaring makatulong na mabawasan ang sintomas ng menstrual cramps.
Kumonsulta sa iyong doktor kung ang menstrual cramps ay sobrang sakit, may kasamang lagnat, hindi nawawala, at nakagagambala sa iyo. Kumonsulta rin kung kayo ay naduduwal, nagsus**a, o mayroong kakaibang discharge o amoy sa pwerta.

Address

Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Dr. Willie & Lizza Ong BEST Health TIPS posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share