
22/06/2025
Nakakalungkot isipin na dahil sa kagustuhang magkaroon ng content, ginagawa na lang ng iba ang kahit ano para mapansin — kahit pa mabash sila. Pero sa kabila ng pagkakamaling nagawa, sana mabigyan pa rin ng pagkakataon ang taong ito.
Dapat ding isaalang-alang ng mga negosyante ang mga uso ngayon, lalo na’t karamihan ay gumagawa ng content. Mainam na maglagay ng malinaw na paalala o patakaran sa operations kung ano ang mga hindi dapat gawin — lalo na kung ito ay posibleng makasira o magdulot ng panganib.
Sa pagkakataong ito, mas mainam na intindihin na lang ang pagkukulang. I-charge na lang ang lahat ng contaminated ice bags, ayon sa HACCP standards. Lahat tayo ay nagkakamali, at hindi lahat ay may sapat na kaalaman sa mga ganitong bagay.
Sana makarating ang minsahe ko sa alfamart business. Kung magawa nyo mag patawad mas marami lalo ang maniniwala sa magandang pamamalakad ng negosyo.
Please like and share kung sa ayon ka sakin. Maraming Salamat po