Nation Tracker

Nation Tracker | Pulso ng taong bayan ||

22/09/2026

Ito ang naging live ni Sir Ronnie kanina matapos may pumuntang vlogger sa Kape’t Balay.

Paalala lamang sa lahat: maging maingat sa mga taong maaaring maglabas ng isang panig lamang ng kuwento at magdulot ng maling impresyon sa isang tao o negosyo.

Sir Ronnie, ingat po kayo sa mga susunod na hakbang. Naniniwala kami na hindi kayo basta-basta kikilos kung wala kayong nakikitang dahilan o bagay na kailangang itama.

Patuloy lang po sa paninindigan at paglaban para sa kung ano ang tama. 🙏

22/09/2026

PATAY NA A*O SA NEGROS ORIENTAL, SINUBUKANG BUHAYIN MULI NG KAPWA NIYANG A*O!

PANOORIN: Isang a*o sa Negros Oriental ang sinubukang buhayin ng kapwa niya a*o matapos itong matagpuang wala nang buhay.

Sa video, makikitang paulit-ulit nitong sinusubukang gisingin at tulungan ang kasama nito—isang eksenang muling nagpakita kung gaano katindi ang samahan at katapatan ng mga a*o sa isa’t isa. 🐾💔

Minsan, hindi kailangang magsalita para maipakita ang pagmamahal.

l

21/09/2026

Sa mga Aspiring SK Candidate kapag alam nyong hindi nyo kaya ang magiging trabaho nito wag na kayong tumakbo. Pangubgurakot lang natututoban nyo!

20/09/2026

Tuloy na tuloy ang BSK 2026 ELECTION ngayong darating na November 2, 2026.

19/09/2026

“MAGULANG, HUWAG NINYONG HAYAANG HULI NA ANG LAHAT BAGO NINYO SURIIN ANG GINAGAWA NG MGA ANAK NINYO ONLINE.”

PANOORIN: Matapos ang sunod-sunod na insidente ng pamamaril sa mga paaralan, nanawagan si DILG Secretary Jonvic Remulla sa mga magulang na maging mas mapagmatyag sa online activities ng kanilang mga anak.

Ayon kay Remulla, mahalagang tingnan ng mga magulang kung ano ang kanilang mga anak na pinapanood, nilalaro, sine-search, at mga website na binibisita, lalo na kung may nakikitang mga senyales ng pagkahumaling sa marahas na content.

Aniya, “It is not a privacy issue. Anak n’yo po ’yan.”

Dagdag pa niya, may mga kabataang maaaring nalulubog sa “malalalim at madidilim na websites,” kaya mahalaga ang aktibong paggabay at pakikipag-usap ng mga magulang sa kanilang mga anak.

18/09/2026

BARKO NG CHINA AT NG PILIPINAS SA WPS NAG BANGAAN

WATCH: Naglabas ng pahayag ang Chinese Embassy sa Manila kaugnay ng insidente sa pagitan ng isang China Coast Guard (CCG) vessel at BRP Datu Magat Salamat ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) nitong Biyernes, Setyembre 18.

Ayon sa Chinese Embassy, ang barko ng BFAR umano ang nagsagawa ng “hindi propesyonal na pagmamaniobra” at sadyang tumawid sa harapan ng Chinese vessel na naging sanhi ng pagkakabangga.

Samantala, ayon sa Philippine Coast Guard (PCG), ang CCG vessel ang unang nagmaniobra malapit sa BFAR vessel at kalaunan ay tumama rito. Nangyari ang insidente humigit-kumulang 54 nautical miles mula sa baybayin ng Palawan, sa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng Pilipinas.

Ang BRP Datu Magat Salamat ay nagsasagawa noon ng fuel subsidy mission para sa mga mangingisdang Pilipino.

Courtesy: Chinese Embassy Manila

18/09/2026

BABALA: SENSITIBONG BALITA

Nagtakbuhan at napaiyak ang mga estudyante ng Banga National High School sa Banga, South Cotabato, matapos ang naganap na pamamaril sa loob ng paaralan nitong Biyernes, Setyembre 18, 2026.

Nakakabahala ang ganitong insidente dahil paaralan ang dapat na pinakaligtas na lugar para sa mga kabataan, hindi lugar ng takot at karahasan.

Sa dami ng mga insidenteng ganito na naiuulat sa bansa, muling napapanahon ang panawagan para sa mas mahigpit na seguridad at konkretong hakbang mula sa pamahalaan upang maprotektahan ang mga estudyante at g**o.

Hanggang kailan kailangang matakot ang mga kabataan habang pumapa*ok sa paaralan at sino ang dapat sisihin o meron nga ba?

16/09/2026

GULO SA LABAS NG POLLING CENTER

PANOORIN: Dalawang SUV ang sinira ng isang grupo ng mga lalaki sa labas ng Sero Central Elementary School sa Cotabato City noong Setyembre 14, kasabay ng isinagawang unang parliamentary elections ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).

Sa mga ulat, gumamit umano ng mga pamalo at bakal ang ilang lalaki sa pananakit at pagsira sa mga sasakyan. May ulat ding sinubukang manggulo ng grupo sa lugar habang nagpapatuloy ang botohan.

Ayon sa mga ulat, kabilang ito sa ilang insidenteng naitala sa Cotabato City na may kaugnayan sa halalan. Patuloy namang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang insidente at ang pagkakakilanlan ng mga sangkot.

Sa kabila ng mga insidente, sinabi ng Commission on Elections (Comelec) na naging pangkalahatang mapayapa ang halalan sa malaking bahagi ng BARMM.

Courtesy: Mindanao Expose News

16/09/2026

MAHIGIT ISANG TAON MATAPOS ANG PAG-ARESTO

Matapos ang mahigit isang taon mula nang maaresto sa kustodiya ng International Criminal Court (ICC), unang beses na muling humarap sa publiko si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa ikatlong status conference ng kanyang ka*o sa ICC.

Isinagawa ang pagdinig noong Setyembre 16, 2026, kaugnay ng ka*ong crimes against humanity na kinakaharap niya sa korte.


Address

Manila

Opening Hours

Monday 9am - 9pm
Tuesday 9am - 9pm
Wednesday 9am - 9pm
Thursday 9am - 9pm
Friday 9am - 9pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Nation Tracker posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share