14/01/2025
‼️Bakit ako bumilib sa Lokarb?‼️
Isa lang ang na-realize ko nun sinubukan ko ang lokarb...bakit ang bilis ng epekto nya?
Yung napakatagal ko ng nagdudusa sa Gout, GERD, Hypertention, Pre-diabetic, at allergic Rhinitis na halos araw araw unli bahing ako ng bahing, tulo sipon...laging sira ang tyan, laging nadudumi kung saan saan na hindi ko mapigilan...
Gusto nyo malaman gano kahirap ang allergic Rhinitis ko? Araw araw nagmomotor kami ni Kumander dati papasok sa trabaho...naka full face helmet ka tapos babahing ka ng babahing walang tigil habang umaandar kami hanggang sa kelangan ko huminto dahil wala na ko makita at puro sipon na ang loob ng helmet ko...nakakadiri pero ganyan ang pagdurusa ko dati...pwera pa ang kwento ng Gout at GERD kung paano ako pinahirapan.
Ginagawa ko naman ang pinapayo sakin, umiwas sa mabubuto, umiwas sa laman loob, mga pagkain mataas sa purines. Kinakain ko naman un sinasabing tama, kanin, isda, prutas, gulay konting karne...iwas sa taba at maaalat. Pero ndi ko pa din maayos ayos ang health ko.
Nung may health card pa ko, iba-iba ang Doctor ko, may cardio, gastro, endo. Iba iba ding gamot ang nirereseta sakin at iniinom ko naman...pero ang isang napakalaking tanong...BAKIT HINDI PA DIN AKO GUMAGALING?
Napunta ko sa lokarb dahil sa isang gusto kong mangyari...ano kayang paraan na hindi ako dependent sa gamot pero gagaling ako...Dito ako napabilib sa lokarb...dahil nasagot ang mga tanong ko...
Bakit ito lang ang ginawa ko in an instant isang linggo wala na kong GERD?
Bakit kung kelan ako kumain ng karne, red meat, laman loob dun naman ako ndi inaatake ng Gout?
Bakit biglang ndi na ko bumabahing pagkagising ko sa umaga?
Bakit nag normal ang sugar at BP ko?
Bakit isa lang ang ginawa ko na-address silang lahat...
Yan ang na-realize ko...kung itatama lang pala natin ang ating mga kinakain, pwedeng mag kusang mag heal ang katawan natin...
Yan ang reason bakit ako bumilib sa Lokarb.
- Kuya Gibo
Disclaimer: There's no one size fits all...hindi po komo nag work agad sakin ay magwowork din agad sa inyo. Magkakaiba po tayo ng katawan, pwedeng effective sakin, pwedeng hindi agad sa inyo. Depende yan sa estado ng katawan ng bawat isa sa atin. Gaano na kalala ang sakit bago mag lokarb, gaano karami ang gamot na iniinom.
Kaya better kung gusto nyong subukan ang lokarb at may underlying conditions kayo at umiinom ng gamot, magpakunsulta po muna sa Doctor na nakakaintindi sa lokarb lifestyle.