01/06/2025
Kahit anong post pa ‘yan tungkol sa work-from-home hiring, kung puro lang tayo ‘how?’, ‘pa-refer’, wala pong mangyayari.
Hindi porke work from home e effortless application lang.
Kailangan ng sikap. Kailangan desidido ka talaga.
Hindi sapat ang puro tanong lang.
Kumilos ka, ayusin ang resume, ihanda ang sarili sa posibleng mga tanong sa interview. Mag research.
Higit sa lahat, once igoal mo ay work from home, dapat po magprepare kana talaga ng sarili mong equipment. (Pc, laptop, headset etc) kasi po kahit pa ang maaplayan niyo ay provided ang equipment, sa mga unang part like interview, assesment or even training, required na sariling gamit mo muna.
Nung nag start po ako mag hanap ng work from home job, Napakarami ko pong pinagpasahan ng resume. Review, memorize ng mga posibleng itanong sa interview. Interview dito, interview dyan. Attend ng training dito, attend ng training dyan kasi medyo madami din nag reach out sakin pero namimili din po ako syempre ng kung saan maayos. Hanggang mahanap ko yung company na sobrang nagustuhan ko mga benefits.
Pero, hindi pa po ako VA nun.
2022 palang nag sself study na po ako ng mga tools at skills na madalaa nirerequire sa VA.
Nasa Alorica ako nun pero pagkakaout ko may notebook ako hawak sinusulat ko mga inaaral ko. Nag aaral pa po ako niyan sa college.
Nung naging wfh na ako, Habang nagwowork ako fulltime, pag wala akong ginagawa ung isa kong pc nanonood ako sa yt or tiktok ng mga tutorials ng mga skills at tools parin para maging VA.
Hindi po ako basta basta naging VA.
Hindi ako basta basta nanonood lang. Talagang inaapply ko mga pinapanood ko. Pinapractice ko.
Wala pong nagrefer sakin para maging VA.
Wala nagturo sa akin saan mag aapply.
Ako po mag isa ang nagsearch, naghanap at naglakas loob mag apply.
2023 na po nagsimulang magka client small time. Angliit pa ng offer, order processing and admin binitiwan ko din agad kasi sa sobrang liit ng offer e feeling ko kulang pa sa puyat.
Ito pa kailangan niyo malaman.
Sa pagiging VA po, hindi parang regular company na halos permanent na talaga. Ang mga client po may nawawala, may dumadatig, may nagsstay, may bumabalik naka agency kaman or naka direct.
Kailangan handa utak natin doon at lagi tayong may savings na nito ko nalang din natutunan kasi nung takbuhan ako ng client, bagsak talaga ako.
Kaya po kung gusto niyo maging VA, or wfh Umpisahan niyo na din po magprepare.