28/10/2024
BAGONG RAOT NIN PANAHON?
Matapos maapektuhan ng Bagyong , may isa na namang bagyo na nabuo sa dagat Pasipiko malapit sa bahagi ng Guam. Ayon sa Japan Meteorological Agency (JMA), isa na itong Tropical Storm.
Posibleng sa Linggo papasok ito sa Philippine Area of Responsibility. Ang sunod na pangalan na gagamitin ay .
Sa ngayon, HINDI ito nakikitang direktang dadaan o lalapit sa Bicol region base sa latest track ng JMA at sa pinapakita ng forecast models.
INTERAKSYON SA BAGYONG KRISTINE?
Posibleng magkaroon ng interaksyon ang dalawang bagyo. Posibleng bumalik ang Bagyong Kristine sa paghatak ng bagyong papasok sa PAR.
ANO ANG AASAHAN NATIN SA BICOL?
Sa posibleng pagbalik ng Bagyong Kristine, HINDI naman ito inaasahang makakaapekto pa sa atin.
Sa pagpasok naman ng bagong bagyo, posibleng makaranas ng pangkalahatang maulap na lagay ng panahon mula Lunes hanggang Martes na may kasamang minsanang pagbugso ng hangin habang nasa malayong dagat na bahagi sa Silangan ng Northern Luzon ang bagyo.
NOTE: Forecasts are always subject to change.
References: JMA and PAGASA
Forecast Models: ECMWF and GFS