20/07/2025
In these trying times marked by confusion and tension surrounding the controversy of the so-called "fake Chief Minister" in the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM), we appeal for calm, unity, and responsibility in our speech and actions. Reckless accusations and the questioning of legitimate leadershipโabsent due processโonly fuel fitnah (division and discord) among our leaders and our people.
Let us uphold the current government structure and give our leaders the space and opportunity to serve honorably. Leadership is not a privilege, but an amanah โ a sacred trust. Accountability has its rightful place and time, and that is through democratic and lawful means.
To those who were not reappointed, we urge sabr โ patience. Trust that Allah (SWT) may be redirecting you toward something better than what you envisioned. His plans are always in our favor, even if we may not immediately understand them. What may seem like a setback today could be a stepping stone for a greater purpose in both your personal and public life.
To the newly appointed and reappointed officials, may your service be marked by sincerity, integrity, and humility. The trust given to you is not to be taken lightly. Lead with a heart that fears God, prioritizes the people, and contributes to building a just and prosperous nation.
As ordinary Bangsamoro citizens, our hope is simple โ that you will strengthen and expand public services that promote lasting peace, sustainable development, and inclusive progress. We dream of a government that truly listens and responds to the needs of all, especially the marginalized and underserved.
Where there are lapses or shortcomings, let us express them peacefully and respectfully โ and let us have faith in the right and legal time to bring change through democratic choice.
Let unity, mutual respect, and honest service guide our journey toward genuine peace and prosperity in Bangsamoro.
-----------------------------------------------------------------------------
Tagalog Version:
Sa gitna ng kaguluhan at kalituhan ukol sa isyu ng umanoโy โpekeng Chief Ministerโ sa BARMM, kami ay nananawagan ng katahimikan, pagkakaisa, at pag-iingat sa ating mga salita at kilos. Ang pagkalat ng walang basehang paratang at pagdududa sa lehitimong pamumuno nang walang tamang proseso ay nagdudulot lamang ng fitnah โ pagkakawatak-watak at alitan โ sa hanay ng ating mga pinuno at mamamayan.
Suportahan muna natin ang umiiral na estruktura ng pamahalaan. Bigyan natin ang ating mga pinuno ng pagkakataong makapagsilbi nang tapat. Ang pamumuno ay hindi isang karangyaan kundi isang amanah โ isang sagradong pananagutan. Darating din ang tamang panahon ng pagtutuos sa ilalim ng wastong proseso ng demokrasya.
Sa mga hindi pinalad na ma-reappoint, tayo ay magsabar. Manalig tayo na may nakahandang mas mabuting plano ang Allah (SWT) para sa inyo โ plano na maaaring higit pa sa inaasahan at maghahatid ng kabutihan sa inyong personal na buhay at paglilingkod sa bayan.
Sa mga bagong hirang at muling naitalaga, nawa'y ang inyong paglilingkod ay mag-ugat sa katapatan, kababaang-loob, at tunay na malasakit. Huwag ninyong sayangin ang tiwalang ipinagkaloob sa inyo ng sambayanan. Nawaโy maging makadiyos, makatao, at makabansa ang inyong pamumuno.
Kami, mga karaniwang mamamayan, ay may payak ngunit taos-pusong hangarin โ na lalo pa ninyong paiigtingin ang paghahatid ng mga serbisyong magbubunga ng tunay na kapayapaan, pangmatagalang kaunlaran, at inklusibong pag-unlad sa Bangsamoro. Hiling namin ang isang gobyernong may malasakit at katarungan para sa lahat, lalo na sa mga nasa laylayan.
Kung may mga pagkukulang man, ilahad natin ito sa mapayapa at maayos na paraan, at maghintay ng tamang panahon upang pumili ng bagong lider sa paraang naaayon sa batas.
Sa pagkakaisa, respeto, at tapat na paglilingkod, makakamtan natin ang tunay at pangmatagalang kapayapaan at kaunlaran sa Bangsamoro.