11/08/2026
Dati, isa sa mga reason kung bakit ayaw kong mag-perform sa shows na maraming ibang rappers…
kasi alam kong mixed crowd yun.
Panigurado maraming pupunta na non-2 Joints.
Mas gusto namin gumawa ng sarili naming shows.
Kasi pag sariling show namin…
halos lahat ng nandun solid 2 Joints.
Controlled namin yung crowd.
At napansin ko, pag solid 2 Joints yung audience, alam nila yung culture.
May etiquette. May class.
Kahit yung iba galing mismo sa hood, marunong rumespeto.
Halos hindi nga namin kailangan ng maraming bouncers dahil alam naming hindi magulo yung crowd.
At kapag may sinabi kaming bawal gawin during the event…
madali silang kausapin.
Naalala ko tuloy isang beses na invited ako sa isang show na maraming ibang rappers din ang performers.
Nung turn ko na at naglalakad ako papunta sa stage…
may mga taong sinusubukang hablutin yung sumbrero ko.
Dun ko lalo nakita yung difference.
Different crowd. Different culture.
Same thing yung napapansin ko ngayon sa 3rd wife ko.
Matagal na kaming laging nasa public.
Maraming nakakakita.
Maraming kumukuha ng pictures at videos.
Pero yung mga solid 2 Joints na nakakakita sa amin…
alam na nila yung culture namin.
Hindi nila basta nilalabas yung mukha ng 3rd wife ko.
Pero nitong mga nakaraang buwan, mas umiingay yung pangalan ko.
Tapos nag-nationwide trending pa yung Tatlong Wife na kanta ko.
Naturally, mas maraming outsiders ang nakakakita sa amin ngayon.
Mga taong nasa labas ng 2 Joints culture.
At dun na nagsimulang lumabas online yung random pictures at videos ng 3rd wife ko kapag nakikita kami sa public.
Napansin ko, lahat ng nag-upload ay non-2 Joints
Wala naman akong pakialam dun. Hindi ako nagrereklamo.
Hindi rin ako affected.
Expected ko naman na eventually mangyayari yun.
Actually, good sign pa nga para sa akin.
Ibig sabihin lumalawak na yung reach.
Hindi na lang kami umiikot sa sarili naming audience.
Pino-point out ko lang yung interesting difference:
kapag core audience mo, hindi lang content mo ang naiintindihan nila. Naiintindihan nila pati culture mo.
Pero habang lumalaki ka…
mas maraming taong makakakita sayo na walang idea sa unwritten rules ng mundo mo.
Normal lang yun pag na-reach mo yung mga tao sa labas ng bubble mo.
Mga non-2 Joints