26/09/2026
Here comes my miracle babies✨🥹—
My full term mono-di twins 🪺
Baby Aki and baby Ali
Mono diamniotic twins means an identical twin that sharing in one placenta but live in separate amniotic sac— sa madaling salita dalawang tao sila na binubuhay ng iisang placenta lang 🥹🫶🏻
From first trimester all the risk was discussed. Ako at ang asawa ko ay na speechless nalang sa lahat ng risk factor and the OB says “70-30 ang chance of living ng twins— it’s either yung 70% ang maiiwan or yung 30% it depends” kailangan natin alagaan ng ganito ng ganyan kailangan ng matinding panalangin at pahinga. Grabe ang pagsusuka— di makakain ng maayos ibang iba sa unang pag bubuntis ko 🥹
Second trimester— is way more easier, parang normal na pag bbuntis lang sabi ko pa nga parang hindi naman sobrang laki ng tyan ko, parang hindi twins ang laman ng tyan ko kaya si gala dito gala doon— simba dito simba doon plus Check up dito check up doon— ultrasound dito ultrasound doon, thanks to Sonojam Ultrasound Clinic the best mag reply sa inquiries and questions ko. During 2nd trimester nag karoon pa sila ng 20% growth discordance— meaning maliit ang isa at normal weight to higher weight naman ang isang twin.
Ang question “PANO NATIN MAHAHABOL YUNG GROWTH DISCORDANCE EH SA IISANG PLACENTA LANG SILA KUMUKUHA NG SUPPLY?”
Sabi ng OB ko “prayers lang!” 🥹
And ang mono di twins is very prone sa preterm labor, pero ded is ma. Parang mas magkakasakit ako pag nasa bahay lang e. Kaya i go natin ang gala, simba plus hatid sundo pa kay ate girl minsan🥹
Third trimester is a real game changer🥹—
Dito ko na naramdaman ang sakit— sakit sa likod, sakit sa legs sa binti sa balakang na halos hindi na ko makabangon.
Nag gagawa ako ng mini vlogs— just to show you how’s a day in a life ng pregnant with twins pero never nyo ko nakita na naglakad sa mini vlog, aminin nyo yan! Kasi ang lakad ko ay kakaiba na, ayoko pavideohan kasi ang chaka lagi lang akong nakain, nakaupo, nag kakape or nag aasikaso kay ate girl— behind that ang lakad ay para ng penguin at sobrang bigat ng tyan na halos hindi na makahakbang dahil ang isang twin ay cephalic and the other twin is breech position— talaga namang mapapa “arayko” ka kada kilos at galaw.
@30 weeks— biglang lumaki ang tyan ko na parang sasabog na sya atecco! Sobrang laki sobrang bigat halos di nako maka baba ng hagdanan, inaabot nako ng 3-4 weeks na nasa 2nd flr lang walang babaan 🥹🤣 ganon kahirap.
During this time close monitoring na rin kasi anytime pwede na maopen ang cervix sa sobrang bigat nila.
Until we reach 37 weeks— last ultrasound ko sept 5,
2.1 kg and 2.4 kg sila, araw araw na dala ko halos 5kg tapos grabe na rin ang pag mamanas ng paa ko dahil hindi ako pwedeng mag walking ng malayo baka bumukas ang cervix— hindi pwede. Dahil rin scheduled CS ako, kailangan ko mapaabot sa araw, Kaya ako nag manas ng sobra. Tapos ang ginawa ko kumain ako ng kumain ng samgyup whahaha parang isang linggo straight panay kami samgyup🤣
Scheduled date 09-16-2026
10:50 AM babies out na (Twin A and Twin B )
And to everyone’s surprise halos hindi sila nag kakalayo, they weighted like a single pregnancy baby— parang hindi sila nag karoon ng growth discordancy at looks normal and healthy.
2.5 kg and 2.6kg, Thank you Lord hindi nag kalayo ang weight and umabot ng full term ✨🪺
Ang mga babies na busog sa prayers— shows miracle✨
09-18-2026
4:56 PM going home na from Rizal Medical Center.
More than 48 hrs lang nag stay sa hospital— talagang nag pabukas lang ng tahi tapos pahinga konti sabay uwi 🤣.
Walang swerte— lahat yan works by Almighty hands, All by prayers and faith🫶🏻
゚viralシfypシ゚