21/08/2025                                                                            
                                    
                                                                            
                                            ๐ง๐ผ๐๐ผ๐ผ ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ป: ๐๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ ๐๐ผ๐ผ๐ฏ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐ป๐ถ ๐๐๐๐ฎ
Para sa akin, ang nangyari sa PBB Gen 11 ay isang malaking patunay kung gaano kalakas ang impluwensya ng social media ngayon. Ang dami ng sumuporta at nakiisa, pero kasabay din nun ay ang sobrang dami ng bashing at toxic na komento. Doon ko naisip na gaano man kaganda ang isang palabas, kung wala tayong respeto sa isaโt isa, nawawala ang tunay na diwa ng pagkakaisa. Hindi lahat ng nakikita natin online ay buong kwento, kaya mas mainam na maging maingat bago maghusga.
Ngayon naman sa PBB Celebrity Collab, nakaka-inspire makita na kahit dati ay magkalaban ang dalawang malaking network, nagawa nilang magsama para maghatid ng isang bagong season. Nakakatuwa dahil ipinapakita nito na mas malakas kapag nagtutulungan kaysa sa nagbabangayan. Ang collaboration na ito ay parang paalala sa atin na kung may pagkakaiba man tayo, posible pa rin ang pagkakaisa kung iisa ang layunin.
Kaya para sa akin, ang tunay na laban sa loob ng bahay ni Kuya ay hindi lang tungkol sa kung sino ang mananalo. Ang mas mahalaga ay kung paano tayo natututo ng respeto, pagtanggap, at pagkakaunawaan. Sana mas piliin nating maging mabuti at maingat sa salita, kasi sa huli, ang kindness pa rin ang pinaka-importante.