10/07/2025
‼️AWARENESS PARA SA LAHAT: Maging Maingat sa pagpapagupit ng buhok!
Isang paalala para sa lahat, lalo na sa mga mahilig magpagupit sa barbershop.
Gusto ko pong ibahagi ang kasalukuyang pinagdaraanan ng aking kapatid. Sa ngayon, siya ay naka-confine sa ospital dahil sa scalp cellulitis — isang malubhang impeksyon sa anit. Ang lahat ng ito ay nagsimula lamang sa isang simpleng gupit sa barberya.
Ayon sa mga doktor, ang pinagmulan ng impeksyon ay ang hindi maayos na pagsanitize ng mga gamit sa barbershop. Nagsimula ito sa maliit na batik o pantal sa anit na dulot ng fungal infection na kilala bilang tinea o “an-an”, at kalaunan ay nagkaroon ng maliliit na tagihawat na tinatawag na bacterial folliculitis. Sa hindi inaasahang bilis, lumala ito at nauwi sa scalp cellulitis, na isa nang seryosong kondisyon.
Hindi po naging madali ang lahat. Ilang beses kaming nagpalipat-lipat ng ospital at dermatologist, pero mali-mali ang diagnosis noong una. Mabuti na lamang at naagapan ito bago pa tuluyang lumala. Kung hindi kami nakarating agad sa tamang espesyalista, maaaring humantong pa ito sa mas malalang kalagayan.
Ang layunin ko sa pagbabahaging ito ay hindi para manir4 ng establisyemento, kundi para magbigay ng babala at kamalayan sa lahat. Siguraduhin po nating malinis, maayos, at sanitado ang lugar kung saan tayo nagpapagupit. Hindi lang ito tungkol sa estilo—ito ay tungkol sa kalusugan.
Ang ganitong uri ng impeksyon ay matagal at magastos gamutin, at hindi biro ang sakit at hirap na dinaranas ng pasyente. Sa awa ng Diyos, unti-unti nang bumubuti ang lagay ng aking kapatid, pero mahaba-haba pa ang kanyang recovery.
Sana ay magsilbing aral ito sa lahat. Maging mapanuri, at huwag balewalain ang kalinisan sa mga serbisyo ng personal care.
📷:CTTO - FOR AWARENESS ‼️