Generation C

Generation C Empowering youth and inspiring all generations to uphold moral values, critical thinking, and a deeper connection with God.

Join our community as we strive to make a positive impact and bring hope, love, and light to the world.

03/09/2025

No liar shall enter the kingdom of heaven

TINGNAN: Narito si Sarah Discaya sa pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga diumano'y may anomaly...
01/09/2025

TINGNAN: Narito si Sarah Discaya sa pagdinig ngayon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa mga diumano'y may anomalyang mga proyekto sa flood control, kasama ang ibang mga kontratista na pinatawag sa subpoena.

Samantala, ang mga kontratista na sumuway sa subpoena ay binigyan ng contempt citation, at nakabinbin ang warrant para sa kanilang pag-aresto.

30/08/2025

Agree tayo kay Mayor Magalong 🔥 Ang takeaway ko sa interview niya with Ms Luchi, hindi dapat manatiling tahimik ang mga Filipino lalo na pagdating sa pagpuna sa katiwalian ng Bansa. Dapat magig confident tayo panindigan ang katotohanan kahit sa sinumang tao.

Dapat kadirihan ang korupsyonPara kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang katiwalian sa gobyerno ay hindi dapat tinotolerat...
28/08/2025

Dapat kadirihan ang korupsyon

Para kay Pasig City Mayor Vico Sotto, ang katiwalian sa gobyerno ay hindi dapat tinotolerate o tinatanggap, kundi dapat pandirihan—lalo na matapos ang maraming taon na tila naging normal na lang ito para sa mga Pilipino.

“Aminin natin, sa isang banda, lahat tayo may kasalanan dito. Hindi ibig sabihin tumanggap tayo ng pera, pero sa isang punto, hinayaan natin. Pumayag tayo,” paliwanag niya.
Nagbigay rin siya ng reaksyon hinggil sa mga kamag-anak ng mga government contractors at politiko na tila ipinagmamalaki pa ang kanilang yaman sa social media.

“Eh sila naman ang nagpo-post nu’n online, ‘di ba? Kung gusto nila ng atensyon, bigyan natin sila!” biro ng alkalde.

Ayon kay Sotto, isa sa mabuting epekto ng kontrobersya sa flood control projects ay ang pagkamulat ng mas maraming Pilipino.

“Ngayon, mas nagiging mapanuri na tayo. Kapag may nakikita tayong nagpo-post ng travels, luxury cars, o party sa yate… Napapaisip tayo. At least, napapaisip na tayo ngayon,” aniya.

Dagdag pa ni Sotto: “Dati, ang uso, from rags to riches. Pero ngayon, ang kwento na, from robs to riches.”

One of the most effective solutions to flooding can be found in nature. Instead of spending trillions of pesos on medioc...
28/08/2025

One of the most effective solutions to flooding can be found in nature. Instead of spending trillions of pesos on mediocre man-made solutions, let's look at God's wisdom.

Pinuri ni Senador Ping Lacson si Kongresista Leandro Leviste ng Batangas 1st District matapos ang pagkaaresto ng isang d...
25/08/2025

Pinuri ni Senador Ping Lacson si Kongresista Leandro Leviste ng Batangas 1st District matapos ang pagkaaresto ng isang district engineer ng DPWH na nagtangkang magbigay ng suhol sa kanya na nagkakahalagang P360M bilang kickback para sa mga proyekto ng kanyang distrito.

Noong kamakailan lang, nailatag na ni Lacson ang report sa senado ukol sa malawakang korapsyon at sistema ng kickbacks sa ating bansa.

🇵🇭 are being plundered 🥹
22/08/2025

🇵🇭 are being plundered 🥹

22/08/2025

ISKUP! Lumabas sa social media ang larawan ng kapatid ni Senador Joel Villanueva habang kasama ang dating district engineer ng Department of Public Works and Highways (DPWH) na tinukoy ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson sa privilege speech na sangkot sa mga maanomalyang flood control project sa Bulacan.

Basahin buong detalye, i-click ang link sa comment section.

21/08/2025

BALIKTANAW: DPWH daw ang naging way ng success ng mag-asawang Sarah and Curlee Discaya ayon sa kanilang exclusive interview last year with Julius Babao. Matatandaan na ilan sa top 10 contractors na may pinakamaraming anomalya sa bansa ay pagmamay-ari ng mga Discaya. At si Sarah Discaya din ay maaalala nating tumakbo sa pagka-mayor sa Pasig nito lang sa nagdaang eleksyon 2025.

Panoorin ang video 🔥🤯

11/08/2025

Bulgaran time na para sa mga Construction Company na connected sa 'Kaya This'

"DUST DEVIL" SPOTTED MULI SA CAGAYAN DE ORO 🌪️PANOORIN: Sa kuhang bidyo ni Takbong Sleepy, makikita ang pamumuo ng isang...
30/07/2025

"DUST DEVIL" SPOTTED MULI SA CAGAYAN DE ORO 🌪️

PANOORIN: Sa kuhang bidyo ni Takbong Sleepy, makikita ang pamumuo ng isang "Dust Devil" o Buhawing Alikabok sa parking area ng Madonna and Child Medical Center sa Barangay Carmen, Cagayan de Oro City ngayong araw, Hulyo 30.

Kitang-kita sa picture ang umiikot na hangin na tangay ang mga alikabok pataas. Ayon sa ulat, wala namang nasaktan o nasira sa naturang pangyayari.

🌀 Delikado ba ang Dust Devil?
Karaniwan ay hindi delikado ang dust devil dahil ito ay maliit at panandalian lang. Ngunit maaari itong magtumba ng magagaan na bagay, magkalat ng alikabok, at makasugat kung may kasamang debris—lalo na kung tumama sa tao o sasakyan. Kaya't mainam pa rin ang pag-iingat

27/07/2025

Kaya mo ba ibenta ang mga mata mo kapalit ng P1,000,000?

Address

Manila

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Generation C posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share