25/06/2026
TITLE: PRIVATE CHANEL
EPISODE 1: THE PRIVATE CHANEL
SCENE 1: ORDINARY DAYS
Normal day sa loob ng paaralan, si Zion ay nakatayo sa harap ng paaralan nila at nakatingin sa kanyang camera kasama ng kanyang mga kaibigan, nagtatawanan at ang iba naman ay nagkukwentuhan.
Makikita dito sina Mia Santo at Ken Ramirez na matatalik niyang kaibigan.
Binuksan ni Zion ang camera at isa-isang sinuri ang mga larawang kinunan niya para sa online page ng kanilang paaralan.
Bilang isa sa mga campus journalist, trabaho niyang magdokumento ng mahahalagang kaganapan sa loob ng campus.
Si Zion ay galing sa simpleng pamilya na may sariling negosyo.
“Zion….” sigaw ni Mia sa kanya.
Lumingon ang binata sa babae, at nagtanong…
“Ano iyon Mia?” tugon ng binata.
“Maaari mo ba ako kunan ng litrato? Banda rito lang…” sagot ni Mia sa kanya.
“Walang problema, tayo ka diyan at kukuhanan kita ng litrato.” sabi naman ng binata.
Tumayo si Mia sa isang bultuhang mga halaman na waring maganda ang pagkakatabas neto na nagsilbing magandang background para sa kanyang litrato.
“Ang pangit ng pose mo Mia, gandahan mo naman..” Pabirong sabi ni Ken.
Si Ken ay isa sa mga kaibigan ni Zion na palabiro, at comic relief din isa siyang Cartoon Journalist at parehas sila ni Zion na nasa iisang organisasyon sa kanilang paaralan.
“Grabe ka naman Ken, kahit anong pose gawin ko tiyak na maganda parin ako sa mga kuha ni Zion…” ngiting pagsabi ni Mia nito kay Ken.
“Sus! Nagpapapansin ka lang kay Zion eh! HAHAHAHAHA” sagot na pabiro nito kay Mia.
“Ano ang sabi mo, paki-ulit?” sagot na ni Mia na medyo pagalit kay Ken.
“Ang sabi ko—.” muli na sanang uulitin ni Ken ang sasabihin ngunit hinabol ito ni Mia, kaya’t ang dalawa ay nagtakbuhan paikot sa kanilang kinapupwestuhan.
Habang nagkukulitan ang dalawa niyang kaibigan, mas pinili ni Zion na pagmasdan ang mga larawang kuha niya sa campus at sa kanyang matalik na kaibigang babae na si Mia.
Sa bawat litrato’y para bang may mga kwentong nakatago.
“Tama na iyan, Ken at Mia, baka magkasakitan pa kayo.” pasuway na sabi ni Zion sa kanila.
“Ho–hoyy!” pabirong sabi na naman ni Ken “si Mia kinikilig…” muli niyang sinabi.
“Tama na nga kayo. Lahat na lang ginagawan nyo ng issue.” tugon ni Zion kay Ken.
“Eh bakit? Hindi ka ba pwedeng magkagusto?” sagot naman ni Ken sa kanya.
“Hindi ko priority iyan.” malamig na sagot ni Zion kay Ken.
At napa-angat nalang ng balikat si Ken, at inaya si Mia na maupo at bumalik sa kanilang pwesto.
Bago pa ulit makapagsalita si Ken, tumunog ang bell ng paaralan.
Senyales na magsisimula na ang kanilang klase.
Tumayo silang tatlo at nagsimulang maglakad papunta sa kanilang silid.
Hindi alam ni Zion na sa araw na iyon… may isang taong tuluyan nang magpapabago sa tahimik niyang mundo.