
03/07/2025
Hindi palaging sigawan ang sagot.
At hindi ibig sabihin ng pagiging magkasama,
ay laging tama at masaya ang pamilya!
May mga tahanan na kumpleto sa bilang ng miyembro, pero kulang sa katahimikan.
May mga pamilyang buo sa paningin ng iba,
pero basag na basag na sa loob.
*Ang akala ng marami,
hangga’t magkasama, ayos pa.
*Pero paano kung ang bawat
pag-uwi ay may kasamang galit?
*Paano kung bawat umaga
ay may kasunod na sumbatan?
Paano kung sa halip na pagmamahal ang maramdaman mo, ay tensyon at takot na lang?
Hindi sa lahat ng oras, ang pananatili ay katapangan. Minsan, ang paglayo ang mas mapagkumbabang paraan ng pagmamahal lalo na kung may batang nakakakita at nakakakinig madalas sa inyong ipinaglalaban o awayan.
Sabi nila: "Pag may problema, pag-usapan."
Tama naman at maganda yan.
Pero paano kung taon na ang binilang, pero sigawan pa rin ang laging nauuna bago ang pag-uunawaan, mas lumalala pa ang awayan.
Paano kung ang tahanan mo, ay parang maiikumpara mo sa giyera sa araw-araw?
Hindi siya nagiging lugar ng pahinga.
Ang pag-aasawa ay hindi lang pagmamahalan palagi, kundi madalas kailangan ng pang-unawa.
At kung wala na ‘yon, nauubos ang pasensya, nasasaktan ang damdamin, at dumarating sa puntong… mas payapa pa kapag magkalayo o hindi kayo magkasama at nag-uusap.
Siguro o baka may mali na talaga?
Alam mo, hindi ito usapin ng pagsuko.
Hindi rin ito tungkol sa pagkakasala.
Minsan, kahit parehong may pag kukulang,
pareho rin kayong napagod at nagsawa na!
At minsan, mas malalim pa sa sorry ang katahimikan na kailangan ninyong dalawa.
Pero sa isang banda, doon mo makikita ang sign at linaw na hindi mo talaga kaaway ang kabiyak mo, kaso lang ay hindi na rin kayo ang magkasangga sa laban ng buhay.
At para sa kapakanan ng anak, para sa kapayapaan ng isipan, at para sa muling pagbangon ng sarili kailangang mong matutong bitawan ang gulo, at piliin ang lugar kung saan hindi ka tinataboy ng galit, sinusumbatan, sinasabihan na walang silbi!!
"Kundi niyayakap ng katahimikan."
Sa isang tahanan, ang unawaan ay mas mahalaga kaysa pagtatalo. Sino piipili sa pagtatalo?
Hindi mo kailangang manalo sa argumento kung matatalo mo naman ang respeto.
Kung mas madalas na galit ang nararamdaman kaysa pagmamahal? baka hindi na tanong kung dapat pa bang ipaglaban?
Baka sign o tanong na kung kanino ka dapat bumangon at kung saan kayo dapat lumugar para sa ikakabuti at kapakanan ng inyong anak.