06/11/2025
Fast-food Manager, nagsalita na sa viral ‘tiles’ video: “NEVER AKO NAG-POWERTRIPPING, NEVER KONG I.N.A.B.U.S.O ANG POSISYON KO”
Matapos mag-viral ang video ng isang fast-food manager na pinaghuhusga ng netizens dahil umano sa “panghihiya” sa bagong crew, nagsalita na ang manager para linawin ang isyu. Ayon sa kanya, hindi niya intensyong pahiyain ang sinuman at ang video ay aksidenteng na-post ng isang crew member na dapat ay draft lang.
Ipinaliwanag din ng manager na bago pa man matapos ang araw, nakapag-usap na sila ng naturang crew at nagkapatawaran na. Dagdag pa niya, masaya at magaan ang samahan nila sa branch at hindi kailanman nangyari ang sinasabing “power tripping.”
Narito ang buong pahayag ng manager:
“Hello, I’m the manager in charge sa video, hindi si Jessica. Jessica is one of our crew, she accidentally posted it on TikTok without noticing na dapat lang na ise-save niya sa drafts.
Before everyone went home that day, nakausap ko na yung crew member involved at humingi ako ng sorry kung na-offend siya. Later that night, nag-message pa ako para masiguro kung okay lang siya.
If naranasan ninyo mag-work sa fast food industry, maiintindihan niyo yung spirit of family and fun. Manager ako pero iba yung bond namin ng mga crew ko—never ako nag power-tripping, never kong i.n.a.b.u.s.o ang posisyon ko.
Galing din ako sa pagiging crew kaya naiintindihan ko kung ano yung pakiramdam nila. Kaya sana huwag agad husgahan, kasi yung video was taken out of context. Walang intensyon na manakit o manghiya. Masaya at magaan lang talaga ang environment namin.”
📸: Tiktok