25/11/2025
8-ANYOS NA BATA NAGPOSITIBO SA HIV AIDS SA MIDSAYAP, COTABATO
Patuloy pa sa ngayon ang pakikipaglaban sa buhay ng isang 8-anyos na batang lalaki na nahawaan ng sakit na Human Immunodeficiency Virus Acquired Immune Deficiency Syndrome o HIV AIDS sa bayan ng Midsayap, Cotabato.
Ayon sa Dr. Amado Diaz Foundation Provincial Hospital (DADFPH)- Sayap HIV AIDS Treatment Hub, ang biktima ay isa sa pinakabatang biktima ng nak**amatay na sakit at umaasang madadagdan pa ang kanyang buhay.
Nakakaranas umano ang bata ng oral fungal infection, tuberculosis, at pneumocytis na isang kombinasyon o deadly decoction ng bacteria, virus, at fungal infection na nagpapalala sa kalagayan ng pasyente at patuloy na nagpapahina sa kanyang immune system.
Panawagan ng Sayap Treatment Hub na kailangang magpasuri o sumailalim sa HIV testing ang lahat ng mga s*xually active individuals o yaong mayroong multiple s*xual partners at ang mga mahilig sa s*xual adventures o s*x trippers katulad ng fubu o fu***ng buddy, group s*x o o**y at mga s*xual deviances o kakaibang ekspermento sa seks.
Nananawagan din ito sa mga magulang o guardians na bantayan ang kanilang mga anak sa mapanuksong social media platforms na naghihikayat ng liberal na s*xual activities lalong-lalo na sa mga menor de edad.
Panawagan ng ahensya na sama-sama ang lahat upang mapagtagumpayan ang laban ng mapanirang virus, para sa bawat bata, kabataan at mamamayan ng North Cotabato.
CTTO
゚