29/08/2025
: Idinaos ng Far Eastern University (FEU) Campus Ministry ang Mass of the Holy Spirit bilang panimula ng taong panuruan 2025–2026 sa FEU Chapel kaninang tanghali, ika-29 ng Agosto.
Pinangunahan ito ng dating Vice Rector ng Manila Cathedral na si Rev. Fr. Kali Pietre Llamado.
Sa kaniyang homiliya, ipinunto ng pari sa mga dumalo ng misa na dapat makamtan ngayong taong panuruan ang edukasyon na may integridad.
“Ito sana ang maging direksiyon ng ating pag-aaral, ng ating mga turo para sa ating mga g**o—hindi lamang makapagturo nang maayos, hindi lamang matuto ang mga estudyante nang mabuti, kun’di matuto at magturo nang may konsensiya… I hope this will be the direction of the school year… so that we could produce both teachers and leaders with conscience (Umaasa ako na ito ang magiging direksiyon ng taong panuruan na ito… para makagawa ng mga g**o at lider na may konsensiya),” saad ni Fr. Llamado.
Bahagi ng selebrasyon ng Tatak Tamaraw 2025 ang Mass of the Holy Spirit kasama ang Tatakan Rites at Welcome Fest Concert.