
26/02/2025
HALALANG BAYAN SA BATAAN, 1891
Makikita sa balota ang mga inihalal sa pagka Gobernadorcillo (mayor) ni Cabeza de barangay Eugenio Guanzon ng Abucay noong Abril 2, 1890. Ang prayoriti nito ay si Tomas Carlos; pangalawa, si Silvestre Ongoco.
Lahat ng mga nanungkulan at kasalukuyang halal ng bayan ay nagtipon sa Tribunal. Lahat ay kandidato. Pinili nila (secret balloting) ang kanilang napupusuang bagong opisyal (cabeza, pulis, inspektor ng kabuhayan, etc.) maliban sa kanilang sarili. Ang mga nagkamit ng maraming boto ang nagwagi. Dalawang taon ang termino nito.
Parang piyesta ang eleksiyon sa Bataan (at buong Filipinas). May pakain. May protesta. May kampanya. At ---may karahasan din.
Sineryoso ng mga taga Bataan ang eleksiyon.
Hindi man demokratiko, ang eleksiyon ang isa sa mahalagang pamana ng mga Kastila sa mga Filipino.