ZG NICE TV

ZG NICE TV Good Vibes Only

07/03/2026
NASISANTE AGAD YUNG BAGONG HIRE NA SERVICE CREW DAHIL INUWI NIYA ANG 10KILOS NA BIGAS DAHIL AKALA NIYA LIBRE.....Hi Plea...
20/02/2026

NASISANTE AGAD YUNG BAGONG HIRE NA SERVICE CREW DAHIL INUWI NIYA ANG 10KILOS NA BIGAS DAHIL AKALA NIYA LIBRE.....

Hi
Please call me Iz. Service crew ako sa isang medyo kilalang restaurant dito sa Mandaluyong. Hindi ko na babanggitin ang pangalan ng restaurant.

May i-she-share lang akong story. Nangyari ito last month, may bagong hire sina boss na service crew.
Tawagin na lang natin siyang Paye. First job niya ata, dahil mag-iipon daw siya para maipagpatuloy yung pag-aaral niya.
Maayos manamit, maganda din siya, medyo high energy na parang gustong patunayan na mapagkakatiwalaan siya sa work.

After ng interview, pinagstart na siya kinabukasan. Sabay kami sa opening shift. 8 AM pa lang nasa dining area na siya, nagwawalis, nag-aayos na ng mga plates at baso.

Sabi ko sa sarili ko, “Ay masipag.”

Around 8:30AM, pinatawag siya para sa orientation at rules ng restaurant, malinaw ang bilin ng manager namin.

“Libre kain ang staff habang naka-shift. Hindi kayo magugutom dito. Pwede mag-unli rice. Basta dito sa kitchen kakain at huwag mag-aaksaya. Kung may duda, magtanong muna.”

Normal policy naman sa karamihan ng restaurants. Nagstart na siyang mag-work after ng orientation dahil medyo mahaba na ang pila.

Lunch time, nagbreak at kumain na kami ni Paye. Malakas siya kumain, naka limang extra rice siya. Wala namang issue kasi masipag naman. Karapatan niya yun.

8AM-5PM dapat ang duty niya pero sabi niya mag-o-overtime nalang daw siya dahil sayang din ang bayad ng OT. Hanggang 10PM kasi yung restaurant namin.

Bandang closing, around 10 PM, busy na kami sa paglilinis. Ako nasa counter, siya tumutulong sa kusina mag-ayos. Wala namang kakaiba. Nauna siyang nag-out dahil natapos na nila yung work sa kitchen area.

Mag-a-out narin sana ako ng napansin ng head cook na may nawawalang isang buong supot ng bigas. Yung 10 kilos na kakabukas lang kaninang umaga. Hindi pa nga ubos yung kalahati dahil may natira pa sa container.
Nagtinginan kami dahil wala kaming napansin. Akala namin baka naitabi lang.

Chineck agad ng Manager namin yung CCTV.
Kitang-kita sa footage, bago mag-time out si Paye, pumasok siya sa stock room. Kinuha niya yung kalahating sako ng bigas, hindi niya rin pinatawad yung 3 in 1 na kape at sinigang mix. Nilagay niya sa eco bag niya. Tapos diretsong lumabas na parang normal lang.

Tahimik ang buong kusina habang pinapanood namin yung footage. May halo akong tawa at disbelief. Parang hindi ko alam kung maaawa ba ako o maiinis sa kanya.

Pagpasok niya ng second day, nakangiti pa siya at very energetic parin.
Pinatawag siya agad sa office, kinausap ng Manager namin sa loob.
Lumabas siya after mga 15 minutes. Hindi naman umiyak.. Kinuha niya lang yung bag niya at umalis.

Narinig ko lang na.
“Akala ko po kasama sa free meal benefit yung bigas. Sabi po kasi unli rice.”

Siguro sobrang literal niya talagang inintindi.
Pero alam naman natin ang difference ng kakain ka ng unli rice sa loob ng shift at iuuwi mo ang kalahating sako na pang-bodega.

Nasisante siya agad second day pa lang niya. Strikto yung Manager namin.

Pero sa totoo lang, first job niya yun. Isang supot ng bigas ang naging kapalit ng opportunity.
Ang daming staff privilege na binibigay ng restaurant. Hindi naman sila madamot.

Life is funny talaga, dahil after a month na sisante si Paye nagkita ulit kami. Hindi sa restaurant or Mall kundi sa bahay namin mismo. Pinakilala siyang girlfriend ng kuya ko. What a life.

Hindi ko naman siya hinusgahan.
Pero biglang may nagsabi pa ng “unli,” napatingin ako sa kanya.

Napangiti lang siya.
Alam niya na yun.

ANG TAMAD NG  BOYFRIEND KO SA PAGLALABA, KAYA GINAWA KO SIYANG TREASURE HUNTER SA SARILI NIYANG ALKANSYA......Hello! Jus...
20/02/2026

ANG TAMAD NG BOYFRIEND KO SA PAGLALABA, KAYA GINAWA KO SIYANG TREASURE HUNTER SA SARILI NIYANG ALKANSYA......

Hello!

Just call me Kara, isang Office Personnel sa Ortigas.

May live-in boyfriend ako, si Ronron, isang Manager sa Max's Restaurant.
Mabait siya at responsible. Good provider bilang boyfriend.
Pagdating sa bills, 70/30 kami.
70% sa kanya 30% sakin.

Pero pagdating sa gawaing bahay? Parang may built-in allergy siya lalo na sa paglalaba. Ang tamad niya sobra.

Pareho kaming may trabaho. Pareho kaming pagod pag-uwi. Pero pag Sabado at Sunday na, kung kailan bundok na ang labada, bigla siyang magkakaroon ng

“sumasakit likod ko,”
“may important rank game ako sa ML,”
o kaya “may urgent na pinag-uusapan sa GC ng work.”

Ang ending ako lagi ang nauuwi sa washing machine.
Isang Sabado nun, nakaupo ako sa sahig habang nagsosort ng mga medyas niya na magkakaibang kulay.
Sa totoo lang, napuno na ako.

Pag gawaing bahay, laging may iniindang sakit.
Sa sobrang tamad niya maglaba, napilitan akong gumawa ng paraan.

May alkansya siya na malaking plastik na parang water jug. Yung may maliit na butas sa taas para hulugan ng papel na pera?
Proud na proud siya doon kasi pupunuin niya pambili ng bagong laptop niya.

Ang hindi niya alam… medyo malaki ang butas nun.
At kasya ang dalawang daliri ko.

Dun ko na naisipan ang balak ko.
Tuwing gabi na tulog siya, dahan-dahan kong sinusungkit ang ilang papel na pera sa alkansya niya.
Minsan 300, minsan 500.
Hindi ko inuubos. Saktong kuha lang para hindi halata agad.

Tapos hinahati ko sa tig-100 at tig-200.

Nilalagay ko sa bulsa ng shorts ko. Sa pajama. Sa office slacks ko. Kahit sa hoodie minsan.

Yung first attempt ko sa kanya.
Nagkataon na siya ang naglaba kasi “wala naman daw siyang ginagawa.”
Narinig ko siya sa CR habang nagche-check ng bulsa.
Sumigaw siya agad.

“Babe! May 200 dito!”

Kunwari nagulat ako. “Ha? Saan galing?”

Tawa siya. Yung feeling niya naka-jackpot siya sa universe.
Tawang tawa ako sa kwarto namin. Sinipag siya lalo e.

Second week, ginawa ko ulit yun. Hindi siya nagsasalita habang naglalagay sa washing pero may pakanta pa at parang ganadong ganado maglaba.

Hindi niya alam, swerte siya sa sarili niyang ipon.

Third week, siya na ang nag-volunteer.

“Ako na maglalaba ha. Baka may nakalimutan ka na naman.”

Treasure hunt ang tingin niya.
Laundry incentive program ang tawag ko.
Ngayon, halos hindi na niya ako pinapalapit sa washing machine. Siya pa ang nagso-sort ng kulay at puti.

Siya ang naglalagay ng Downy. Siya ang nagche-check ng bawat bulsa na parang may hidden quest.

Ako naman, nakaupo lang sa k**a na parang prinsesa, nanonood ng Netflix.

Hindi niya alam na pera din niya ‘yon.
Hindi ako nanlalamang, iniikot ko lang ang sistema.

Naiisip ko tuloy, magtataka na lang siguro siya kung bakit parang hindi napupuno ang alkansya niya kahit consistent siyang naghuhulog.
Baka isipin niya inflation.

Hanggang ngayon, habang masipag pa siya sa paglalaba. Gagawin at gagawin ko parin yun.
Hindi gumana ang sermon ko.
Hindi gumana ang lambing ko.

Pero gumana ang pera.
Live-in life ay tungkol sa teamwork.
Minsan kailangan lang ng konting creativity.

Ang tawag ko dito ay self-funded motivation program.

Kung may magtatanong kung nakokonsensya ba ako?
Mas mabigat ang labada kaysa konsensya.

At least ngayon, pareho na kaming kumikilos.

Worth it bawat sungkit.

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒-𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆-𝐕𝐈𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐇𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐅𝐓 𝐀𝐕𝐄𝐍𝐔𝐄, 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐏𝐎𝐋𝐂𝐎𝐌 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐆𝐈 ...
20/02/2026

𝐃𝐀𝐋𝐀𝐖𝐀𝐍𝐆 𝐏𝐔𝐋𝐈𝐒-𝐌𝐀𝐘𝐍𝐈𝐋𝐀 𝐍𝐀 𝐍𝐀𝐆-𝐕𝐈𝐑𝐀𝐋 𝐌𝐀𝐓𝐀𝐏𝐎𝐒 𝐇𝐀𝐑𝐀𝐍𝐆𝐀𝐍 𝐀𝐍𝐆 𝐈𝐒𝐀𝐍𝐆 𝐌𝐎𝐓𝐎𝐑𝐈𝐒𝐓𝐀 𝐒𝐀 𝐓𝐀𝐅𝐓 𝐀𝐕𝐄𝐍𝐔𝐄, 𝐇𝐔𝐌𝐀𝐑𝐀𝐏 𝐒𝐀 𝐍𝐀𝐏𝐎𝐋𝐂𝐎𝐌 𝐀𝐓 𝐇𝐔𝐌𝐈𝐍𝐆𝐈 𝐍𝐆 𝐓𝐀𝐖𝐀𝐃

Humarap sa National Police Commission (NAPOLCOM) at humingi ng tawad sa publiko ang dalawang patrolman na sangkot sa viral video na hinarangan ang isang motorista sa Taft Avenue sa Maynila.

Ito ay matapos umamin kay NAPOLCOM Vice Chairperson Rafael Vicente Calinisan na hindi totoo ang kanilang pahayag na nasiraan ang patrol vehicle, taliwas sa naunang sinabi na nagkaroon umano ng mechanical trouble ang kanilang sasakyan.

Sa pulong balitaan sa NAPOLCOM, sinabi ni Calinisan na labis siyang nadismaya at nainsulto sa ginawang pagsisinungaling ng dalawang pulis, lalo na sa panahong nagsisikap ang Philippine National Police na maibalik ang tiwala ng publiko at maprotektahan ang pangalan at uniporme ng PNP.

Hindi na nagbigay ng paliwanag ang dalawang pulis kung bakit nila sinabi na nagkaroon ng mechanical trouble ang patrol vehicle na naging dahilan ng pagharang nito sa kalsada.

Iginiit naman ni Calinisan na dapat managot ang mga sangkot at sasampahan ng kasong administratibo ang dalawang patrolman, habang abswelto naman sa kaso ang hepe ng MPD Police Station 5 na PCOL Alfonso Saligumba.

Matatandaang na una nang inalis sa puwesto ang dalawang pulis na sangkot sa insidente. | ulat ni Diane Lear

AKALA NG BOYFRIEND KO PINATAWAD KO SIYA SA PANLOLOKO NIYA, HINDI NIYA PA ALAM SA NGAYON NA MAY UTANG NA PALA SIYA SA PAY...
19/02/2026

AKALA NG BOYFRIEND KO PINATAWAD KO SIYA SA PANLOLOKO NIYA, HINDI NIYA PA ALAM SA NGAYON NA MAY UTANG NA PALA SIYA SA PAYMAYA......

Ang saya saya ko ngayon dahil nakaganti ako sa ex kong manloloko, hiniwalayan ko na siya 5days ago at hinding hindi ko na siya babalikan.

Tawagin niyo na lang po akong Klaudin, 20 years old, from Baguio. From the summer capital of the Philippines...
Hindi ko alam kung hahatulan niyo ako o tatawanan niyo ako sa ginawa ko.

Here's my story. I have a boyfriend let's call him VJ, 28 yrs old, IT. Matalino siya at techy. Nagwowork siya sa isang BPO company dito din sa Baguio. Siya yung lalaki na proud ka ipakilala sa mga friends mo.

Kaso may isang problema.
Babaero siya.

Hindi hinala lang ha. Nahuhuli ko talagang nambabae o nakikipagflirt sa iba. May dummy account na ginagamit, nasa 5 na dummy account. May Telegram account pa siya.
Alam ko lahat yan dahil ilang beses ko na siyang nahuli. Sa katangahan ko, hindi ko siya hiniwalayan kahit isang beses. Kasi patay na patay ako sa kanya, gwapo kasi.

Sampung beses ko siyang nahuli dahil alam ko ang password ng phone at FB niya. Binibigay naman niya sakin ang phone niya, akala niya na delete niya lahat ng evidence. Eh mas malupit pa ako kay Detective Conan sa pagcheck ng kag4guh4n niya.

Hinahayaan ko lang ang sarili kong masaktan hanggang sa maramdaman kong ayoko na. Sawa na ako sa ugali niya. Pinatawad ko lang siya ng paulit ulit.

Hanggang sa napagod na ako.

Sakto malapit na birthday niya nung February 12.
Nauna na siyang nag-aya ng party sa apartment niya sa bandang Aurora Hill. Ininvite niya mga tropa niya, pati mga ibang classmates ko na naging friends na rin niya. Sabi niya simple celebration lang.

Sa totoo lang, ako ang nag-volunteer mag-setup ng birthday celebration niya. Gumastos ako ng around 5,000 pesos para sa alak, pagkain, cake at konting decor.
Pinakita ko talaga sa kanya na mahal na mahal ko parin siya. Akala niya napatawad ko na siya. Akala niya marupok pa ako tulad ng dati.

Ako pa nagluto ng spaghetti at nag-prito ng chicken sa maliit niyang kusina habang siya, nagre-reply sa tropa niya kung saan ang parking area.
Ginamit ko muna sarili kong pera para maappreciate niya. Wala siyang ka-alam alam sa gagawin ko.

Sabi ko, “Sige, ako na bahala. Birthday mo naman.”

Alam niyo yung feeling na abala ka sa pagde-decorate habang yung taong ipinaghahanda mo, hindi mo na talaga mahal?
Ganun ako nung araw na yun.

Habang inaayos ko yung cake sa center table, hiniram ko saglit ang phone niya. Birthday niya ang passcode.
Binuksan ko ang Maya app niya. May credit limit siyang 10,000 pesos. Bago ko nalaman about sa Maya loan na yan, nagsearch muna ako sa Tiktok. Mas trusted niya kasi ang Maya app kesa sa jk4s. Kaya yun talaga ang inaral kong mabuti.

Nag-apply ako ng loan.
Approved agad. Kasi goodpayer siya, nagloloan na siya before.

Tinanggal ko ang SMS confirmation.
Tinanggal ko ang email notification. Tinanggal ko lahat lahat.
Trinansfer ko muna sa jk4s account ng pinsan ko yung 10k (Hindi niya kilala yung pinsan ko na yun na kinuntsaba ko) bago binalik ang phone niya sa lamesa na parang wala lang.

Inaasikaso niya kasi yung ibang tropa niya sa labas that time.
Pagpasok niya, todo smile siya.

“Grabe babe, effort mo. Mahal mo talaga ako.”

Ngumiti lang ako.
The whole day, tuwang-tuwa siya. Pinagmamalaki niya ako sa mga tropa niya at sa ilan kong classmates na ininvite niya rin.
Sinabayan ko lang siya.

Sa loob-loob ko, countdown na lang.
Yung 5k na ginastos ko para sa birthday niya? Doble pa ang bumalik sakin.

5k para mabawi ko yung inilabas kong pera sa setup at luto.
Yung natitirang 5k,
Bayad sa panlolokong ginawa niya.

Bayad sa oras na panloloko niya sakin. Bayad sa respeto na paulit-ulit niyang binalewala. Natapos yung birthday niya na alam kong sobrang happy siya.

Tatlong araw matapos ang birthday niya, nakipaghiwalay ako. Alam ko sa sarili ko na hindi ko na siya mahal.
Tinext ko lang siya.

“VJ, ayoko na.”

Nagulat pa siya.
“Akala ko okay na tayo? Ang saya ng birthday ko. Akala ko sign ‘yon para magsimula tayo ulit.”

Sinagot ko siya.
“Hindi lahat ng masayang party, ibig sabihin happy ending na, minsan farewell party yun.”

I blocked him sa lahat lahat. Nagfocus nalang ako sa pag-aaral.
Hindi pa niya alam hanggang ngayon na may 10k siyang loan sa Maya. Malalaman niya ‘yon pag due date na or icheck niya yung app.

Hindi ako proud.
Pero hindi rin ako tanga.
Kung kaya niyang mag-cheat nang paulit-ulit habang iniisip niyang hindi ako aalis, then maybe this is just balancing the books.
5k para sa birthday niya, additional 5k para sa panloloko niya.

At kapag nagtanong siya kung bakit may 10k siyang utang soon?
Simple lang sagot ko.

Consider it as a professional service fee for wasting my time.
Kulang pa nga yung 10k. 50k dapat kaso hindi kaya sa credit limit niya.

A claim circulating online says one of the most popular hobbies for women right now is simply drinking coffee and doing ...
18/02/2026

A claim circulating online says one of the most popular hobbies for women right now is simply drinking coffee and doing absolutely nothing. The idea has resonated with many because it feels honest, relatable, and refreshingly low-pressure.

In a culture that often glorifies constant productivity, slowing down sitting with a coffee, letting the mind wander, and not multitasking can feel like a small act of self-care. Supporters say it’s less about the coffee and more about giving yourself permission to pause.

Sometimes the reset isn’t a new routine it’s choosing to do less. ☕

18/02/2026

Sinubukan mo akitin, pero dedma😛

NARINIG KO SIYA SA LIKOD NG PINTO NG OSPITAL: “ANG ASAWA KO AY NABUBUHAY SA ISANG MUNDO NG PANTESYA”… AT PITONG BUWAN NA...
17/02/2026

NARINIG KO SIYA SA LIKOD NG PINTO NG OSPITAL: “ANG ASAWA KO AY NABUBUHAY SA ISANG MUNDO NG PANTESYA”… AT PITONG BUWAN NA BUNTIS, NAKITA KO ANG ASAWA KO NA DALA ANG KANYANG LIHIM NA SANGGOL; INILING KO ANG AKING MGA LUHA AT GINAWANG HUSTISYA ANG PAGTATAKSILYO.

Si Marco, ang aking asawa, ay nanumpa sa akin na siya ay nasa isang marketing conference sa Monterrey. “Mahal, maaaring magbukas ito ng mga pinto para sa akin. Para sa atin ito,” sabi niya sa akin, habang hinahalikan ang aking noo gamit ang nakasanayang ngiti na dating nagpapakalma sa akin. Sa pagkakataong ito lamang, nang isara ko ang pinto, nakaramdam ako ng kakaibang kawalan, na parang naubusan ng hangin ang aking bahay.

Pagkalipas ng ilang oras, habang tinitingnan ang carpool tracker—isang “security detail” na iginiit niyang i-install “para sa aking sariling kabutihan”—nakita ko ang isang nakapirming punto na wala pang dalawampung kilometro mula sa aming apartment: ang San Judas General Hospital. Hindi ko ito masyadong inisip, dahil minsan ay nakakahanap ng daan ang katotohanan nang hindi humihingi ng pahintulot. Nagsuot ako ng sweater, kinuha ang aking mga susi, at umalis.

Habang naglalakad ako, naalala ko kung gaano ko pinaghirapan na magpakaliit ng sarili ko.

Pinili kong tumira sa isang simpleng apartment sa Narvarte, bilangin ang bawat sentimo sa supermarket, maghanap ng mga deal, sabihing "wala lang" kapag nasira ang elevator o gumawa ng kakaibang ingay ang kotse. Ginawa ko ito para hindi masaktan ang ego ni Marco, dahil kailangan niyang maramdaman na siya ang bayani, ang tagapagbigay ng serbisyo, ang lalaking "nagdala sa kanyang pamilya sa tuktok."

At ako... hinayaan ko siya. Nilunok ko ang aking mga salita, pinatay ang mga ilaw, itinago ang aking tunay na apelyido at ang aking pinagmulan na parang isang taong nag-iingat ng hiyas sa isang drawer dahil sa takot na manakaw.

Nakarating ako sa ikatlong palapag, ang maternity ward. Malamig ang pasilyo, masyadong maliwanag, masyadong tahimik. Sa di kalayuan, naririnig ko ang iyak ng isang bagong silang na sanggol. Huminga ako nang malalim, na parang sa pamamagitan ng hangin ay maiaayos ko ang mundo, at huminto sa harap ng silid 304.

Nakabukas ang pinto.

Ayan na siya.

Hindi sa Monterrey. Hindi sa isang kumperensya. Nakaupo siya sa gilid ng k**a sa ospital, hawak ang k**ay ng isang dalaga, maputla, na may maitim na bilog sa ilalim ng mga mata. At sa kanyang mga bisig… isang bagong silang na sanggol, maliit, perpekto, may kulubot at natutulog na mukha.

Tinitingnan siya ni Marco na parang sa wakas ay ibinigay na sa kanya ng buhay ang nararapat sa kanya.

“Perpekto siya, Sofi,” bulong niya, ang kanyang boses ay naging matamis, ang tamis na wala na sa akin. “Nasa kanya ang mga mata ko.”

Nangisi ang babae nang pagod. Nakita kong mahigpit niyang niyakap ang kumot, parang may nakahawak sa huling bagay na natitira sa kanila.

“At… ang asawa mo?” tanong niya nang pabulong.

Maikling tawa ang pinakawalan ni Marco.

“Ang asawa ko ay nakatira sa isang mundo ng pantasya. Wala siyang hinala. Huwag kang mag-alala tungkol sa pera, ako na ang bahala sa lahat.”

Naramdaman ko ang parang metal na lasa sa aking bibig. Kinagat niya ang dila ko nang napakalakas na sumakit hanggang sa leeg ko. Sumandal ako sa pader dahil hindi na akin ang mga binti ko. Ang sakit ay hindi isang ideya, ito ay isang pisikal na suntok: parang pinupunit ang balat ko, parang pinupunit ang dibdib ko at lahat ng itinatago ko sa loob ng maraming taon ay nabubuga.

Hindi ako pumasok.

Hindi ako sumigaw.

Ang Elena noon ay itinulak ang pinto pabukas at gagawa ng eksena na maririnig hanggang sa emergency room. Ngunit nang araw na iyon, sa malamig na pasilyong iyon, may naunawaan ako nang may nakakatakot na kalinawan: kung magsasalita ako mula sa isang lugar ng sakit, mananalo siya. Kung sasabog ako, gaganap siyang biktima. At ako… Sawang-sawa na akong maging entablado kung saan ang iba ay nagtatanghal.

Lumingon ako, nag-aalab ang mga luha, at naglakad patungo sa elevator.

Sa repleksyon ng makintab na bakal, nakita ko ang aking maputlang mukha, ang aking pulang mga mata, ang aking napakalaking tiyan sa ilalim ng isang simpleng damit. Mukha akong isang babaeng walang armas. Akala ko nga. Dahil walang ideya si Marco kung sino talaga ako. Hindi niya alam na ang "Salcedo Group" kung saan ako nagtatrabaho—ang ipinagmamalaki niyang konglomerate, na tinatawag itong "aking kumpanya"—ay may may-ari na nakasuot ng parehong singsing… at ang kanyang parehong nakatagong apelyido.

Hinawakan ko ang aking tiyan, na parang kayang hawakan ako ng aking sanggol mula sa loob.

Akala ni Marco ay inosente ako. Dependent. Madaling manipulahin.

At noon mismo, habang pababa ang elevator, alam ko na ang tinatawag niyang "tagumpay" ay magiging pinak**asamang bangungot sa legal at pinansyal na aspeto ng kanyang buhay.

Hindi ako bumalik sa apartment.

Sumakay ako ng taxi at nagbigay ng address na hindi kailanman inakala ni Marco na maririnig niya mula sa akin: isang tore sa Paseo de la Reforma, isa sa mga tinitingnan niya nang may inggit mula sa bangketa, iniisip kung sino ang nakatira doon.

Hindi humingi ng ID ang security guard. Binuksan lang niya ang pinto para sa akin, parang may nagbubukas nito para sa isang taong matagal nang nabibilang doon.

Naghihintay sa akin ang aking ina sa pribadong foyer. Si Victoria Salcedo. Ang babaeng kilala sa mundo ng negosyo bilang "La Doña" dahil sa respeto, takot, at sa kanyang reputasyon sa hindi pagpapatawad sa pagtataksil.

Hindi niya sinabing, "Anong nangyari?" Hindi siya nagtanong.

Tiningnan niya ang mukha ko at alam niya.

"Maligayang pagbabalik, Elena," sabi niya, ang kanyang yakap ay may amoy ng mamahaling pabango at kapangyarihan. "Panahon na para tumigil ka na sa paglalaro ng bahay-bahayan."

Ang mga sumunod na araw ay parang isang uri ng brutal na paggising.
Habang si Marco ay "wala pa"—tiyak na naglalaro sa pagiging isang masayang pamilya kasama si Sofía at ang kanilang sanggol—naupo ako sa isang malaking mesang kahoy kasama ang tatlong abogado, dalawang forensic accountant, at isang katahimikan na hindi kalungkutan: ito ay determinasyon.

"Ang ulat ay mas malala kaysa sa inaakala namin," sabi ng pangunahing abogado, habang inilalagay ang isang makapal na folder sa ibabaw ng mesa. "Hindi lang ito pagtataksil. May paglustay."

Binuksan ko ang folder gamit ang matatag na mga k**ay, kahit na sa loob ay nanginginig pa rin ang aking mundo.

Sistematikong paglilipat mula sa aming joint account patungo sa isang account sa pangalan ni Sofía Ramírez. Upa, mga appointment sa doktor, mga pagbili sa mga mamahaling tindahan, restawran, diaper… lahat ay binayaran gamit ang perang sinabi niya sa akin na "hindi sapat." Ang parehong pera ay palihim kong dinagdagan ng maliliit na iniksyon mula sa aking trust fund upang "walang magkulang," nang hindi gumagawa ng kaguluhan, nang hindi siya pinapahiya.

"Apatnapung libong dolyar sa isang taon," bulong ko. "At pinaramdam niya sa akin na nagkasala ako sa pagbili ng disenteng mga bitamina para sa sanggol."

Nakatitig ang nanay ko sa bintana, na parang may utang na loob ang lungsod sa kanya na humingi ng tawad.

“Pinirmahan niya ang prenuptial agreement,” sabi niya. “Isinuko niya ang lahat. At dahil sa panloloko… mas malayo pa ang mararating natin.”

Nakahinga ako nang maluwag at, sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, tumigil sa panginginig.

“Ayaw ko lang na mawalan siya ng trabaho,” sabi ko. “Gusto kong maunawaan niya kung sino talaga ang pinagtaksilan niya. Gusto kong tingnan niya ako… at mapagtanto na ginugol niya ang mga taon sa pagmamaliit sa maling tao.”

Metikuloso ang plano.

Hinarang ko ang kanyang mga card. Inilipat ko ang mga asset sa mga protektadong account. Humingi ako ng mga internal audit. At nag-utos ako ng iba pa: digital monitoring ng kanyang corporate access. Bawat email, bawat file, bawat minutong ginugugol sa mga website na hindi niya dapat na-access mula sa computer ng kumpanya.

Paisa-isa.

Pero ang pinak**ahalagang bagay ay ang matuklasan ang katotohanan tungkol kay Sofia.

Kinumpirma ng aking mga imbestigador ang pinaghihinalaan na ng aking mga instinct: hindi siya kontrabida. Isa siyang dalaga, isang administrative assistant, walang support network. May kwento si Marco para sa kanya: na isa siyang balo, na namatay ang asawa niya sa isang aksidente, na "gusto lang niya ng panibagong simula."

Hindi ninakaw ni Sofia ang asawa ko.

Niloko kaming dalawa ni Marco.

"Hindi ko siya sisirain," sabi ko, na ikinagulat ng lahat. "Ang digmaan ko ay kay Marco."

Dumating ang Lunes.

Ang boardroom ng Salcedo Group, sa Santa Fe, ay isang espasyong gawa sa salamin at bakal kung saan ang mga tao ay nag-uusap nang mahina kahit na tama sila. Naroon si Marco, kinakabahan, inaayos ang kanyang murang kurbata, na naniniwalang ipinatawag siya para sa kanyang malaking promosyon.

*Basahin ang buong kwento sa link sa mga komento.* 👇👇

TINANGGAP KO ANG OFFER NIYANG 100K A MONTH PARA MAGING GIRLFRIEND NIYA, NGAYON NAMATAY SIYA AT MAY INIWANG BATA SA SINAP...
17/02/2026

TINANGGAP KO ANG OFFER NIYANG 100K A MONTH PARA MAGING GIRLFRIEND NIYA, NGAYON NAMATAY SIYA AT MAY INIWANG BATA SA SINAPUPUNAN KO......

Hindi ko alam kung hahatulan niyo ako o uunawain sa kwento ko… but please respect my story.

Please hide my identity.
Tawagin niyo na lang akong V, 31 years old.

Kung makikita niyo ako sa labas, iisipin niyo siguro na madali ang buhay ko. Maayos manamit, laging nakaayos ang buhok, confident maglakad. Sabi nga ng iba, mukha raw akong nag-audition sa commercial ng bangko.

Pero sa likod ng salamin ng counter, isa lang akong anak na gustong maiahon ang pamilya.

Apat na taon akong bank teller sa isang kilalang bangko noon. Hindi ko na babanggitin kung anong bank ito. Okay naman ang work ko, napagkakasya ko naman yung sahod ko.

Hanggang nung nag 3yrs na ako sa work. May nakilala ako. Tawagin natin siyang Mr. Car.
58 years old. Mukhang mayaman at disente manamit.
Yung lalaking hindi na kailangang magpakilala dahil alam mong may narating na sa buhay.
Regular client siya. Laging may dalang passbook.
At laging malalaki ang deposit. Minsan milyon pa kada hulog. Nasilip ko minsan ang balance niya umaabot ng halos 100M.

May mga negosyo ata siya. May car show pa. Yung iba kong ka-work kilala siya e.. May pamilya at may apat na anak.

At laging… sa lane ko napupunta.

Sa una, masaya pa ako.

“Good afternoon, sir.”

“Deposit po?”

“Please sign here.”

One year yun na halos timing talaga na sa lane ko siya napupunta. Hindi ko nga alam kung tadhana yun.
One time, habang inaabot ko ang passbook niya, napatingin siya sa name plate ko.

“Ano full name mo Miss?” tanong niya.

Nag-alangan pa akong sabihin sa kanya. Pero senior client siya. Wala namang masama. Sinabi ko yung full name ko.

Kinagabihan nun, may nag-add sa akin sa Facebook. Dummy account. May profile naman pero sasakyan lang at ramdam ko kung sino yung nag-add sakin.

Inaccept ko agad yung friend request niya.
Pagka-accept ko palang may message na agad akong nareceive.

“Hi Gorg!”

Hindi ako sumagot.
Sumunod na message niya.

“Mr. Car pala, yung kumuha ng full name mo sa bank.”

Hindi ko siya masyadong pinapansin dahil alam kong may family na siya. Baka maging issue pa sa work namin. Pero nirereplyan ko naman siya pag may tinatanong siyang importante. Hanggang sa na-feel ko na magaan naman siyang kausap.

1month kaming nag-uusap before.
Hanggang sa may nabanggit siya sakin.

“I can give you 100,000 a month. Kung gusto mong maging girlfriend ko. Alam kong matalino ka alam mo na ang ibig kong sabihin.”

Hindi ko alam ang irereply ko sa kanya nung sabihin niya yun sakin. Alam kong may pamilya si Mr. Car at ayokong maging kabit. Hindi ako yung babaeng nabibili lang ng 100k.

Ang ginawa ko blinock ko siya.
Akala ko nga end na yun ng story namin.

Pero may mga pagkakataon talagang susubukin ka ng buhay sa oras na mahina ka.
Ilang linggo ang lumipas. Paulit-ulit parin siyang natatapat sa counter ko pag nagdedeposit. Tahimik lang naman siya na tumititig sakin. Walang banggit tungkol sa message, parang walang nangyari.

At sa parehong panahong iyon,
Na-diagnose ang mama ko ng cyst at kailangan siyang operahan. Agad-agad. Kailangan namin ng 80k nun dahil private hospital si Mama. Kulang ang ipon ko nun at College Student palang ang mga kapatid ko..
Ayaw ko namang mag-loan.

Hindi ako makahingi sa iba. Wala rin kaming k**ag-anak na kayang sumalo ng bill.
Sumagi sa isip ko yung offer ni Mr. Car.

In-unblock ko siya. Hindi dahil gusto kong maging girlfriend niya.
Kundi dahil wala na akong ibang matakbuhan. Kailangan ko ng pera.

Chinat ko siya.
"Kailan pwede mag-start?"

Wala pang 5mins, nagreply siya agad.
"Now."

Nagkita kami sa isang condo sa Makati. Maganda at malawak yung condo niya, ano pa ba ang aasahan mayaman siya. Malayo sa bangko na pinagwoworkan ko yung condo niya. Malayo sa mga ibang kakilala ko.

Binigay niya ang unang bayad 50,000.
Ginamit ko iyon para sa ospital bill ni Mama.
Doon na nagsimula ang secret relationship namin. Walang public appearances. Walang social media. Hindi naman talaga pwede dahil isa lang akong kabit na babae.

Pero habang tumatagal ang relationship namin, mas napapamahal na ako sa kanya.
Hindi siya bastos at hindi siya mar4h4s. Nakikinig siya kapag pagod ako. Nagtatanong kung kumain na ba ako. May mga gabing nagkukuwento siya tungkol sa mga anak niya, kung paano siya naging mahigpit na ama. Sinabi niya rin sakin na hindi sila nakakaintindihan ng asawa niya 3yrs ago pa.

Minsan, napatanong pa ako sakanya,
“Mahal niyo pa ba ang asawa niyo?”

Hindi siya sumagot agad.
“May mga relasyon na hindi na masaya, pero hindi mo na kayang bitawan.”

Naisip ko, siguro ako yung babaeng pahinga niya.
Umabot ang relationship namin ng dalawang taon.
Nakaipon ako dahil sa kanya. Naipagamot ko si Mama. Nakabili ako ng kotse ko. Nakapag-invest ako ng lupa.

Pero sa gitna ng lahat ng iyon, hindi ko namalayang nahulog na ako sa kanya.
Alam kong mali. Alam kong may pamilya siyang uuwian. Pero sa bawat yakap niya, pakiramdam ko ako ang pinipili niya kahit sandali lang.

Nagdesisyon akong mag-resign sa bangko. Ayokong may makapansin sa maling ginagawa ko.
Akala ko tuloy-tuloy na ang buhay na pinili ko.
Limang buwan matapos akong mag-resign, nagkasakit si Mr. Car..

Sinubukan kong puntahan ang ospital kung nasaan siya. Pero hindi ako makapasok dahil bantay sarado ang family niya. Nandoon ang asawa. Nandoon ang mga anak.

Hindi ako makaiyak nang malakas, dahil isa lang naman akong kabit.
Doon ko naramdaman kung gaano ako kaliit sa mundo niya.
Ilang linggo siya sa ospital pero hindi na niya nakayanan. Tinanong ko sa isang Nurse kung kamusta yung patient kung nasaan si Mr. Car, ang sabi nila wala na daw siya.

Wala akong karapatang umiyak dahil alam kong hindi naman ako ang legal na asawa. Pero kahit kabit lang ako, minahal ko siya.
Kaya pala nung huling pagkikita namin. Parang nagpapaalam na siya sakin.
Binigyan niya pa ako ng 3M cash.

Yes tatlong milyong piso.
Nanginginig pa ako na kunin yun dahil malaking halaga yun. Sa isip ko, kung dito mababago ang buhay ko tatanggapin ko.

Ilang oras akong umiyak sa loob ng kotse ko hindi dahil sa pera… kundi dahil sa taong hindi ko man lang nahawakan sa huling sandali.

Akala ko pera na ang huli niyang iiwan sakin.
Hindi pala.
Nalaman ko din na buntis ako ngayon.

Pero hindi ko ginulo ang pamilya niya.
Tahimik kong bubuhayin ang batang ito.
Hindi ako perfect na babae. Hindi rin ako inosente.
Sa huli, ang iniwan niya sa akin ay hindi lang milyon.
Kundi isang pusong tumitibok sa loob ko.

At habang kaya ko pang mag-isa,
hindi ko kailanman ipagpapalit ang batang ito kahit kanino.

Hindi ko ito ginusto pero hindi ko rin ito pinagsisisihan.

DAHIL SA HIRAP NG AMING BUHAY, IBINENTA AKO NG AKING SARILING INA SA ISANG MAYAMAN NA NEGOSYANTE — HINDI INAKALA NG AKIN...
16/02/2026

DAHIL SA HIRAP NG AMING BUHAY, IBINENTA AKO NG AKING SARILING INA SA ISANG MAYAMAN NA NEGOSYANTE — HINDI INAKALA NG AKING MGA MAGULANG ANG PLANO NIYA SA AKIN

Lumaki akong sanay sa hirap. Ang bahay namin ay yari sa pinagtagpi-tagping yero at kahoy, at tuwing umuulan, kailangang maglagay kami ng mga timba para saluhin ang tubig na tumutulo mula sa bubong. Si Mama ay naglalako ng kakanin sa palengke, habang si Papa naman ay karpinterong bihira nang may proyekto. Ako si Lara, labing-anim na taong gulang, at madalas kong tanungin ang sarili ko kung kailan matatapos ang ganitong buhay.

Isang gabi, narinig ko sina Mama at Papa na nag-uusap sa labas ng bahay.
“Hindi na ako makakahanap ng bagong trabaho,” sabi ni Papa habang pinipisil ang kanyang sentido. “Hindi na rin tayo makabayad sa utang kay Mang Roldan. Baka pa tayo mapalayas.”
Tahimik si Mama. Pero may bigat sa kanyang tinig nang sabihin niya, “May inalok sa akin si Mang Roldan… may kakilala raw siyang negosyanteng gustong mag-alaga ng dalaga. Magbabayad daw siya nang malaki.”

Nang marinig ko iyon, nanlambot ang tuhod ko. Hindi ko agad naintindihan. “Mag-aalaga?” tanong ko sa sarili ko. “O ibebenta ako?”

Kinabukasan, dinala ako ni Mama sa bayan. Nakasuot ako ng lumang bestida, at ang buhok ko’y tinirintas niya nang maayos, parang pupunta ako sa trabaho. Sa isang malaking bahay kami huminto—puting gate, mamahaling sasakyan, at mga hardin na amoy bulaklak. Doon ko unang nakita si Don Victor, isang lalaking nasa limampu’t singko, nakabarong, may malamlam na tingin ngunit hindi bastos.

Ngumiti siya kay Mama. “Ito ba ang anak mo?”
Tumango si Mama, halatang kinakabahan. “Maganda siya, di po ba? Mabait din. Sana po… alagaan niyo.”
May iniabot si Don Victor—isang sobre. At bago ko pa maintindihan, hinawakan na niya ang braso ko.
“Simula ngayon, ako na ang bahala sa kanya,” malamig niyang sabi.

Gusto kong sumigaw. Pero nang makita ko ang luha sa mata ni Mama, natahimik ako. Hindi ko alam kung dahil ba sa hiya, o dahil sa sakit ng katotohanan—na ibinenta ako ng sarili kong ina.

---

Sa loob ng mansyon, parang ibang mundo. May malambot na k**a, kumpletong pagkain, at mga kasambahay na nakatingin sa akin na parang kakaiba. Ngunit kahit maganda ang paligid, gabi-gabi akong umiiyak. Akala ko, gagamitin ako ni Don Victor bilang alipin—o mas masahol pa. Ngunit hindi niya ako kailanman hinawakan o inalipusta. Sa halip, tinuruan niya akong magbasa, magsulat nang tama, at gumamit ng computer. Pinapasok niya pa ako sa paaralan sa lungsod.

“Bakit niyo po ginagawa ito?” minsan kong tanong.
Tahimik muna siya bago sumagot,....

Address

Manila
1126

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when ZG NICE TV posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to ZG NICE TV:

Share