22/09/2025
Pwede maging Filipino renaissance painting
Kita ko na may mga taong negative ang pagtingin sa nangyari na 'to, at karapatan naman nila ilahad ang kanilang opinyon tungkol dito, pero sana maalala niyo na noong nakaraang linggo lang ay tuwang-tuwa kayo sa nangyari sa Nepal at may mga comment pa kayo na sana mangyari din sa Pilipinas.
Nakikita ko kasi na may mga Pilipino na gusto lang yung ideya ng pagbabago, kaya tuwang-tuwa sila at nainggit sa kilos ng masa sa ibang bansa, pero once na may nangyayari dito ay malalim ang paghuhusga na para bang kasing sama sa ginawa ng mga nagnakaw sa kaban ng bayan.
Unfortunately this happened, pero it was inevitable.
Overall peaceful ang rally, nagkataon lang na nagkaharangan ang pulis at nag po-protesta sa Ayala bridge kaya kalokohan na husgahan ang buong protesta sa isang insidente na kwestyonable pa kung dapat ba husgahan ng masama. Hindi naman natin alam kung kaninong grupo yan o sadyang gusto lang emulate yung nangyari sa Nepal.
Kung mas may oras at mas masama na agad tingin niyo sa nangyari na 'to pero tahimik kayo sa isyu ng pagnanakaw sa kaban ng bayan ng DPWH, contractors, at ng mga ibang mambabatas, baka masyadong mababaw ang konsepto niyo ng masama sa mabuti.
Tandaan niyo na sa sistema natin hindi magdadalawang isip na ikulong ka sa isang simpleng pagkakamali, pero kung parte ka ng mga Celestial Dragons idadaan ka sa due process at baka gawin ka pang state witness.