
02/09/2025
Makikita sa Pilipinas ang total lunar eclipse o tinatawag ding “Blood Moon” sa gabi ng September 7 hanggang madaling-araw ng September 8, ayon sa PAGASA. 🌕🔴
Nangyayari ang lunar eclipse kapag dumadaan ang mundo sa pagitan ng araw at buwan, kaya’t natatakpan ng anino ng mundo ang buwan. Nagiging p**a ito dahil sa atmosphere ng Earth na nagsasala ng liwanag at nagpapalabas ng red glow.
📌 Timeline (Philippine time):
▪️ Start ng eclipse – 11:27 PM (Sept 7)
▪️ Partial eclipse – 12:27 AM (Sept 8)
▪️ Blood Moon (total eclipse) – 1:30 AM to 2:53 AM (Sept 8)
▪️ End ng eclipse – 4:57 AM (Sept 8)
Karaniwang nangyayari ang ganitong phenomenon ilang beses kada taon, pero bihira itong makita nang buo at kitang-kita sa Pilipinas.