
01/01/2017
PEKENG Neck Brace, Pekeng Kaso, at Pekeng dating Pangulo
Matapos lamang maibaba ng Korte Suprema ang hatol sa kasong plunder ni Gloria Macapagal Arroyo ay parang milagrosong nawalan ng sakit ito at nakatanggap pa ng maraming bisita nang walang suot na neck brace. Bakit nga hindi eh kasing peke ng sakit at neck brace ni Gloria ang kasong isinampa sa kanya, tugma sa pagiging pekeng (dating) Pangulo niya.
Hindi simpleng kasong pinagpasyahan ng Korte Suprema ang nangyari. Hindri rin simpleng ang administrasyon ni A_Noy Aquino, o ng kay Duterte ang nasa likod ng pasya, na kataka-taka ang timing dahil ibinaba ito wala pang tatlong (3) linggo mula nang maupo ang bagong Pangulo. Ang kinahinatnan ng kaso ay bunga ng isang politikal na ZARSUELA sa pagitan ng mga apat (4) na pangulo.
Ang susi sa kaso ay ang mga ugnayang Arroyo-Ramos-Duterte, at ang patagong kuntsabahang Arroyo-Aquino noong Halalang 2010.
Matatandaan na isiniwalat ni Joma Sison, nagtatag ng CPP-NDF, na nagkakuntsabahan ang Central Intelligence Agency at mga kampo nila Arroyo at A_Noy Cojuangco-Aquino ilang linggo bago ang Halalan 2010: si A_Noy ang papaupuin gamit ang Hocus-Pcos.
Ang kriminal na panghalalang kuntsabahang ito ang maituturong isang paliwanag kung bakit nabasura ang kaso ni Gloria. Ayon sa mga militante ay "palpak" ang pagkakagawa ng kaso... dahil daw mahina ang ulo o inept si Aquino. Subalit, ang mas tamang basa ay SINADYA na gawing mahina ang kaso para maibasura ito ng Hukom. Ito ay ginawa sa paraang pasimple, binalutan ng pagkukunwari upang papaniwalain ang madla na kaaway nito si Arroyo ngunit ang totoo ay nagbabayad-utang lamang ito kay Arroyo na katuwang na nagluklok sa kanya sa Malacanang nang dinaya si Pangulong Joseph Ejercito Estrada.
Malaki rin ang mga papel sa nabasurang kaso ni dating "Pangulo" Fidel 'Tabako' Ramos at Pangulong Rody Duterte. Una, malalim ang ugnayang Duterte-Arroyo. Isa sa mga naging tagapayo ni Arroyo itong si Duterte nang nasa Malacanang pa ito. Nang panahon ng kampanya para sa Halalan 2016 ay nagpahayag si Digong na papalayain niya si Arroyo. Matapos manalo si Duterte, mga ilang araw bago ang pagbaba ng pasya ng Hukom ay nag-alok din ang bagong administrasyon ng pardon kay Arroyo kung aamin lamang ito sa kanyang kasalanan (ngunit tinanggihan ito ni Arroyo). Pangalawa, kaparehong kaibigan nila Duterte at Arroyo si dating "Pangulo" Fidel "Tabako" Ramos. Itong si Tabako ang siyang nasa likod ni Gloria nang inagawan nito ng kapangyarihan si Pangulong Joseph Ejercito Estrada noong 2001 EDSA 2 coup at siya ring nagbigay suporta dito nang sinubukan ng kampo nila Trillanes na pabagsakin si Gloria. Si Ramos rin ang sinasabi ni Digong na 'pinagkakautangan' nito ng loob sa pagkapanalo niya bilang pangulo. Kumbaga, masasabing tinupad lamang ni Duterte ang kanyang pangako, na maaring bunsod naman ng impluwensiya ni Ramos kasabay ng pagiging magkaibigan din nila Duterte at Arroyo.
Maaring pagsamahin ang mga ugnayan ng apat na personalidad na ito para makabuo ng speculative narrative na magpapaliwanag sa nakakadismayang pagbasura sa kaso ni Gloria. Ano ang buod na magagaing narrative na ito? Simple lamang--isang Zarzuela, isang PALABAS ng Dilaw ang pagsasampa ng kaso, ang pagpapakulong kay Gloria sa loob ng 6 na taon, at pagbasura sa kaso at magiging pagpapalaya dito.
Tugma ang teoryang ito sa timing ng pasya ng Hukom: hindi maaring palayain si Gloria sa panahon ni Aquino dahil kailangang iwasan ang anggulong Arroyo-CIA-Aquino a.k.a. Hocus Pcos 2010 na binulgar ni Sison. Tugma rin ang pagbasura at timing nito sa pangako ni Duterte at mabigat na ugnayan ng apat na dati at kasalukuyang nakaupo sa Malacanang.
Dagdag pa, tugma ang teoryang ito sa pagkakaroon ng iisang politikal na kulay nila Ramos, Arroyo, at Aquino, Kung hindi man matatawag na mga Dilaw, ang tatlong nagdaang mga "pangulo" na ito ay mga ANTI-ESTRADA, batay sa pagsasama-sama ng kanila mga pwersa, kabilang ang iba pa, noong EDSA 2 coup upang patalsikin si Estrada. Bale, tugma ang teoryang ito sa katotohanang magkakaalyado ang apat: pinagtulungan mapatalsik ng tatlong nauna si Erap noong 2001 at nagkuntsabahan sina Arroyo at Aquino na dayain si Erap noong 2010 samantalang ang papel naman ni Duterte ngayon ay ang pagpapalaya sa kanyang kaibigan at kaalyado ng kanyang sinusunod/pinagkakautangan ng loob.
Sa madaling salita, batay sa madilaw, este, malalim at mahabang ugnayan ng apat na dati at kasalukuyang tenang ng Malacanang, nagpalabas ang mga ito ng Zarzuelang kaso sa madlang Pilipino/a
*Basa: hindi siya nadamay sa pandaraya ng LP sa Halalan 2016, si Bongbong Marcos lang
___________
Mga PInagkunan ng Larawaan:
https://web.facebook.com/photo.php?fbid=10206799332117934&set=rpd.1114636803&type=3&theater
http://www.gmanetwork.com/news/story/574280/news/nation/gloria-arroyo-after-learning-her-plunder-case-s-dismissal?utm_source=GMANews&utm_medium=Facebook&utm_campaign=GMANewsFacebook