
25/06/2025
Gusto mong maiahon ang pamilya mo sa hirap?
Gusto mong makuha ‘yung mga pangarap mo?
Pero bakit hanggang ngayon… dahilan pa rin ang inuuna mo?
“Wala pa akong time.”
“Next time na lang.”
“Hindi pa ako ready.”
Real talk: Hindi time ang kulang sayo— kundi commitment. 😮💨
Kasi kapag gusto mo talaga, gagawa ka ng paraan.
Pero kung puro excuse ang bitbit mo araw-araw…
baka hindi mo talaga gusto.
Baka pangarap mo lang ’yan pag gabi — pero pag gising, balik scroll at reklamo ulit. 📱
Ang masakit?
Araw-araw kang nagdadahilan, pero ang panahon lumilipas.
Ang anak mo, lumalaki.
Ang magulang mo, tumatanda.
At ang mga pangarap mo? Unti-unting nilalamon ng katamaran at takot mo. 😔
Wag kang magpanggap na may pangarap ka sa pamilya mo, kung sa unang pagsubok pa lang, sumuko ka na.
Wag mong sabihing gusto mo ng pagbabago, kung sarili mong mindset kalaban mo.
Kung totoo kang may pangarap, hanap ka ng paraan.
Kung ayaw mo talaga… okay lang. Pero wag kang magpanggap na meron ka talagang pangarap. 💯
Kase ang pangarap, Ginagalawan yan! Hindi tinakatakasan.
Effort, hindi excuses.
Action, hindi alibi.
Ikaw ang pipili kung pangarap mo ba, o katamaran mo ang mananalo.