11/09/2026
Hindi porket sanay na ang mga tao sa lubak, ibig sabihin normal na siya.
Yung ganitong road condition, lalo na kapag umuulan, hindi na simpleng inconvenience. Safety hazard na siya. Hindi mo makita kung gaano kalalim ang lubak dahil natatakpan ng tubig. Sa isang maling timing, isang maling liko ng manibela, or isang unexpected na pothole habang tumatakbo pwedeng mawalan ng control ang rider.
At alam naman natin kung sino ang pinaka-vulnerable dito: mga naka-motor.
Kapag kotse, possible suspension damage, tire damage, alignment issues. Pero kapag motor? Ikaw mismo ang katawan ang unang sasalo kapag nawalan ka ng balance.
Kaya medyo nakakainis kapag ang solution sa ganitong problema ay parang “takpan lang natin yung lubak.” Tapos after ilang weeks or ilang malakas na ulan, balik na naman.
Hindi dapat normal ang paulit-ulit na repair na paulit-ulit ding nasisira.
If public funds are being used for road maintenance, then as taxpayers and road users, valid lang naman siguro na magtanong tayo:
Ano ang root cause?
Maayos ba ang drainage?
Tama ba ang materials?
Properly prepared ba yung road base?
Quality repair ba talaga, or temporary patch lang?
Kasi kung paulit-ulit ang problema, obviously something isn’t working.
And I’m not saying na lahat ng lubak dito ay kasalanan agad ng Valenzuela City. May iba’t ibang roads na iba-iba ang jurisdiction—may city roads, barangay roads, national roads, etc. Pero kung nasa loob ng isang community at araw-araw ginagamit ng residents, dapat may accountability somewhere.
Hindi naman unreasonable humingi ng safe, passable, at properly maintained na kalsada.
Ang rider, may responsibility na mag-ingat. Totoo yan. Pero hindi rin pwedeng lahat ng responsibility nasa road user. Kahit gaano ka kaingat, kung yung road mismo ay puno ng hidden hazards, limitado rin ang kaya mong gawin.
Road safety is a two-way responsibility: responsible drivers and riders, plus responsible road maintenance.
Hindi ito simpleng rant. Criticism ito.
Kasi kapag may rider na sumemplang dahil sa lubak, baka sabihin na naman “mabilis kasi.”
Kapag nasira ang motor, “kasalanan ng rider.”
Kapag may accident, “dapat nag-ingat.”
Pero kailan natin tatanungin kung bakit may ganung hazard sa kalsada in the first place?
Sana hindi natin hintayin na may malubhang maaksidente bago maging priority ang repair.
A pothole is not just a hole in the road. For a motorcycle rider, it can literally become a life-changing accident.
Valenzuela deserves better roads.
Hindi naman tayo humihingi ng kalsadang pang-F1. Gusto lang natin yung kalsadang hindi kailangan hulaan kung saan ka ligtas dumaan. 😅
One wrong move, tapos ang kwento. 🥲🏍️
“Kung kaya nating maningil ng taxes on time, sana kaya rin nating maningil ng accountability on time.”
Hindi dapat kailangan munang may mamatay, ma-disable, o mawalan ng malaking pera dahil sa aksidente bago seryosohin ang road conditions. Preventive maintenance is always better than waiting for a tragedy.