Church of Almighty God

Church of Almighty God 🌺🍂☘️🌻Bilang Mananampalataya, paano natin mahaharap ang mga pagsubok mula sa Diyos nang kalmado at walang takot.?

30/09/2024
30/09/2024

🌱⋰ ⋱🌸⋰*⋱🍀⋰ ⋱🌸⋰ 🍀⋰ ⋱🌸⋰ ⋱🍀⋰*⋱🌸⋰ ⋱🌱 GOOD MORNING
I wanna Share you of God's words 😇
Sinabi ng Makapangyarihang Diyos, 🌾🌾 " *Dapat mong malaman na ito ay mga huling araw. Ang diyablong si Satanas, gaya ng isang leong umaatungal, ay naglalakad sa palibot, naghahanap ng mga taong masisila. Ang lahat ng uri ng mga salot ay lumilitaw ngayon, at maraming iba’t ibang uri ng masasamang espiritu. Tanging Ako ang tunay na Diyos; tanging Ako ang iyong kanlungan. Ngayon, wala kang magagawa kundi magtago sa Aking lihim na dako, tanging sa loob Ko, at ang mga sakuna ay hindi darating sa iyo at walang kalamidad ang makalalapit sa iyong tolda.* "

🌼.🌿.🌼 *"Kung hindi ka naghahanap ng mga pagkakataong maperpekto ng Diyos, at kung hindi ka nagpupunyaging makaungos sa grupo sa paghahangad mong maperpekto, sa bandang huli ay mapupuspos ka ng pagsisisi. Ngayon ang pinakamainam na pagkakataong maperpekto; ngayon ay napakagandang panahon. Kung hindi mo marubdob na hinahangad na maperpekto ng Diyos, kapag nagwakas na ang Kanyang gawain, magiging huli na ang lahat—nalagpasan ka na ng pagkakataon. Gaano man kadakila ang iyong mga hangarin, kung hindi na gumaganap ng gawain ang Diyos, anuman ang gawin mo, hindi ka na kailanman mapeperpekto. Kailangan mong samantalahin ang pagkakataong ito at makipagtulungan habang ginagawa ng Banal na Espiritu ang Kanyang dakilang gawain. Kung makalagpas sa iyo ang pagkakataong ito, hindi ka na mabibigyan ng isa pa, anuman ang gawin mo."*

Almighty God says,

🌳🌳 *"Ngayon mismo, bawat araw na pinagdaraanan ninyo ay lubhang mahalaga, at pinakamahalaga sa inyong kahahantungan at kapalaran, kaya’t dapat ninyong itangi ang lahat ng mayroon kayo ngayon, at pahalagahan ang bawat minutong lumilipas. Kailangan ninyong bigyan ng oras ang inyong sarili na matuto nang husto upang hindi mawalan ng saysay ang buhay ninyo."*
Hinango mula sa “Kanino Ka Matapat?” sa Ang Salita ay Nagpapakita sa Katawang-tao

29/09/2024

Says the Almighty God,
God saves those who can live, who can see the salvation of God, who can be faithful to God and are willing to seek God. He saves those who believe in God's incarnation and His manifestation. Some people can survive, and some cannot; it depends on whether or not their nature can survive.
Excerpt from “Are You Someone Who Ever Survived?” ” in the Word Reveals the Flesh

29/09/2024

Ipinahahayag ng Makapangyarihang Diyos ang mga katotohanan para sa Kanyang gawain ng paghatol sa mga huling araw upang lubusang malinis at maligtas ang sangkatauhan. Ito ang nag-iisa at natatanging pagkakataon ng sangkatauhan na maligtas at makapa*ok sa kaharian ng Diyos, at minsan lamang ito darating sa buhay. Nagsimula nang dumating ang malalaking sakuna. Ang mga gumigising at nagsisiyasat sa gawain ng Makapangyarihang Diyos nang hindi nagpapaliban ay makakaabot sa oras, dahil sinasabi ng Makapangyarihang Diyos, “Kapag kinakastigo Ko ang maraming tao, yaong mga nasa relihiyosong mundo, sa iba’t ibang lawak, ay babalik sa Aking kaharian, na nalupig ng Aking mga gawa, dahil nakita na nila ang pagdating ng Banal na nakasakay sa isang puting ulap” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Mga Salita ng Diyos sa Buong Sansinukob, Kabanata 26). Makikita natin na ang ilang tao ay maririnig ang tinig ng Diyos at makikita ang Kanyang mga gawa, lalapit sa harapan ng Diyos, at makakamit ang Kanyang pagliligtas sa gitna ng mga sakuna. Ito ang pagiging narapture mula sa mga sakuna at ito ang kanilang pinakahuling pagkakataon, gayundin ang dakilang awa ng Diyos para sa sangkatauhan. Alam ng matatalino kung ano ang pipiliin. Ang mga may pananabik na naghihintay na pumarito ang Panginoon na sakay ng isang ulap ay hahantong sa isang maliwanag na katapusan. Tignan natin ang huling sipi ng mga salita ng Makapangyarihang Diyos ngayon. “Maraming taong walang pakialam sa sinasabi Ko, ngunit nais Ko pa ring sabihin sa bawat tinatawag na banal na sumusunod kay Jesus na, kapag nakita ng sarili ninyong mga mata si Jesus na bumababa mula sa langit sakay ng puting ulap, ito ang magiging pagpapakita sa publiko ng Araw ng katuwiran. Marahil ay magiging panahon iyon ng matinding katuwaan sa iyo, subalit dapat mong malaman na ang sandali na nasasaksihan mong bumababa si Jesus mula sa langit ay ang sandali rin ng pagbaba mo sa impiyerno para maparusahan. Iyon ang magiging panahon ng pagwawakas ng plano ng pamamahala ng Diyos at ito ay kung kailan ginagantimpalaan ng Diyos ang mabubuti at pinarurusahan ang masasama. Sapagkat magwawakas na ang paghatol ng Diyos bago pa makakita ng mga tanda ang tao, kung kailan mayroon lamang pagpapahayag ng katotohanan. Yaong mga tumatanggap sa katotohanan at hindi naghahanap ng mga tanda, at sa gayon ay napadalisay na, ay nakabalik na sa harap ng luklukan ng Diyos at nakapa*ok na sa yakap ng Lumikha. Yaon lamang mga nagpupumilit sa paniniwala na ‘Ang Jesus na hindi nakasakay sa puting ulap ay isang huwad na Cristo’ ang sasailalim sa walang-hanggang kaparusahan, sapagkat naniniwala lamang sila sa Jesus na nagpapakita ng mga tanda, ngunit hindi kinikilala ang Jesus na nagpapahayag ng matinding paghatol at nagpapalabas ng tunay na daan at buhay. Kaya nga maaari lamang silang harapin ni Jesus kapag hayagan Siyang nagbabalik sakay ng puting ulap. Masyado silang sutil, masyadong tiwala sa kanilang sarili, masyadong mapagmataas. Paano gagantimpalaan ni Jesus ang gayong kababang-uri? Ang pagbabalik ni Jesus ay isang dakilang kaligtasan para sa mga may kakayahang tanggapin ang katotohanan, ngunit para sa mga hindi nagagawang tanggapin ang katotohanan ito ay isang tanda ng pagsumpa. Dapat ninyong piliin ang sarili ninyong landas, at hindi ninyo dapat lapastanganin ang Banal na Espiritu at tanggihan ang katotohanan. Hindi kayo dapat maging mangmang at mapagmataas, kundi isang taong sumusunod sa patnubay ng Banal na Espiritu at nananabik at naghahanap sa katotohanan; sa ganitong paraan lamang kayo makikinabang” (Ang Salita, Vol. I. Ang Pagpapakita at Gawain ng Diyos. Kapag Namasdan Mo Na ang Espirituwal na Katawan ni Jesus, Napanibago na ng Diyos ang Langit at Lupa).

📙📕📖Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa DiyosAng karaniwang problema na umiiral sa lahat ng ta...
29/09/2024

📙📕📖Dapat Kang Mamuhay Para sa Katotohanan Yamang Naniniwala Ka sa Diyos

Ang karaniwang problema na umiiral sa lahat ng tao ay yaong nauunawaan nila ang katotohanan ngunit hindi ito naisasagawa. Sa isang banda, dahil ito sa hindi sila handang magbayad ng halaga para rito, at sa kabilang banda, masyadong salat ang kanilang pagkahiwatig; hindi nila kayang makita ang marami sa mga paghihirap sa pang-araw-araw na pamumuhay sa kung ano ang mga ito, gayundin ay hindi nila alam kung paano magsagawa nang wasto. Sa dahilang ang mga karanasan ng mga tao ay masyadong mababaw, ang kanilang kakayahan ay masyadong mahina, at ang antas ng kanilang pag-unawa sa katotohanan ay limitado, wala silang kakayanang lutasin ang mga paghihirap na kanilang nararanasan sa araw-araw na buhay. Nananampalataya sila sa Diyos sa salita lamang, at hindi nila kayang dalhin ang Diyos sa kanilang pang-araw-araw na buhay. Ibig sabihin, ang Diyos ay Diyos, ang buhay ay buhay, at para bang ang mga tao ay walang relasyon sa Diyos sa kanilang buhay. Iyan ang iniisip ng lahat ng tao. Dahil sa gayong paniniwala sa Diyos, ang mga tao, sa realidad, ay hindi Niya makakamit at mapeperpekto. Sa katunayan, hindi sa hindi ganap ang pagpapabatid ng salita ng Diyos, bagkus ay sadyang hindi lang sapat ang kakayahan ng mga tao na tanggapin ang Kanyang salita. Masasabi na halos walang isa mang tao na kumikilos ayon sa mga orihinal na layunin ng Diyos; sa halip, ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay alinsunod sa kanilang sariling mga intensyon, sa kanilang mga relihiyosong kuru-kuro noong nakalipas, at sa kanilang sariling pamamaraan ng pagsasagawa ng mga bagay-bagay. Kakaunti ang mga sumasailalim sa pagbabago kasunod ng pagtanggap ng salita ng Diyos at nagsisimulang kumilos alinsunod sa Kanyang kalooban. Sa halip, nagpapatuloy sila sa kanilang mga maling paniniwala. Kapag ang mga tao ay nagsimulang maniwala sa Diyos, ginagawa nila ito batay sa mga nakaugaliang patakaran ng relihiyon, at namumuhay at nakikihalubilo sila sa iba batay lamang sa kanilang sariling pilosopiya sa pamumuhay. Masasabing iyan ang kalagayan ng siyam sa bawat sampung tao. Napakakaunti ang bumubuo ng isa pang plano at nagbabagong-buhay pagkatapos umpisahang maniwala sa Diyos. Nabigo ang sangkatauhan na ituring ang salita ng Diyos bilang katotohanan, o, kung tinatanggap ito bilang katotohanan, na isagawa ito.
Tingnan bilang halimbawa ang pananampalataya kay Jesus. Baguhan man sa pananampalataya ang isang tao o matagal na panahon nang may pananampalataya, ang lahat ay ginagamit lamang ang anumang mga talento na mayroon sila at nagpapamalas ng anumang mga kasanayang kanilang angkin. Idinagdag lamang ng mga tao ang tatlong salitang “pananampalataya sa Diyos” sa normal nilang buhay, ngunit walang ginawang pagbabago sa kanilang disposisyon, at ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay hindi lumago kahit na katiting. Ang pagpupursigi nila ay hindi mainit at hindi rin malamig. Hindi nila sinabi na bibitiw sila sa kanilang pananampalataya, pero hindi rin nila inihandog ang lahat sa Diyos. Kailanman ay hindi nila tunay na minahal ang Diyos o sinunod Siya. Ang kanilang pananampalataya sa Diyos ay pinaghalong tunay at huwad, ang naging pagdulog nila ay sa pamamagitan ng isang matang dilat at isang matang pikit, at hindi sila naging masigasig sa pagsasagawa ng kanilang pananampalataya. Nagpatuloy sila sa kalagayan ng pagiging nalilito, at sa huli ay namatay nang lango sa pagkalito. Ano ang punto ng lahat ng iyon? Ngayon, upang maniwala sa praktikal na Diyos, kailangan mong tumapak sa tamang landas. Kung naniniwala ka sa Diyos, hindi ka lamang dapat maghanap ng mga pagpapala, kundi mahalin ang Diyos at makilala ang Diyos. Sa pamamagitan ng Kanyang kaliwanagan at ng iyong sariling paghahanap, makakain at maiinom mo ang Kanyang salita, makabubuo ka ng isang tunay na pagkaunawa sa Diyos, at magkakaroon ka ng isang tunay na pag-ibig para sa Diyos na nanggagaling sa kaibuturan ng iyong puso. Sa madaling salita, kapag ang iyong pag-ibig para sa Diyos ay tunay na tunay, at walang sinumang makasisira o makahahadlang sa daan ng iyong pag-ibig para sa Kanya, ikaw kung gayon ay nasa tamang landas ng pananampalataya sa Diyos. Pinatutunayan nito na pag-aari ka ng Diyos, sapagkat ang puso mo ay naangkin na ng Diyos at sa gayon ay hindi ka na maaangkin ng iba pa. Sa pamamagitan ng iyong karanasan, ng iyong ibinayad na halaga, at ng gawain ng Diyos, nagagawang umusbong nang kusa ng pag-ibig mo para sa Diyos—at kapag nagkagayon, ikaw ay mapapalaya mula sa impluwensya ni Satanas at mabubuhay sa liwanag ng salita ng Diyos. Tanging kapag ikaw ay nakalaya na mula sa impluwensya ng kadiliman, saka lang masasabing nakamit mo na ang Diyos. Sa iyong paniniwala sa Diyos, dapat mong subukang abutin ang mithiing ito. Ito ang tungkulin ng bawat isa sa inyo. Wala sa inyong dapat masiyahan sa kasalukuyang kalagayan ng mga bagay-bagay. Hindi kayo maaaring magdalawang-isip sa gawain ng Diyos o ituring ito na basta-basta lang. Dapat ninyong isipin ang Diyos sa lahat ng larangan at sa lahat ng panahon, at gawin ang lahat ng bagay para sa Kanyang kapakanan. At tuwing nagsasalita kayo o kumikilos, dapat ninyong unahin ang mga interes ng sambahayan ng Diyos. Tanging sa ganitong paraan kayo magiging kaayon ng puso ng Diyos.
Ang pinakamalaking pagkakamali ng mga tao sa kanilang pananampalataya sa Diyos ay yaong sa salita lamang ang kanilang pananampalataya, at ang Diyos ay lubos na wala sa pang-araw-araw nilang buhay. Ang lahat nga ng tao ay naniniwala sa pag-iral ng Diyos, subalit ang Diyos ay hindi bahagi ng kanilang pang-araw-araw na mga buhay. Namumutawi sa bibig ng mga tao ang maraming panalangin sa Diyos, ngunit ang Diyos ay may maliit lamang na lugar sa kanilang puso, at dahil dito ay paulit-ulit silang sinusubok ng Diyos. Sa dahilang ang mga tao ay hindi dalisay kung kaya’t ang Diyos ay walang mapagpipilian kundi subukin sila, upang mapahiya sila at makilala ang kanilang mga sarili sa gitna ng mga pagsubok na ito. Kung hindi, ang sangkatauhan ay magiging mga inapo ng arkanghel, at lalo’t lalong magiging tiwali. Sa proseso ng kanilang pananampalataya sa Diyos, iwinawaksi ng bawat tao ang marami sa kanilang personal na motibo at mga layunin habang sila ay walang-humpay na nililinis ng Diyos. Kung hindi, walang magiging paraan ang Diyos upang magamit ang sinuman, at walang paraan na gawin sa tao ang gawaing dapat Niyang gawin. Nililinis muna ng Diyos ang mga tao, at sa prosesong ito, maaaring makilala ng mga tao ang kanilang sarili, at maaaring mabago sila ng Diyos. Pagkatapos lamang nito saka inilalakip ng Diyos ang Kanyang buhay sa kanila, at sa ganitong paraan lamang lubusang makababaling ang puso nila sa Diyos. At kaya sinasabi Ko, ang pananampalataya sa Diyos ay hindi kasingsimple ng sinasabi ng mga tao. Sa paningin ng Diyos, kung may kaalaman ka lamang ngunit wala ang salita Niya bilang buhay, at kung limitado ka lamang sa iyong sariling kaalaman ngunit hindi kayang maisagawa ang katotohanan o maisabuhay ang salita ng Diyos, kung gayon ito ay patunay pa rin na wala kang pusong may pag-ibig para sa Diyos, at ipinakikita nito na ang iyong puso ay hindi pag-aari ng Diyos. Makikilala ng isang tao ang Diyos sa pamamagitan ng pananalig sa Kanya: Ito ang panghuling mithiin at ang mithiin ng pagsisikap ng tao. Dapat kang magsikap na isabuhay ang mga salita ng Diyos upang ang mga ito ay magbunga sa iyong pagsasagawa. Kung mayroon ka lamang kaalaman tungkol sa doktrina, ang iyong pananampalataya sa Diyos ay mauuwi sa wala. Tanging kung iyo ring isinasagawa at isinasabuhay ang Kanyang salita saka lamang maituturing na ganap ang iyong pananampalataya at ayon sa kalooban ng Diyos. Sa landas na ito, maraming tao ang makapagsasalita ng maraming kaalaman, ngunit sa oras ng kanilang kamatayan, ang kanilang mga mata ay umaapaw sa mga luha, at kinapopootan nila ang kanilang mga sarili sa pagkakasayang sa isang buong buhay at pagkabuhay hanggang sa katandaan nang para sa wala. Nauunawaan lang nila ang mga doktrina ngunit hindi nila kayang isagawa ang katotohanan o magpatotoo sa Diyos; sa halip ay tumatakbo lang sila paroo’t parito, abala na tulad ng isang bubuyog, at kapag naghihingalo na sila saka lang nila nakikita sa wakas na kulang sila sa tunay na patotoo, na hindi nila tunay na kilala ang Diyos. Hindi ba’t ito ay masyadong huli na? Bakit hindi mo samantalahin ang araw at hanapin ang katotohanan na iyong minamahal? Bakit maghihintay ka pa hanggang kinabukasan? Kung habang buhay ka ay hindi ka nagdurusa para sa katotohanan o naghahangad na makamit ito, maaari kayang ninanais mong maramdaman ang panghihinayang sa oras ng iyong paghihingalo? Kung gayon, bakit ka pa maniniwala sa Diyos? Sa katunayan, maraming bagay na kung saan ang mga tao, kung sila’y mag-uukol lamang ng katiting na pagsisikap, ay makapagsasagawa ng katotohanan at sa gayon ay mapalulugod ang Diyos. Dahil lamang ang puso ng mga tao ay palagiang nilulukuban ng mga demonyo kung kaya’t hindi sila makakilos para sa kapakanan ng Diyos, at palaging nagmamadali para sa kapakanan ng kanilang laman, nang walang anumang nakakamit mula rito sa katapusan. Dahil dito kung kaya’t ang mga tao ay palaging may mga problema at paghihirap. Hindi ba’t ito ang mga pagpapahirap ni Satanas? Hindi ba’t ito ang katiwalian ng laman? Hindi mo dapat subukang linlangin ang Diyos sa pamamagitan ng pananampalataya sa salita lamang. Sa halip, dapat kang gumawa ng aktwal na pagkilos. Huwag mong linlangin ang iyong sarili—ano ang magiging punto niyon? Ano ang iyong makakamit sa pamumuhay para sa kapakanan ng iyong laman at pagpapagal para sa kapakinabangan at katanyagan?

mula sa Ang Paghatol ay Nagsisimula sa Tahanan ng Diyos

29/09/2024

✨🪽 𝗔𝗹𝗺𝗶𝗴𝗵𝘁𝘆 𝗚𝗼𝗱 𝘀𝗮𝘆𝘀,

❝Kung nais mong puma*ok sa realidad ng katotohanan, kailangan mo munang magsimula sa mga patak at patak ng buhay at sa mga tao, mga pangyayari, at mga bagay sa paligid mo. Kung matututo ka ng mga aral mula sa lahat ng nangyayari sa paligid mo, mula sa paraan ng pagtrato sa iyo ng mga tao sa paligid mo, at mula sa mga isyu at kapaligiran na nakakaharap mo araw-araw, pagkatapos ay magiging mature ka at papa*ok sa tamang landas. ❞

07/09/2024

🥹🥹

🍄🌿Sabi ng Makapangyarihang Diyos,
Lahat kayo ay naglalaan ng oras para manalangin kapag nahaharap kayo sa mga problema o paghihirap, pero bumabaling ba kayo sa Diyos sa panalangin kapag wala kayo sa mabuting kalagayan? Nananalangin ba kayo kapag nagpapakita kayo ng katiwalian? Tunay ba kayong nananalangin? Kung hindi kayo tunay na nananalangin, hindi kayo uusad. Dapat kayong mag-alay ng mga panalangin at papuri lalo na sa mga pagtitipon. Ang ilang tao ay maraming taon nang nananalig sa Diyos, pero sa kasamaang-palad, hindi sila madalas na nananalangin. Nauunawaan nila ang ilang salita at doktrina at nagiging mayabang sila, iniisip na naunawaan na nila ang katotohanan, na nagkaroon na sila ng tayog, at labis silang nasisiyahan sa kanilang sarili. Bilang resulta, nasasadlak sila sa ganitong hindi normal na kalagayan, at sa susunod nilang pananalangin, nasusumpungan nila ang kanilang sarili na walang masabi, at nang walang gawain ng Banal na Espiritu. Kapag hindi makontrol ng isang tao ang kanyang kalagayan, maaari niyang matamasa ang mga bunga ng trabaho pagkatapos gumawa nang kaunti—o maaari siyang maging negatibo, magsimulang magpakatamad sa kanyang tungkulin, at huminto sa paggawa ng kanyang tungkulin kapag naharap sila sa kaunting paghihirap, na lubhang mapanganib. Ganito ang mga taong walang konsiyensiya o katwiran. Karamihan sa mga tao ay naglalaan lamang ng oras para manalangin kapag nahihirapan sila, o kapag hindi nila lubos na maunawaan ang isang bagay. Nananalangin lamang sila kapag ginugulo sila ng mga pagdududa at pag-aalinlangan, o kapag nagpapakita sila ng tiwaling disposisyon. Nananalangin lamang sila kapag nangangailangan sila. Ito ay normal. Gayunpaman, kailangan mo ring manalangin at magpasalamat sa Diyos kapag nakakakuha ka ng mga resulta sa gawain mo. Kung iniisip mo lang ang pagiging masaya at hindi ka nananalangin, laging nagagalak, laging nagpapakasaya sa mga ganitong pakiramdam, ngunit nakakalimutan mo ang biyaya ng Diyos, ito ay lubos.

Ang Maling Pagsasalarawan ng CAG sa Turo ng Panginoon Jesus: Katulad ng Pagtanggi ng mga PariseoTulad ng mga Pariseo noo...
06/09/2024

Ang Maling Pagsasalarawan ng CAG sa Turo ng Panginoon Jesus: Katulad ng Pagtanggi ng mga Pariseo
Tulad ng mga Pariseo noong panahon ni Jesus, na itinatakwil Siya sa kabila ng malinaw na mga tanda ng Kanyang pagka-Diyos, ganito rin ang ginagawa ng Church of Almighty God (CAG) sa pamamagitan ng kanilang maling interpretasyon ng Salita ng Diyos. Ginagamit nila ang Lucas 17:24-25upang palitawin na ang kanilang bagong Cristo—isang babaeng itinuturing nilang Diyos—ay kailangang itakwil muna ng mundo bago Siya kilalanin at tanggapin. Inaangkin nila na ang pagtanggi ng mga tao sa kanilang lider ay katulad ng pagtanggi ng mga tao kay Jesus noong una Siyang dumating. Sinasabi nila na ito ay tanda ng pagiging totoo ng kanilang aral.
Ngunit ito ay isang mapanlinlang na interpretasyon ng Salita ng Diyos. Mali ang paggamit ng CAG ng mga talatang ito upang suportahan ang kanilang maling aral. Ang totoo, hindi tinutukoy ni Jesus sa Lucas 17:24-25ang Kanyang ikalawang pagparito, kundi ang Kanyang unang pagdating, nang Siya ay ipako sa krus upang tubusin ang mga kasalanan ng sangkatauhan.
Ang Tunay na Kahulugan ng Lucas 17:24-25
Sa Lucas 17:24-25, sinabi ni Jesus:
"Sapagka't gaya ng kidlat, na pagkislap buhat sa isang panig ng silong ng langit, ay nagliliwanag hanggang sa kabilang panig ng silong ng langit; gayon din naman ang Anak ng tao sa Kanyang kaarawan. Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito."
Ang mga talatang ito ay tumutukoy sa karanasan ni Jesus sa Kanyang unang pagdating, kung saan Siya ay nakaranas ng maraming pagdurusa, itinakwil ng mga tao, at ipinako sa krus. Hindi ito isang pahayag tungkol sa Kanyang ikalawang pagparito. Noong unang dumating si Jesus, hindi Siya tinanggap ng mga Hudyo at ng mga Pariseo. Siya ay inakusahan, inalipusta, at kalaunan ay ipinako sa krus, gaya ng Kanyang sinabi:
"Datapuwa’t kailangan muna Siyang magbata ng maraming bagay at itakuwil ng lahing ito."
Ang pagtanggi kay Jesus na binanggit dito ay naganap na noong unang pagdating Niya. Sa Kanyang ikalawang pagdating, hindi na Siya daranas ng pagdurusa at pagtanggi, kundi Siya ay babalik bilang Hari na maghuhukom sa buong mundo.
Ang Pagpapahirap at Pagtanggi ni Jesus ay Nasa Propesiya ng Lumang Tipan
Ang pagtanggi at pagpapahirap na dinanas ni Jesus sa Kanyang unang pagdating ay hindi isang sorpresa; ito ay ipinropesiya na sa Lumang Tipan. Narito ang ilang mga talata na malinaw na nagpropesiya ng Kanyang pagdurusa at pagtanggi:
1. Isaias 53:3-5
"Siya'y hinamak, at itinakwil ng mga tao; isang taong may kalumbayan, at bihasa sa pakikidalamhati: at gaya ng isa na pinagkublihan ng mukha ng mga tao, Siya'y hinamak, at hindi natin Siya pinahalagahan. Tunay na dinala Niya ang ating mga karamdaman, at pinasan Niya ang ating mga kapanglawan; gayon ma'y ating itinuring Siya na hinampas, sinaktan ng Diyos, at pinahirapan. Ngunit Siya'y nasugatan dahil sa ating mga pagsalangsang, Siya'y nabugbog dahil sa ating mga kasamaan; ang parusa ng ating kapayapaan ay nasa Kanya, at sa pamamagitan ng Kanyang mga latay ay nagsigaling tayo."
Ang propesiya ni Isaias ay malinaw na tumutukoy sa unang pagdating ng Mesiyas, kung saan Siya ay tatanggihan, magdurusa, at papasanin ang mga kasalanan ng sangkatauhan. Ito ay eksaktong natupad kay Jesus, na dumating bilang isang mapagpakumbabang tagapagligtas, subalit Siya ay itinakwil at ipinako sa krus.
2. Awit 22:16-18
"Sapagka't niligid ako ng mga a*o: ang pulutong ng mga manggagawa ng kasamaan ay kumulong sa akin; binutasan nila ang aking mga kamay at aking mga paa. Aking mabibilang ang lahat ng aking mga buto; kanilang tinititigan ako at pinagmamasdan ako. Kanilang pinaghati-hatian ang aking mga kasuotan sa kanila, at sa aking balabal ay nagsapalaran sila."
Ang talatang ito mula sa Awit ay isang detalyadong larawan ng pagpapako sa krus ni Jesus, partikular ang pagbubutas sa Kanyang mga kamay at paa at ang paghahati-hati ng Kanyang kasuotan—isang eksenang naganap sa panahon ng Kanyang pagkapako sa krus (Mateo 27:35).
3. Zacarias 12:10
"At aking ibubuhos sa sangbahayan ni David, at sa mga nananahan sa Jerusalem, ang diwa ng biyaya at ng mga pamanhik; at sila'y magsisitingin sa akin na kanilang pinalagpasan; at kanilang tatangisan Siya, na gaya ng pagtangis sa bugtong na anak, at mangangayupapa sa Kanya, na gaya ng pagdadalamhati sa kanyang panganay."
Ito ay tumutukoy sa pagsisisi ng mga tao sa kanilang pagtanggi kay Cristo, na sa Kanyang unang pagdating ay pinarusahan, ngunit sa ikalawang pagdating ay kikilalanin bilang Hari at Tagapagligtas.
Ang Kanyang Ikalawang Pagdating ay Hindi Isang Lihim na Pagparito
Ang pagbabalik ni Jesus ay hindi lihim o tahimik tulad ng ipinapahayag ng CAG. Siya ay babalik tulad ng kidlat—isang maliwanag, biglaan, at hindi mapag-aalinlanganang kaganapan. Lucas 17:24 malinaw na nagsasaad na ang ikalawang pagparito ng Anak ng Tao ay magiging tulad ng kidlat na nakikita mula sa isang dulo ng kalangitan hanggang sa kabila. Walang sinuman ang maaaring makaligtaan ito. Kaya ang sinasabi ng CAG na si Cristo ay bumalik na bilang babae, at nangangaral sa lihim, ay isang pagsalungat sa malinaw na pahayag ng Panginoon tungkol sa Kanyang ikalawang pagdating.
Paghahatid ng Paghuhukom, Hindi Pagtanggi
Sa Kanyang ikalawang pagdating, hindi upang Siya ay muling magdusa o itakwil. Babalik si Jesus upang maghatid ng paghuhukom. Ang Kanyang muling pagbabalik ay magiging tanda ng pagtatapos ng kasamaan at simula ng paghuhukom ng Diyos. Sinasabi sa Mateo 25:31-32:
"Pagdating ng Anak ng tao sa Kanyang kaluwalhatian, kasama ang lahat ng mga anghel, Siya ay uupo sa Kanyang maluwalhating trono. At titipunin sa harap Niya ang lahat ng bansa, at Kanyang ihihiwalay ang mga tao sa isa’t isa, gaya ng paghihiwalay ng pastol sa mga tupa at mga kambing."
Walang ulit na pagtanggi o pagdurusa ang magaganap sa pagbabalik ni Jesus. Siya ay babalik bilang Hari ng mga Hari, at lahat ay luluhod sa Kanya sa araw ng paghuhukom.
Ang Maling Turo ng CAG
Ang pagtuturo ng CAG na mayroong bagong Cristo na itinatakwil muna ng mga tao bago tanggapin ay isang pagbaluktot sa Salita ng Diyos. Si Jesus ay hindi isang babaeng bumalik sa huling araw. Walang batayan sa Bibliya ang sinasabi nila, at ito ay malinaw na isang maling aral upang iligaw ang mga tao.
Pagtawag sa mga Miyembro ng CAG
Mga kapatid mula sa CAG, hinihikayat ko kayong magsaliksik muli sa Salita ng Diyos. Huwag kayong malinlang ng mga maling aral ng CAG. Si Jesus lamang ang daan, ang katotohanan, at ang buhay, at Siya lamang ang makapagliligtas sa atin. Balikan natin ang tunay na Panginoon—si Jesus, na ipinako sa krus at muling nabuhay para sa ating kaligtasan.
Para sa Mga Hindi Susuko
Para sa mga magpapatuloy sa pagtanggi sa katotohanan ng Panginoon, ang Hosea 4:6 ay nagbibigay ng babala:
“Ang aking bayan ay nasira dahil sa kakulangan ng kaalaman: sapagka't ikaw ay nagtakwil ng kaalaman, akin namang itatakwil ka..."

Address

Quezon City
Manila

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Church of Almighty God posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share