02/05/2025
DUGO NI HUDAS
Sa panulat ni: better known
Noong araw na isilang ang tagapagligtas na anak ng dyos kasabay noon ang pagsilang ng di mabilang na kasamaan.
Ang mundo ay nabalot ng walang hanggang puot at galit.
Ng mga nilalang ng dilim gaya ng dyos amang nasa langit ay ipinadala din ni satanas ang kanyang sarili dito sa lupa.
Habang nag papakalat ng mabuting gawa si kristo upang lukubin ng kabutihan ang mundo.
Nag simula narin si satanas na mag pakalat ng kanyang kasamaan upang pigilan ang anak ng dyos. Sa pag-gawa ng kabutihan.
Unang tangka nito ay habang nag lalakad sa disyerto si hesus habang binabagtas nito ang hudeya.
Dito inilatag ni satanas ang napakaraming bagay kung saan pinangakuan nya si hesus ng sandamak-mak na kayamanan.
Lupain,kaharian at walang hanggang kapangyarihan na nisahingap ay hindi maiisip ng isang karaniwang tao.
Ngunit matapos makita ng anak ng dyos ang lahat ng inihatag na pangako ni satanas ay nag matigas ito. Sa pag tanggi at iginiit nito ang kanyang misyon.
Ngunit hindi nag patumangga ang prinsipe ng kadiliman. Muli nitong ipinakita kay hesus ang kanyang sasapitin sa kamay ng mga taong kanyang ililigtas.
Ang madugong katapusan ng kanyang buhay at nanlilimahid sa sarili nitong dugo.
Satanas: yan ba ang pinangako sa iyo ng dyos mo?
Hahahahahaha.
At isang napakalakas at mapang insultong tawa ang pinakawalan nito.
Ngunit sumagot ang anak ng dyos.
Hindi hahayaan ng ama ang aking kapahamakan habang akoy nasa lupa.
Satanas: sya nga? Hahahaha paano ka nakasisiguro anak ng dyos.
Muli itong humalakhak ng nakakakilabot. Bago nag laho at binalutan ng itim na usok.
Nag patuloy si hesus na bagtasin ang kanyang tinatahak na landas upang tapusin ang kanyang misyon sa lupa.
Isa-isa nyang nakita ang kanyang mga taga sunod sina Juan,pedro at iba pa nitong kasapi sa kanyang pamamalakaya.
Sa kanilang pag lalakbay ay nakilala si hesus ng mga tao at kinatigan ang kanyang pangangaral. Ngunit may mga ilan ding hindi naniniwala subalit hindi nya ito pinag tuunan ng pansin.
Dahil mas natutuon ang atensyon nito sa mga alagad ng dilim na sumisilay sakanya. Habang sya ay nag lalakbay at nag papakalat ng salita ng dyos. Ngunit dahil sa dalisay na kapangyarihan ng nito ay ni hindi manlang makalapit ang mga ito ng ilang pulgada.
Hanngang naisipan ng kaaway na gumamit ng mapanlinlang na taktika. Upang sugpuin ang anak ng dyos sa pamamalakaya nito.
Gayung inudyukan nito ang ilang tao sa templo at sinabing si hesus ay isang bulaang propeta. At kampon ng kasamaan.
dahil sa kapangyarihang itim at sa likas na kakayahang makapanlinlang ay nagawa nitong papaniwalain ang mga tao
Sa isang bulong lamang.
dahil ang isang taong may mababaw na pananalig ay madaling linlangin ng mga demonyo.
At iyon ang ginamit nito upang pasunurin ang mga namamahala ng templo.
Ngunit hindi nag patinag ang anak ng dyos at nag patuloy sa kanyang pangagaral.
Kaya naman muling nakaisip ang kampon ng kadiliman na puntiryahin ang pinakamahina ang pananampalataya sa kanilang hanay.
Walang iba kundi si Hudas binulungan ito ng prinsipe ng kadiliaman at ginulo ang isipan.
Hanggang sa bumigay ito at nauwi sa pakikipag sabwatan. Sa seserdote at doon naisagawa ang pag huli sa anak ng dyos.
Ngunit ng gabing huhulihin na si hesus ay nakita nito sa hinaharap ang malagim na katapusan nito.
Walang atubili itong nag dasal sa ama at humingi ng patnubay.
Ngunit bago nya mapagadesisyunan na kausapin ang amang nasa langit. Ay naisipan nitong isagawa ang isang salu-salo ito ay ang huling hapunan.
Kungsaan hinatihati nya ang tinapay bilang simbulo ng kanyang katawan. At alak bilang simbulo ng kanyang dugo.
At itoy isasagawa bilang pag alala sa kanya ng kanyang mga tagasunod.
Ng maiabot ni hesus kay hudas ang pira*o ng tinapay Nag wika ito ng
"Gawin muna ang iyong dapat gawin."
Nakaramdam ng matinding panghihilakbot si hudas ng marinig iyon mula sa bibig ni hesus.
Nag tatakbo ito na parang isang baliw dahil hindi nito maisip kung paano nalaman nito ang kanyang planong ipag kanulo sya sa kamay ng kaaway.
Hindi lumipas ang gabing iyon umakyat sa bundok ang dyos upang manalangin.
Ngunit muling ipinakita ng ama ang kanyang kalooban.
Ng matapos ang panalangin ni hesus ay bumaba ito ng bundok. At dooy muli nyang nasalubong si satanas at nag wika.
"Anong sinabi ko sa iyo anak ng dyos tatalikuran karin nya.
Muli ay nag pakita ng senaryo ng malagim nakatapusan ni hesus si satanas.
At muling inalok ito na kung tatalikod ito sa dyos ay gagawin nitong masagana ang buhay nito sa lupa.at hindi nya dadanasin ang tyak na kamatayan.
Ngunit muling sumalungat si hesus sa kagustuhan ni satanas.
Sumigaw ito ng malakas sa kaliwang tenga nya at bumulwak ang mga itim na uwak at napakalakas na hangin. Na tanda ng pag kayamot nito sa pag mamatigas nya.
Bago tuluyang nag laho sa kadiliman matapos noon ay nag lakad si hesus pababa ng bundok at dooy natalisod ito habang umiiyak. Dahil sa kanyang nalalapit na katapusan.
Ng biglang may mga sundalong nag lakad sa kanyang harapan at kasabay nito ang pag lapit ni hudas.
Bigla itong lumuhod sa kaliwang bahagi ni hesus at pinakawalan ang nakalala*ong halik ni hudas.
At dooy lumabas ang pangitain ng katapusan ng dyos ang pag hagupit, pag bubuhat ng mabigat na krus at ang pag kakapako nito. At ang kanyang kamatayan.
Matapos ng halik ni hudas sa kanya agad syang tinakluban ng abuhing sako at dinakip.
Kinabukasan nag pakita ang anghel sa kalangitan na bumaba mula sa langit kay hudas. Itinutok nito ang espada sa leeg ni hudas at sinabihang parurusahan sya sa kanyang kasamaan.
Nag tatakbo si hudas sa bundok at dooy nag tago sa isang malaking puno. Nang masigurong wala na ang anghel ay lumuhod ito at nag makaawa sa dyos na patawarin ito sa kanyang nagawa.
Ngunit imbes na ang dyos ang tumugon si satanas ang lumabas at sinabing.
"Sa impyerno ka babagsak at hinding-hindi ka maililigats ng iyong dyos."
Dahil sa mababaw na pananalig sa dyos ay muling nalinlang si hudas ni satanas. Kaya napag pasyahan nitong tapusin ang kanyang buhay. Sa pamamagitan ng pag bibigti.
Nang maisagawa ni hudas ang pag-kitil sa sariling buhay. Nag bunyi ang panig ng kadiliman at lumabas mula sa pinag tataguan nito ang isang taong sinaniban ng demonyo.
Kumuha ito ng patalim at sinaksak sa puso si hudas at tumulo ang mainit,malapot at napakaitim nitong dugo. Mula roon sinahod nya ito gamit ang isang botelya.
At saka ulamalis natila ba walang nangyari. Mula noon ay nag pagalagala na ang lalaking iyon sa kung saan-saang panig ng mundo.
Kung saan din mapad-pad ang pamamalakaya ng mga tagasunod ni hesus ay naroon din sya upang ipakalat ang kadiliman.
May mga binibiktima ito sa bawat bansang maabutan ng kristyanismo. Sa europa ay may isang lalaking nalulong sa alak dahil sa kalasingan ay nakatulog ito sa kalsada.
Kita nito ang mababang pag kilala sa dyos at pananampalataya. Kaya nilapitan nya ito habang ito ay natutulog pinatakan nya ito ng isinumpang dugo ni hudas.
At biglang nag laho sa dilim mayamaya lamang nakaramdam ang lalake ng pag higpit sa kanyang lalamunan. At nahirapan sa pag hinga at muling nawalan ng malay.
Kinaumagahan nagising ang kawawang lalake dahil sa hapdi nadala ng araw na tumatama sa kanyang balat.
At doon sumigaw ng napaka lakas ang lalake at lumabs sa kanyang bibig ang napaka habang pangil.
Saka ito tumakbo sa madilim na eskinita at doon nya napagtanto na isa na syang nilalang ng dilim. Dahil malinaw ang kanyang paningin kahit madilim sa lugar na iyon. At sa tuwing masisinagan sya ng araw ay tila naagnas ang kanyang balat.
At doon nag simula ang lahi ng bampira sa europa.
Ngunit ng mapadpad ang ang mga espanyol dito sa pilipinas at ipinakalat ang kristyanismo.
Kasabay nila ang pag dating din ng halimaw naiyon at syang bumiktima naman kay Azon na isang ulirang may bahay.
Ngunit dahil sa pag kamatay ng buong pamilya nito dahil sa dipa natutuklasang sakit.
inalok nito si Azon ng likido ng dugo ni hudas na kapag ininom nya ito magkakaroon sya ng kakayahang buhayin ang mga nangamatay nitong mahal sa buhay.
Dahil narin sa pagka-suklam nito sa dyos ay walang pag aatubili nyang ininom ang likido na nag lalaman ng dugo ni hudas.
At doon ay nakaramdam sya ng sobrang init sa katawan at pag kauhaw sa dugo. At pag kasabik sa laman ng tao.
At iyon ang kaunaunahang ka*o ng lahi ng mga aswang dito sa pilipinas.
Ngayon ay may mga haka-haka nabuhay pa ang nilalang naiyon na nag tatangan ng dugo ni hudas.
At patuloy na lumilibot sa mundo at may mga nag sasabing ang nilalang naiyon ay isa na sa pinakamayamang tao na sa mundong ito.
At nag kakamal ng sandamakmak na salapi at kapangyarihan sa gobyerno o sa salarangan ng negosyo.
Nakuha nya ang mga ito dahil narin sa tagal nyang namumuhay dito sa daigdig.
Salamat sa pag babasa
-Better known-