18/09/2026
Personal na binisita ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Sta. Barbara Central School sa Sta. Barbara, Pangasinan nitong Huwebes upang obserbahan ang pagpapatupad ng school-based feeding program ng pamahalaan.
Pinangunahan din ni Marcos ang pamamahagi ng masustansiyang snacks na ginawa ng Nutridense Food Manufacturing Corporation para sa mga student-beneficiaries ng programa.
Bukod sa feeding program, ininspeksiyon din ng Pangulo ang pagpapatupad ng PhilHealth YAKAP program sa lugar, na bahagi ng primary care initiatives ng pamahalaan.