07/09/2024
Sa ayun na nga kanina after ng shift ko sa trabaho papunta akong parking. Grabi sobrang exhausting nitong mga nakaraang araw. Sobrang nakakapagod nitong week and gustong gusto ko ng umuwi sa bahay at mag pahinga.
Naglalakad nako papuntang parking at hinahanap saan ko na-park un motor ko. Nung nakita ko na tanaw tanaw ko na motor ko. Napangiti na lang ako at parang naibsan un pagod na dala ko nung makita ko motor ko. Dahil sa kabila ng disaster nitong mga nakaraang araw, pag-baha, trapik at malakas na hangin. Hindi ako binigong maihatid ng aking nagiisang kaagapay papuntang trabaho at pauwi. Ang aking motor.
Thank you buddy!
Wala lang gusto ko lang pasalamatan yung motor kong naghahatid sakin ng safe. Naghahatid sakin ng mabilis at komportable. Alam naman natin ang hirap ng pag co-commute papuntang trabaho. Pero lahat ng yun hindi ko naranasan kasi nandito un motor ko. Sakin hindi lang to basta motor to kung hindi kaibigan, kapamilya at mahal ko. Kaya maraming salamat buddy!
Kaya naman, ngayon araw buddy pupunta tayo ng shop! It's your time buddy to shine, spoiled kita ng maintenance. Kahit hindi mo pa change oil time change oil kita hahaha. Syempre kakabitan kita ng bagong ilaw tapos maliligo ka na kahit maulan pa.
Labyu, ride safe satin! 😘