18/03/2026
"MISIS NA NAKIPAGLAMAY, PINAGLAMAYAN KINABUKASAN! - TRUE CRIME STORY
Sa isang tahimik na bayan ng Hagonoy, Bulacan, isang asawa ang nagbigay ng kanyang huling paggalang sa isang kamag-anak na pumanaw. Kasama ang kanyang pamilya, dumalo sila sa lamay, isang normal na kaugaliang Pilipino. Isang tanda ng pakikiramay at pagbubuklod ng mga magkakamag-anak. Ngunit sino ang mag-aakala na sa mismong gabing iyon habang pauwi sila mula sa baryo, isang madilim na trahedya ang hindi inaasahang sasalubong sa kanila.
Hindi kailanman pumasok sa isip nila na ang pagkakataong ito ay magdadala ng panganib na magiging sentro ng pagdurusa ng isang pamilya dahil sa biglaang pagkawala ng isang mapagmahal na ina at mabuting asawa. Ito ang kuwento ng walang kwentang karahasan ng isang road rage na walang pinagmulan ngunit nagdulot ng panghabambuhay na sakit sa isang pamilya na dapat ay buo pa hanggang sa araw na ito.
Ngunit dahil sa isang walang kwentang gawa, nasayang ang buhay ni Gng. Malu Victorio. Ano nga ba ang tunay na nangyari sa kanya at paano niya sinapit ang kanyang malungkot na kamatayan? Alamin natin ang kuwento sa likod ng kasong ito. [Musika] Noong Oktubre 27, 2018, bandang alas-10 ng umaga, dumating sina Edwin at Malu Victorio sa Hagonoy, Bulacan mula sa Marikina. Si Edwin ay isang call center agent at si Malu ay isang mabuting maybahay na nag-aalaga sa kanilang mga anak....FULL STORY IN COMMENT 👇🏻
"