20/10/2025
Maraming pasikot-sikot ang proseso.
Maraming daang paliko-liko—
mahaba, paulit-ulit, masakit.
Pero hindi ibig sabihin nito'y
agad ka nang susuko.
Kapag lumingon ka man
at napilitang bumalik sa simula,
makikita mong—
malayo ka na pala.
May progreso sa bawat pagdaraan,
kahit hindi mo ito agad napapansin.
At hindi ka basta-basta matutumba
dahil lang sa salitang ibinato ng mundo.
Sapagkat wala nang hihigit pa
sa isang ikaw
na kilala ang sariling lakas,
na handang matuto sa bawat laban,
at bukas ang palad
sa bawat araw na sa’yo’y nakalaan.
Palag lang..