19/06/2025
Congressman BENNY ABANTE DECLARED WINNER OF MANILA 6TH DISTRICT CONGRESSIONAL SEAT
BREAKING NEWS: The Commission on Elections (Comelec) Second Division voids the congressional candidacy of Joey Uy and declares incumbent Rep. Benny Abante as the “duly elected” congressman of the sixth district of Manila City.
"Respondent (Uy) is considered a non-candidate and his COC (certificate of candidacy) is void ab initio. Proclamation of respondent is annulled," the Comelec said in a statement, citing the decision of the Comelec Second Division.
Congressman "Bienvenido "Benny" Mirando Abante Jr. declared as the duly elected Member, House of Representatives, 6th District of the City of Manila,"
PARA HINDI NA TAYO PAULIT-ULIT SA PALIWANAG:
📌 COMELEC 2nd Division Ruling – SPC No. 25-006
📅 June 18, 2025
Sabi nga ng Supreme Court sa Maquiling vs. COMELEC:
“The results of the elections cannot outweigh the statutory requirements for qualification and disqualification of candidates.”
Ano’ng ibig sabihin nito?
Hindi sapat na nanalo ka sa boto — kung hindi ka naman kwalipikado sa ilalim ng batas.
🔍 Article VI, Section 6 ng 1987 Constitution:
“No person shall be a member of the House of Representatives unless he is a natural-born citizen of the Philippines…”
📂 Ayon sa mga dokumento, si Joey Uy ay ipinanganak noong 1962.
👉 Ang tatay niya ay Chinese citizen.
👉 Ang nanay niya — dating Filipino — ay nawalan ng citizenship at naging Chinese citizen din nang ikasal sa ama niya.
✋ Dahil dito, hindi siya natural-born Filipino.
Ang citizenship ng isang bata ay base sa citizenship ng magulang sa panahon ng kapanganakan.
📜 Taong 1968 pa sila naging Filipino citizens — sa pamamagitan ng naturalization.
Ibig sabihin, naturalized Filipino siya, hindi natural-born.
At dahil dito, hindi siya kwalipikado tumakbo bilang Congressman sa ilalim ng ating Saligang Batas.
🚫 Dahil sa maling deklarasyon sa kanyang COC (na siya ay natural-born Filipino), kinansela ng COMELEC ang kanyang kandidatura dahil sa misrepresentation.
⸻
❓TANONG NG MARAMI:
“Eh bakit naging konsehal siya dati?”
Iba po ang batas sa local positions.
📌 Sa ilalim ng Batasang Pambansa Blg. 52 (1979), ang qualification para sa mga lokal na opisyal (tulad ng Konsehal):
➡️ Filipino citizen lang.
Hindi kailangan ng natural-born status.
Pero pagdating sa Congressman, mas mabigat ang requirement:
➡️ Dapat ay natural-born Filipino — malinaw sa ating Saligang Batas.
⸻
✅ Anong susunod?
Hindi pa final and executory ang ruling.
May 5 days si respondent para mag-file ng Motion for Reconsideration sa COMELEC En Banc.