18/11/2024
Sa ngayon ay walang namumuong sama ng panahon sa Pasipiko na susunod kay bagyong Pepito. Inaasahan ito hanggang bago matapos ang linggong ito. Sa kuha ng satellite ay makikita ang mga localized thunderstorms sa Visayas at Mindanao. Sa Luzon ay makikita pa din ang mga pag-ulan at kaulapan sa bandang North dulot pa din ng papalayong bagyong Pepito.