12/06/2026
3DFC Day 1
Ang Aking Personal Takeaway sa Funnel Training
1. Mula sa Pagiging Duda, Papunta sa Pagsubok
Noong nakaraang taon ko pa nakikita ang tungkol sa funnel sa Facebook. Gusto ko sanang subukan noon dahil mukhang magandang kitaan, kaya lang natakot ako na baka scam dahil maraming hinihinging impormasyon sa mga link. Pero habang lumilipas ang panahon, nakikita ko kung paano binabago ng online freelancing at AI ang buhay ng mga tao. Nainggit ako dahil sa corporate job ko ngayon, grabe ang stress at pagod araw-araw, pero laging kulang at nakakadismaya ang sahod pagdating ng katapusan. Kaya nagdesisyon akong lakasan ang loob ko na matuto ng bago at lumabas sa aking comfort zone. Zero knowledge man ako ngayon, pinili kong magsimula.
2. Ang Hamon ng Pagiging Introvert sa Training
Kagabi, sobrang kabado ako dahil may group activities. Bilang isang mahiyain at introvert na tao, napaka-uncomfortable para sa akin na humarap at magsalita sa mga taong hindi ko kilala. Isang malaking challenge sa akin ang mag-show up. Pero nagpapasalamat ako kay Coach Darla dahil ipinaramdam niya sa amin na ligtas kami. Nung sinabi niyang nirerespeto ang privacy at hindi itotolerate ang bashing, gumaan ang pakiramdam ko. Mas naging madali para sa akin ang makinig at makilahok dahil alam kong ligtas ang environment.
3. Ang Aking Pag-asa sa Susunod na mga Araw
Marami akong naging Aha! moments kagabi sa mga diskusyon. Hindi ko pa man tuluyang naiintindihan ang buong konsepto ng funnel sa ngayon, at kahit may kaba pa ring natitira, buo ang pag-asa ko na kakayanin ko ito. Ang goal ko ay ma-master ito para magkaroon ako ng dagdag na source of income habang ginagawa ko ang aking 8-9 hours na corporate job. Dagdag na pagod man ito ngayon, alam kong para naman ito sa mas magandang kinabukasan ko at ng pamilya ko.