21/03/2025
WAG KANG MAG A-ABROAD..
1. Wag kang mag abroad kung hindi rin lang buo ang loob mo.
2. Wag kang mag abroad kung hindi mo kayang magtiis at magsakripisyo.
3. Wag kang mag abroad kung hindi mo kayang mag tiyaga.
4. Wag kang mag abroad kung hindi malakas loob mo.
5. Wag kang mag abroad kung puro ka reklamo at maarte, hindi yung amo ang susuyo sayo.
6. Wag kang mag abroad kung hindi mo kayang kainin ang pride mo. Nasita kalang ng amo gusto mo umuwe na agad. Ang mga amo hindi marunong mgtanim ng galit minuto lang wala na.
7. Wag kang mag abroad kung hindi mo kayang indahin ang lungkot.
8. Wag kang mag abroad kung mahina ka.
9. Wag kang mag abroad kung hindi ka marunong dumiskarte, kung ayaw mo ng tirang pagkain ng amo, wag katulong ang aplayan mo.
10. Wag kang mag abroad kung hindi ka sigurado kung bakit ka nga ba mag-aabroad.
Meron ung atat makaalis pagdating gusto na ulit umuwe. Hays, isipin mo ang pagod mo nung nag-aapply ka.
God bless sa lahat ng OFW sa buong mundo! Nawa'y umayon satin ang panahon. 🙏🏻✨